Chapter Five

92 65 2
                                    

                                   *****

Hila-hila ko ang malaking maleta habang nakasukbit naman sa aking balikat ang malaking bag na siyang dadalhin ko sa pagpunta ng Maynila. Ilang piraso ng damit at personal na kagamitan lamang ang laman ng maleta at bag ko, hindi naman siya gaanong mabigat, kaya ko namang dalhin mag-isa. Hinatid lang ako ni Raven dito sa terminal ng bus pagkatapos ay umuwi rin siya agad. Hindi ko nga alam kung nagtatampo ba yun eh. Sabi niya lang sa 'kin, ingat daw ako at tumawag na lang daw ako kapag ando'n na. Wala nga akong cellphone para alam niya. Yung keypad kong cellphone na nabili ko pa noon sa palengke second hand pa ay gamit niya ngayon. Okay lang, may mga telephone booth naman yata do'n sa tabi-tabi makikitawag na lang ako pagkarating ko do'n.

Napabuntong-hininga ako habang hinihintay yung bus na sasakyan ko. Ngayon pa nga lang ay parang gusto ko ng bumalik sa bahay. Naalala ko tuloy yung huling pag-uusap namin ni Raven.

"𝗔𝘆𝗮𝘄 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗼𝗳𝗳𝗲𝗿 𝘀𝗮𝘆𝗼?" rinig kong tanong ni Raven habang naglalakad kami pauwi.

Medyo ginabi na kami ng uwi dahil pagkatapos mag-dismissed ng klase ay pinapunta ulit ako sa principal's office. Tinanong ako ng adviser ko at ng principal kung tinatanggap ko daw ba yung offer sa 'kin. Nalaman ko din na ako lang pala ang nag-iisang studyante sa school namin na nabigyan ng scholarship ng Paradise High. Nakakapagtaka nga dahil hindi naman ako gano'n katalino. Hindi naman ako yung top sa klase namin, kumbaga average lang ang katalinuhan na meron ako. Mas matalino nga sa 'kin si Raven eh. Tsaka sa pagkakaalam ko, ang mga studyanteng nabibigyan ng scholarship ng Paradise High ay yung mga studyanteng may 110 to 120 na IQ o mayroong superior intelligence na kung tawagin. Eh, mukhang itong kapatid ko ang meron no'n eh. Oo nga't pasok din ako sa requirements nila na magaling pagdating sa iba't-ibang klase ng sports pero...tsk! Hindi pa din enough eh. Tsaka ang sabi do'n 𝘥𝘶𝘦 𝘵𝘰 𝘩𝘦𝘳 𝘦𝘹𝘤𝘦𝘭𝘭𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘤𝘢𝘥𝘦𝘮𝘪𝘤 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘯𝘤𝘦. Parang hirap paniwalaan huhu. Tinanong ko nga kanina yung principal kung para sa akin ba talaga yun o para kay Raven pero hindi raw at sa 'kin daw talaga yun. Grabe na nga.

"𝗡𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗸𝗮 𝗯𝗮?" natauhan lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang magsalita ulit si Raven.

Wala sa sariling napasimangot ako habang sinisipa-sipa yung mga maliliit na bato sa kalsada, nakahawak pa ako sa strap ng bag ko.

Napabuntong-hininga muna ako bago sagutin ang kanyang tanong. "𝗔𝘆𝗼𝗸𝗼. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆 𝗱𝗼'𝗻 𝘁𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗮𝘆𝗼𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘁𝗼."

Kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pag-iwas ng tingin sa 'kin ni Raven, bumagal din ang lakad niya kaya naman huminto ako at hinarap siya.

"𝗦𝗶 𝗹𝗼𝗹𝗮 𝘁𝗼𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗴𝘂𝗺𝗯𝗶𝗻𝘀𝗶 𝘀𝗮 '𝗸𝗶𝗻." parang batang sumbong ko. "𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗯𝗮? 𝗣𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗶𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗱𝗼'𝗻 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗿𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗶𝘀𝗲 𝗛𝗶𝗴𝗵? 𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗺𝗼 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼? 𝗦𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶, 𝗺𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗺𝗼 '𝗸𝗼 𝘁𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗺𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝘀𝗮𝗿𝗮𝗻, '𝗱𝗶𝗯𝗮 '𝗱𝗶𝗯𝗮?"

Seryoso niya akong tiningnan. "𝗞𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗽𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗺𝗼, 𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼."

SKY CASTLE (Ongoing) Onde histórias criam vida. Descubra agora