Chapter One: Meet Scarlet

166 114 80
                                    

*****

"Sky Castle is the most biggest and luxurious Castle in the world and considered as the home of the most wealthiest, powerful and influential persons in the country which is called...The Royalties! Sa kastilyong ito, tanging ang mga elites at upper class students lamang ang pinapayagang makapasok. Sila din ang mga studyanteng nag-aaral sa paaralang nasasakop ng kastilyo...ang Paradise High. One of the most famous and prestigious school in Asia and known as the SCHOOL OF ROYALTIES. Syempre kung may HOME OF ROYALTIES, meron ding School of royalties." Ani ng reporter sa isang tv show na pinapanood ko. May malaking flat screen tv kasi yung tindahang kaharap ko kaya libre manood hehe.

"Ang nasabing eskwelahan ay itinayo pa noong 19th century. Ang eskwelahan na ito ay exclusive lamang para sa mga elites and upper class students kung kaya't pahirapang makapasok ang mga low class commoner na gustong makapag-aral dito dahil sa laki ng tuition fee. Ngunit, isang beses sa isang taon lamang sila nagbibigay ng scholarship at isa sa sampung low class students lamang ang mabibigyan nito. Iyon ay ang mga studyanteng may matataas na IQ na umaabot sa 110 to 120 IQ 𝘰 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘱𝘦𝘳𝘪𝘰𝘳 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘭𝘭𝘪𝘨𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨  𝘴𝘢 iba't-ibang klase ng sports. Tinatanggap din sa High society ang nakapagtapos sa nasabing eskwelahan."

"Ang Sky Castle at Paradise High ay madalas ding maipalabas sa mga magazines, newspapers, TV at social media na binansagan bilang 'THE LIVING PARADISE' dahil sa ganda nito. Kaya hindi na nakakapagtakang maraming studyante ang nangangarap makapag-aral sa nasabing eskwelahan at makatira sa Kastilyo."

Psh! Korni. May mga maayos naman na paaralan kahit public lang eh, though mas high quality nga yung klase ng pagtuturo ng mga guro diyan, mga professionals talaga at sobrang talino. Pero may matutunan ka naman kahit sa public lang eh. Tsaka, kung isa ka lang namang low class commoner paano ka makikipagsabayan sa mga royalties diyan. Jusme! Mga mapanuring mata niyan lagi nasayo, parati ka pa nilang ija-judge at lalaitin sa isip nila. Ganyan naman talaga ang mga mayayaman eh. Typical attitude of rich people psh! Pero hindi ko naman sinabing lahat, yung iba lang. Syempre meron pa rin namang mga down to earth na mga mayayamang nilalang.

Pinapangarap daw ng lahat, pwe! Never ako nangarap makapag-aral sa eskwelahan at tumira sa kastilyo na yan. Kuntento na kasi ako na nakakapag-aral  kahit sa public school lang.

Hays!

Matapos kong ibaba sa sahig ang malalaking banyerang buhat-buhat ko ay agad kong pinunasan ang tumulong pawis mula sa aking noo gamit ang likod ng palad ko. Saglit din akong nag-stretching para naman kahit papaano'y mabawasan man lang ng kaunti ang pananakit ng mga binti at braso ko.

Pagod na ang buo kong katawan dahil sa maghapong pagtitinda ng mga gulay at isda dito sa palengke. Mukhang kailangan ko na ng isang matinding pahinga ngunit hindi pa pwede dahil napakarami ko pang gagawin. Hindi naman pwedeng iwan ko itong pwesto ko ng ganito karumi at kagulo.

Napabuntong-hininga na lang ako bago sinimulang linisin ang mga kalat sa pwesto ko. Binilisan ko na rin ang pagwawalis ng mga natapong tubig sa sahig dahil malapit ng dumilim. Huhugasan ko pa pati yung mga palangganang pinaglagyan ng mga isda at kailangan ko pang itapon yung mga sirang kahon na pinaglagyan kanina ng mga gulay.

My ghad! Ang dami ko pang gagawin. Ang lagkit na rin ng katawan ko dahil sa pawis. Pakiramdam ko, ang hagard-hagard ko na. Nangangamoy isda na rin ako. Pero keber lang. 'Di baleng hagard at malansa basta may perang maiuuwi sa pamilya.

SKY CASTLE (Ongoing) Where stories live. Discover now