AFGITMOLFM (Revised Version) Book Review

380 10 8
                                        

Aaaa. Wait. *clap-clap* muna para sa success ng pagkakatapos ng AFGITMOLFM Wattpad Version.

Finally, as in Finally tapos na siya! Actually, dapat di ko naman na to ginagawa e. I mean, para saan pa? Ano pang purpose nito? Wala naman diba? Pero dahil, dahil. Actually, di ko din alam kung bakit. Lul.

So, eto na. Bahala na sa mga fans na makakabasa. Pero kay Ate Rayne ko lang naman to gustong iparating, opinyon ko lang po. Inuunahan ko na po. PEACE!

Gusto ko munang sermonan ang sarili ko sa pagiging spoiler. Bakit ba kasi sinearch ko pa yung old version? Panira ako sa sarili kong excitement. But then again, di ko naman na pinagsisihan kasi kahit papano e may naicontribute naman ako sa revised version.

Gusto ko ding sabihin, na ang hirap ng ginawa mo ate Rayne. Seryoso, kase nag-cater ka ng dalawang uri ng readers yung mga bago na talagang tutok na tutok sa updates at yung mga old readers na hinihintay kung ano yung mga nabago at kung nabigyan ng justice yung pagkaka-revise. At hindi po madali yun. Kung bakit? Basta. Alam nyo na yun. Shabu pa Ton. HAHAHA


Di na ako mag pipin-point, gusto ko na lang i-general yung pagbabago. Like;

* Nag-mature yung story -Ewan ko kung napansin din ng iba to, pero HS si ate Rayne nung ginawa yung una at college na ngayon. Kaya visible talaga yung pagka-mature nung story at characters. Bakit? Try nyong balikan yung mga thoughts ni Ianne, masasabi mong di na talaga bata. At mukang may pinag-daanan na talaga base dun sa mga pananaw nya tungkol sa buhay, love at family.

* Mas naging realistic- Totoo. Pramis. Kasi dun sa luma napapasabi ako ng, "Ay teka, nasobrahan ata ng kakapanood ng anime, kakabasa ng manga,kakapanood ng koreanovela or what." Hahaha. Alam mo yung plot e simple at cliche tapos biglang pang extraorninary na yung kasunod, basta may ganun kasing scenes. PEACE. Yung teka, out-of-this-world to. Fantasy na ba to? pwede mag stick lang sa iisaang setting? Pero dito, masasabi ko talaga mas naging realistic. Parang totoong buhay, yung daily routines, yung eksena, yung mga normal na nangyayari sa buhay nila. Gusto kong mag cite ng kahit isang pangyayaring tinutukoy ko, pero di ko na kasi matandaan kung san exact. Sorrey.

*Nag-experiment- Okay to e. Kasi nag take ng risk, yung halatang ayaw maging sobrang cliche kaya gumagawa ng paraan para may maiwan talagang tatak yung story at di basta malimutan o ma-icompare sa ibang works. Big example yung proposal sa grocery. What the Fudge, bakit po sa grocery? Wala na bang mas roromantic dyan? Dabes na ba yan? Hahaha. Pero yung totoo? AYOS yun. Kasi di yon usual.Talagang nag-iwan ng mark.

Pero...

May times talaga na parang may dead air pa rin, alam mo yun? O sige na. Epal ko talaga e. Yung times na kakatamad na ituloy kasi parang naging formality, nawala yung fun. Na sobrang visible sa unang version, parang sa sobrang eager na pagandahin, medyo lumabo yung "soul" ng story. Para kasing trip-trip lang yung una, pero etong bago. Madrama din e. (Pasensya na kakabasa ko lang nung special chapter ni Nate e, nabad-trip ata ako sa lungkot. Ajujuju)

Importante talaga kasi na nag-eEnjoy yung sumusulat sa sinusulat nya, kesa yung napipilitan lang dahil sa demand ng readers, Kudos kay Ate Rayne, dahil di siya nagmadali. Pressure kung pressure pero kalma lang siya. HAHAHA

Pero eto talaga...

Bawing-bawi po sa epilogue! Lol.


Seryoso, ang ganda at meaningful ng ending. Hahaha. Kinikilig ako kay Nate! Chos. Ngiting-ngiti talaga ako nung binabasa ko yun e, Fresh na fresh kasi at nakaka-inspire. The end did justify the means.

Para kasing nag-end na yung story, pero nag-start ng bagong stories. Sa dami ba naman ng cameos. Ang saya lang. Hahaha. It encourage the readers to go on with life, and reminds us that pain is really essential in life. The brave gets the beauty ba.

The best yung iniwan nya sa mga readers na parang Art Felix Go Is The Meaning Of Love For Me, what's yours? Seryoso. Ang bigat pero ang ganda na binigay mo sa readers yung pen para magsulat sila ng sarili nilang love story at hanapin kung ano ba yung meaning ng love sa kanila.

Hmn. Ang dami ko ng sinabi. Dapat isusulat ko to pag tapos na yung special chapters, pero di ko na pinatagal. Kasi naniniwala din ako na di naman ata lahat ng side ng story e kailangan malaman ng readers, kasi spoon-feeding na yun. Pero so far kahit nabasa ko na yung kay Nate, di pa rin spoon-fed. Hehehe. Apir.

PS. Anyare sa twitter mentions ate Rayne? minemention kita e. Sows. Hahaha

Muli opinyon ko lang to. Pasensya na sa ka-epalan ko. Boo! Hanggang sa muli. Ajujuju. Mamimiss ko talaga si Nate! ASDFGHJKL ;(

D A Y A R INơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ