Chapter 11

950 19 1
                                    

CHAPTER ELEVEN

"KAUSAPIN mo na si Terrence," pakiusap kay Cayla ng mommy niya.
Kanina pa naghihintay sa labas si Terrence. Ilang beses nang tinanggihan ni Cayla na kausapin ang binata. Busy siya sa trabaho at ayaw niya ng distraction. Paano siya makaka-recover sa ginawa nito kung lagi itong nakabantay sa kanya?
"May meeting nga po ako," sabi ni Cayla, saka inipit ang awditibo ng telepono sa kanyang tainga at balikat. "Alam naman po ninyo iyon, 'di ba?"
"Kahit naman wala kang meeting, ayaw mo siyang kausapin. Kung may problema kayo, mabuti pang pag-usapan na ninyo."
"We already discussed it, Mom. At hindi na namin maaayos ang lahat."
"Kapag hindi mo siya kinausap, susugod ako riyan at kukurutin kita sa singit," banta ng kanyang ina.
"Mommy!" bulalas ni Cayla. Kapag nagbanta ang mommy niya, tiyak na gagawin nito.
"Ilang araw na siyang sunod nang sunod sa 'yo pero ayaw mong kausapin. Kinakausap mo nga pero lagi mo namang inaangilan."
"I didn't ask him to follow me around. Why doesn't he just quit acting like an obsessed lover? Hindi naman niya ako mahal."
"Have a heart, Cayla. Talk to him for the last time."
Cayla felt a thud in her heart when she heard the words "last time." Wala sa sarili na ibinaba niya ang telepono at pinindot ang intercom. "Miles, kindly send Mr. Aquila in," sabi niya.
"Yes, Ma'am."
Ilang sandali pa at bumukas na ang pinto ng kanyang opisina.
"Thank you," usal ni Terrence nang makapasok.
Parang kinurot ang puso ni Cayla nang mapagmasdan si Terrence. He looked worn-out. Gone was the arrogant and haughty Terrence Aquila she knew. Ang sabi ng mommy niya, pagkatapos ayusin ni Terrence ang mga trabaho ay pumupunta na agad ito sa labas ng building ng Balmaceda Garments para bantayan siya hanggang makauwi.
"Take a seat, Terrence, at sabihin mo na ang gusto mong sabihin," matigas na sabi ni Cayla.
"I am leaving tomorrow morning."
Hindi nakapagsalita si Cayla. Iba kasi ang pakiramdam kapag itinataboy niya si Terrence at ngayon ay ito na mismo ang sumuko sa kanya. Parang isang malaking bahagi ng pagkatao niya ang nakatakdang mawala.
Inilapag ni Terrence sa table ni Cayla ang isang pulang kahita. "Nandiyan na sa kahong 'yan ang lahat ng gusto kong sabihin."
Kahit hindi buksan ni Cayla ang kahon ay alam niyang engagement ring ang laman niyon. "Terrence, I can't accept it. It is over between us."
Malungkot na ngumiti si Terrence. "It won't be over as long as you love me. I will leave because you want me to. And only you can make me stay."
Isang bahagi ng pagkatao ni Cayla ang tila namatay nang tumalikod si Terrence at naglakad palayo. Gusto niya itong pigilan pero batid niyang wala ring mangyayari. Manghihina lang siya sa bawat yakap at halik ng binata. At lagi siyang mangangamba sa kanilang walang katiyakang relasyon at patuloy na makisama sa lalaking hindi siya mahal.
Hindi lang si Terrence ang dapat mahalin ni Cayla kundi maging ang kanyang sarili. Hindi puwedeng lagi na lang siya ang nagmamahal. She failed to make him love her so she must suffer the consequences. She must live without him.

NAKADAMA ng kirot sa dibdib si Cayla habang pinagmamasdan ang kahitang bigay ni Terrence. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kahita. She wanted to open it to see what was inside. Pero baka lalo lang siyang masaktan. But she was dying of prolonged torture because she didn't know what was inside.
"Hija, hindi ka na nag-dinner," sabi ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kuwarto. "Lumalamig na ang pagkain."
"Mauna na kayo, Mommy. Wala pa po akong gana."
"Nag-usap na kayo ni Terrence?"
Tumango si Cayla. "He told me he is leaving tomorrow morning. And he gave me this box. Nandito raw po ang lahat ng gusto niyang sabihin."
"At ano ang sinasabi riyan?"
Nagkibit-balikat si Cayla. "I don't know. Hindi ko pa po kasi binubuksan."
"Why don't you open it to know what's inside?"
Kinagat ni Cayla ang kanyang labi upang pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Baka lalo lang po akong masaktan. It won't make any difference."
"Gusto mo bang sabihin sa akin ang problema? I've been through so much pain so I know how it feels."
"It hurts like hell. I gave everything to him but he can't love me back."
"Are you sure? Sa tingin ko, mahal ka niya."
"Bakit ba lahat na lang ng tao, sinasabi na mahal niya ako? Pero siya mismo, hindi naman niya sinasabi."
"Did you ask him?"
"Why should I? To humiliate myself?"
"Your dad was not outspoken. Pero hindi niya kailangang sabihin na mahal niya ako dahil nararamdaman ko. Minsan, masyado tayong nadadala sa salita kaya hindi natin nakikita ang tunay na motibo ng isang tao. Katulad ng Uncle Waldo mo, sinasabi niyang mahal niya ako pero hindi naman pala."
"You mean, Terrence was like Dad?"
Ngumiti ang kanyang ina. "Opinyon ko lang 'yon. But it doesn't really matter if he loves you or not. Ang importante, mahal mo siya. Bakit mo sasayangin ang pagmamahal na iyon? Love doesn't come to many. I have been so blessed to have you and your dad."
"Pero si Uncle Waldo..."
"Hindi ko rin pinagsisisihan na minahal ko siya. I have good memories."
"Mas magiging masaya na lang ako sa memories namin ni Terrence, Mommy. Para hindi rin ako masaktan."
Hinaplos ng mommy ni Cayla ang kanyang buhok. "No. You can have more than good memories, Cayla. Huwag mo lang palagpasin ang pagkakataon," anito at tinalikuran na siya. "Baka magsisi ka sa huli."
Nang wala na ang kanyang ina ay lakas-loob na binuksan ni Cayla ang kahon. Naroon nga ang diamond ring. Pero wala naman siyang makukuhang sagot doon. Inalis niya ang singsing mula sa lalagyan. Then her finger touched a hollow part inside the ring. Binasa niya ang letrang naka-engrave doon. Nalaglag ang kanyang mga luha nang mabasa ang nakaukit doon.
I love you, Cayla.
Napatingala si Cayla at nagpasalamat dahil nasagot na rin ang lahat ng kanyang tanong. Naibigay na rin ni Terrence ang sagot na hinahanap niya. Dali-dali siyang nagbihis at dinala ang kahita.
"Hija, saan ka pupunta?" tanong ng mommy niya nang makasalubong niya ito sa sala.
"Kay Terrence po. I don't want to let this love just pass by. Terrence loves me!"

ILANG minuto nang kumakatok si Cayla sa penthouse ni Terrence pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Tiniyak naman sa kanya ng receptionist na naroon ang binata. Pababa na sana si Cayla sa lobby para humingi ng tulong nang bumukas ang pinto.
"Cayla!" gulat na sabi ni Terrence nang makita si Cayla. Siya mismo ang natulala nang makitang robe lang ang suot ng binata. Hinawi nito ng mga daliri ang basa pang buhok. "Sorry, hindi kita narinig na kumatok. Come in."
"Thank you," usal ni Cayla, saka pumasok sa bahay ni Terrence. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nakabukas ang pinto sa kuwarto ng binata kaya nakita niyang may nakapatong na maleta ng mga damit sa ibabaw ng kama nito.
"Sorry kung magulo pa ang kuwarto ko. Maaga kasi ang flight ko bukas." Pumasok si Terrence sa kuwarto at inumpisahang iligpit ang mga kalat doon.
Sumunod si Cayla. "Terrence, alam ko na ang gusto mong sabihin."
Terrence's back suddenly became ramrod straight. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. "That's all I got to offer, Cayla. Kung may iba ka pang hahanapin, I don't think maibibigay ko pa sa 'yo. Alam kong huli na para sabihin ko ito. But I love you."
Inilabas ni Cayla mula sa kanyang bag ang kahita at inilagay iyon sa palad ni Terrence. Lalong tumindi ang lungkot sa mga mata ng binata. She had never seen him this defeated. Ngumiti siya at hinaplos ang mukha nito.
"Hindi ko ibinabalik sa 'yo ang singsing. You already know what I am looking for. You love me. Dalawang bagay lang naman ang gusto kong gawin mo. I want you to put that ring on my finger and stay with me."
Nagmamadaling binuksan ni Terrence ang kahita at nanginginig pa ang mga kamay na isinuot ang singsing sa kanyang daliri. He dipped his head to kiss her. She could feel the passion and longing in his kiss.
"I love you," usal ni Terrnce at niyakap siya nang mahigpit.
Pakiramdam ni Cayla ay sasabog na ang kanyang puso. It was too much. Tears slid down her cheeks. "You never said that before. A-akala ko, hindi mo na iyon mararamdaman."
"I've been a fool, Cayla. A terrible, thickheaded, stubborn fool! Akala ko, kapag pinakasalan na kita, sapat na iyon sa 'yo. Natatakot akong sabihin na mahal kita dahil iniisip kong magiging mahina ako. That it would make me less of a man. Kaya pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi iyon mangyayari.
"Nasa iyo ang lahat ng karapatan na kamuhian ako. I manipulated you and I seduced you. Ginamit ko ang kahinaan mo para pasunurin ka sa lahat ng gusto ko," sabi ni Terrence. Nang tingnan ni Cayla ang mga mata nito ay naroon ang pagmamakaawa. "Will you forgive a fool who loves you with all his heart?"
Nangilid ang mga luha ni Cayla at nagkabikig ang kanyang lalamunan. She could see it in Terrence's eyes. Mahal nga siya ng binata. At hindi siya makapagsalita sa sobrang emosyon. Hindi madali para kay Terrence na aminin ang mga pagkakamali nito. She had never seen him so sensitive and vulnerable.
"Yes, you are arrogant and stubborn. You are also selfish and possessive. Pero nagbago ka na. You are not that high and mighty Terrence Aquila as of this moment. But love doesn't make you less of a man. I still love you even if you feel like you are a lesser man."
"C-Cayla, I will still prove to you that I love you. Ipagluluto kita araw-araw kung gusto mo. I will be a good husband."
Natawa si Cayla sa mga sinasabi ni Terrence. "Nakakapanibago ka, Terrence. Hindi ako sanay na nagba-buckle ka."
Naging seryoso ang anyo ng binata. "Do you prefer the arrogant, selfish, possessive, and stubborn Terrence?"
"I love everything about you." Hinaplos ni Cayla ang mukha ni Terrence. "Isa lang naman ang hindi ko minahal sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Terrence. "What?"
"Your womanizing days. Kapag nalaman ko uli na may babae na namang aali-aligid sa 'yo, maghuhura-mentado ako. Kakalbuhin ko sila," banta ni Cayla. "I want to tell you that I am possessive."
Terrence's hand slid up her arm and settled on her throat, his thumbs tracing her jaw and playing with her chin. "Iiwasan ko sila. Dahil bukod sa wala na akong interes sa ibang babae, mas malaking gulo kapag may nahablot kang buhok. I can't stop them from running after me. But I will guarantee you that you are the only one for me."
"It means you are staying?"
Umiling si Terrence. "Babalik pa rin ako sa Maynila. Nandoon ang trabaho ko. But I am taking you with me. Because you are only mine."
Iniyakap ni Cayla ang mga braso sa batok ni Terrence at kinintalan ito ng halik sa baba. "I love it when you are possessive."
"And I love you," ani Terrence at niyakap si Cayla nang mahigpit na parang ayaw na siyang pakawalan pa. And she didn't want him to let her go.

                       •••WAKAS•••

Make It Real - SofiaWhere stories live. Discover now