Chapter 7

493 8 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"ENGAGED?" natigagal na tanong ni Cayla. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng offer mula kay Terrence. Could it be that he was also in love with her? That she was special enough for him to marry her?
Tila atubiling tumango si Terrence. "Yeah."
"Oh, my!" bulalas ni Cayla at hinipo ang leeg ng binata. "You are not feverish or something, are you?"
Hinawakan ni Terrence ang isang kamay ni Cayla. "I am still feverish even if we have just finished making love. But I am not crazy or something."
"Why? Baka nabibigla ka lang? O baka natatakot ka lang sa galit ni Mommy kapag nalaman niyang may nangyari sa atin? I won't accept that reason."
"Kapag engaged na tayo, hindi ka na bubulabugin ni Martin. Hindi ka na rin pipilitin ni Tita Greta na magpakasal sa lalaking hindi mo gusto. At titigilan na rin ni Mama ang pagpapakilala niya sa akin sa kung sino-sinong babae."
"Are you serious about this?" paniniyak pa rin ni Cayla. "An engagement which would be preceded by a wedding is permanent. You don't like permanence. Even your reasons are not permanent enough. Puwede silang solusyunan nang hindi kailangang gumawa ng drastic na hakbang."
Kumunot ang noo ni Terrence. "I am not marrying you only because of those reasons. Iyon lang ang ilan sa mga benefit na makukuha natin once na ini-announce na natin ang engagement."
"Such as?"
Hinapit ni Terrence ang baywang ni Cayla. His lips were poised above hers. "We are extremely attracted to each other. I don't want you for only one night. Other women come and go. I want you to stay."
Nahulog si Cayla sa malalim na pag-iisip. She was dismayed. Hindi kasama ang pagmamahal sa mga rason ni Terrence. He didn't love her. Paano siya magpapakasal sa isang lalaking hindi naman siya mahal?
Iniiwas ni Cayla ang mukha kay Terrence. Dahil kapag nagtagpo uli ang kanilang mga labi, tiyak na mawawala na naman siya sa huwisyo. "I must admit we are attracted to each other. But you don't want to get married."
"Why are you worrying about it?" tanong ni Terrence, sinalo ang baba ni Cayla at saka iniharap dito ang kanyang mukha. Mataman siyang pinagmasdan ng binata. "Other women want to have me for themselves. And now, I will be yours."
"Kapag wala na ang attraction natin sa isa't isa, sa palagay mo, saan tayo pupulutin? Do you think we could easily pick up the pieces together?"
Hinaplos ni Terrence ang buhok ni Cayla, saka siya kinintalan ng halik sa mga labi. "All we have to do is work it out. I don't want you to be just another woman in my life." Niyakap siya ng binata. "I don't want to lose you."
Ayaw rin ni Cayla na mawala si Terrence sa kanya. Ngunit lalo lang siyang natatakot sa hinihingi ng binata sa kanya. Paano kung hindi pa ito handang sumuong sa buhay-may-asawa? "Terrence, how about the other girls?"
His fingers wickedly smoothed her naked shoulder. "You will be the only girl in my life from now on. You have my word." Terrence gave her a wicked grin. "So tell me, pumapayag ka na bang ma-engage sa akin? I promise, I will be good. I will take care of you. Habang kasama mo ako, hindi ko hahayaang may manakit sa iyo."
His arms wrapped around her. Lalong nahirapan si Cayla na bigyan ng pagkakataong isipin ang kanyang mga pangamba. Ang option niya ay pumayag sa kagustuhan ni Terrence. She could dream they were husband and wife. O piliin ang buhay na mag-isa. Magpapakalayo siya at patuloy na magtatago sa mommy niya at kay Martin. At gabi-gabi niyang iiyakan si Terrence dahil makikita niya sa society pages kung sino na namang babae ang kasama nito. Na pagsisisihan niya ang pagpapalagpas sa pagkakataong ibinibigay nito sa kanya.
"Hindi pa tayo magpapakasal. I want both of us to get used to the idea. Bago sa akin ang lahat ng ito. Hindi pa ako sanay sa seryosong relasyon. This is the first time I decided to take things seriously. But we'll work it out."
Wala pa ring maisagot si Cayla kaya ipinasya na lang niyang talikuran si Terrence at humiga sa kama. Ngunit mukhang walang balak na tumigil ang binata hangga't hindi niya naibibigay ang sagot na gusto nitong marinig. He eased the blanket slowly as he kissed every inch of her bare flesh.
"Tell me you are accepting my offer, Cayla. I will make sure you won't regret it. Say 'yes.'"
Pumikit nang mariin si Cayla habang nilalabanan ang sensasyong nararamdaman. "Please give me time to consider it, Terrence."
Tumabi ang binata kay Cayla at niyakap siya mula sa likuran. "Okay, I'll give you time to think. But I hope you will say 'yes.'"
Maaaring iyon nga ang maisagot ni Cayla. Because her heart offered no choice in the matter. Pero sa ngayon, kailangan muna niya ang huwisyo para mag-isip para sa kanyang sarili.

HINDI agad dumilat si Cayla nang magising siya kinaumagahan. Ang tunog ng alon ang patunay na hindi panaginip ang pagniniig nila ni Terrence nang nagdaang gabi. Nakangiting kinapa niya ang binata sa kanyang tabi ngunit wala na ito. Napabangon siya nang marinig ang tunog ng kotse sa labas. Kinuha niya ang roba at lumabas ng kuwarto. Baka may pinuntahan lang si Terrence. Baka nakabalik na ito kaya mabuting salubungin niya.
Subalit nasa front porch ng rest house si Terrence. At nagulat si Cayla nang ang makitang bumaba ng sasakyan ay ang Ninang Celeste niya. Habang sa sasakyang kapa-park pa lang ay bumaba ang mommy niya.
Hindi makapaniwala si Cayla na natunton siya ng kanyang ina. Kailangan niyang magtago. Tiyak na ibabalik siya ng kanyang ina sa Cebu at sapilitang ipapakasal kay Martin. Nag-iisip pa lang si Cayla kung saan magtatago nang marinig niya ang pagbati ni Terrence sa kanyang mommy at kay Ninang Celeste.
"Mabuti at nakarating kayo, Mama, Tita Greta," ani Terrence sa mga bagong dating.
"Bakit mo sinabi ang kinaroroonan ninyo ni Cayla? Are you out of your mind?" galit namang tanong kay Terrence ng mama nito.
"Salamat sa tawag mo, hijo. Nasaan ang anak ko?" mataray na tanong ng kanyang mommy.
Naguluhan si Cayla sa nasasaksihan. Kasabay niyon ay ang hinanakit na bumalot sa kanyang puso. Bakit si Terrence pa mismo ang nagpapunta sa mga ina nila sa rest house nito? Ang akala ni Cayla ay gusto siyang protektahan ng binata. Iyon pala ay ibibigay siya sa mommy niya.
"Pumasok muna kayo, Tita Greta," sabi ni Terrence.
"Mom..." ani Cayla at napilitan na siyang magpakita sa kanyang ina.
Magkasamang relief at iritasyon ang bumakas sa mukha ng mommy ni Cayla nang makita siya. At sa halip na yakapin siya ng ina ay isang sampal ang pinadapo nito sa kanyang mukha. "Pinahirapan mo kami sa paghahanap sa 'yo. Ipinahiya mo ako!" Hinatak ng mama niya ang kanyang kamay. "Halika! Isasama kita pabalik sa Cebu."
Nagpumiglas si Cayla. "No, Mommy! Ayoko!"
"Anong ayaw mo? Matinding kahihiyan na ang dinanas ko dahil sa 'yo. Nakakahiya na sa pamilya ng Tito Waldo mo. Alam na ng lahat na may nangyari sa inyo ni Martin..."
"Walang nangyari sa kanila ni Martin, Tita Greta," pagtatama ni Terrence. "Kaya hindi ako papayag na sumama si Cayla pabalik sa Cebu."
Kumawala si Cayla mula sa pagkakahawak ng ina at tumakbo patungo sa likuran ni Terrence.
"Nagsinungaling lang ang Martin na iyon sa 'yo, Greta," sabi naman ng Ninang Celeste niya.
"Ako ang ina at alam ko ang makabubuti para sa kanya, Celeste. Handa namang ibangon ni Martin ang nasirang reputasyon ni Cayla." Nang tangkang hahatakin si Cayla ng mama niya ay iniyakap ni Terrence ang mga braso sa kanya.
"Iginagalang ko kayo, Tita. Pero hindi ko kayo pinapunta rito para ilayo si Cayla sa akin."
Nanlaki ang mga mata ng mommy ni Cayla habang pinagmamasdan sila ni Terrence. "Ano'ng ginawa mo sa anak ko?" puno ng akusasyong sabi ng mama niya.
"Terrence?" may babala ring sabi ni Ninang Celeste. "Sabihin mo sa akin, may nangyari ba sa inyo ni Cayla habang magkasama kayo?"
Kapwa sila nawalan ng imik ni Terrence.
Hindi makatingin nang deretso si Cayla sa mommy niya at sa kanyang ninang.
Kapagkuwan ay sumambulat na ang galit ng kanyang ina. "Sinamantala mo ang kahinaan ng anak ko!" akusa nito kay Terrence. "Pananagutan mo ba siya?"
"Mommy, I am not a minor anymore. Twenty-two na ako. Responsable na ako sa mga kilos ko," depensa ni Cayla. "He didn't force me."
"Your mommy is right, Cayla," sabad ni Ninang Celeste. "Nangako akong poprotektahan kita. Pero hindi kita naprotektahan mula sa anak ko. Hindi ko kukunsintihin ang kalokohang ito."
"Kilala kita, Terrence. Pagkatapos mong pagsawaan ang isang babae, itatapon mo na lang basta," anang mommy ni Cayla. Pagkatapos humupa ang galit ay parang maiiyak ang kanyang ina. "Kung hindi mo pananagutan ang anak ko, kukunin ko na siya. Sa tingin ko ay gusto talaga siya ni Martin kaya—"
"Sinabi ko na kanina pa, Tita Greta. Hindi ako papayag na mapunta sa insektong iyon si Cayla," matatag na sabi ni Terrence.
"And I would rather live alone than marry that rat!" Cayla added.
"Honey, who told you you will live alone?" ani Terrence. Ginagap nito ang kamay ni Cayla at nakangiting hinarap ang kanilang mga magulang. "Mama, Tita Greta, iyon nga ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag. We are engaged."

"CAYLA, bakit kanina mo pa ako hindi kinikibo? Magsalita ka naman," malambing na sabi ni Terrence nang puntahan si Cayla sa hardin.
Nasa mansiyon si Cayla ng pamilya ni Terrence para sa isang dinner kasama ang kanyang mommy at sina Ninang Celeste at Ninang Dolores. Mula sa rest house ni Terrence sa Quezon ay bumiyahe sila pabalik sa Maynila. Gustong mag-celebrate ng mama ni Terrence dahil sa engagement nila ng binata. Pero hindi niya magawang makisaya sa mga ito.
Humarap si Cayla kay Terrence. "You did it on purpose," mahina ngunit mariing sabi niya.
"What?" kunwa'y inosenteng tanong ng binata, tinabihan siya sa bench.
"Pinapunta mo sa rest house sina Mommy at Ninang Cely para gipitin ako. Para ikaw mismo ang magsabi na engaged na tayo."
"Galit ka ba sa akin?" malambing na tanong ni Terrence.
Pumikit nang mariin si Cayla para pigilin ang inis. How could Terrence look so innocent after he deceived her? "You left me with no choice. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong mag-isip."
Hinalikan ni Terrence ang mga mata ni Cayla. "I always get what I want, remember? Bakit ko pa patatagalin kung makukuha ko rin ang gusto ko?"
Nang dumilat si Cayla ay pinukol niya si Terrence ng matalim na tingin. "You are really manipulative, Terrence. And I hate it!" aniya at iniwan na ito. Everything happened so fast. Gusto lang naman niyang ihanda ang sarili sa mga susunod na pangyayari sa kanyang buhay. Ayaw niyang pinangungunahan siya. Buhay niya iyon.

"CAYLA, saan ka ba nanggaling?" usisa ni Ninang Dolores kay Cayla. Kapapasok lamang ng kanyang ninang. Nakasalubong niya ito sa sala.
"Sa garden po," magalang na sagot ni Cayla.
"Nasaan si Terrence?"
"Kasunod ko po," ani Cayla at bahagyang inirapan ang papalapit na si Terrence. He didn't look sorry for his orchestration. Ngiting-ngiti pa ang lalaki at tila hindi pansin ang galit at inis niya. Nang yakapin siya nito mula sa likuran ay hindi niya magawang ngumiti.
"Hello, Tita Dolly! How's the office?"
"Walang problema ro'n, hijo. Pero ginulat mo ako. Muntik na akong himatayin kaninang sabihin sa akin ng mama mo na engaged na kayo ni Cayla. Akala ko tuloy, may mabuting espiritu na sumanib sa 'yo."
"Bakit, Tita? Hindi ka ba natutuwa sa amin ni Cayla?" ani Terrence at hinalikan pa siya sa pisngi.
"Natutuwa, siyempre. Pero kung lolokohin mo ang inaanak ko, malilintikan ka sa akin," banta ng Ninang Dolores niya.
"Excuse me, Señorito. Pinapapunta na po kayo ng mama ninyo sa dining hall," sabi ng kawaksi.
"Sige, susunod na kami."
Walang kibo si Cayla habang patungo sila sa dining area. Ganunpaman ay hindi binitiwan ni Terrence ang kanyang kamay. Nang kumakain na sila ay sweet na sweet ang binata sa kanya at asikasong-asikaso siya. Parang mahal na mahal nga siya nito.
"Kailan n'yo ba planong magpakasal?" tanong ng mama ni Terrence. "Sana, sa lalong madaling panahon na dahil hindi na rin naman kami bumabata. Gusto rin naming makita ang magiging apo namin sa inyo."
"Hindi pa sa ngayon, Ninang Cely," sagot ni Cayla. Nahagip ng kanyang tingin ang nakangiting si Terrence. Natutuwa siguro ang binata dahil sinusunod niya ang plano nito.
"Bakit naman patatagalin n'yo pa?" nanghihinayang na tanong uli ni Ninang Celeste.
"Marami pa pong aayusin si Cayla, 'Ma," pagsalo ni Terrence sa kanya. "Kinukumbinsi ko nga siyang magpakasal na pero iniisip pa niya ang negosyo ng kanilang pamilya."
"Hindi mo iyon kailangang isipin. Ano ang ginagawa namin ng Uncle Waldo mo? Puwede naming tulungan si Attorney Serrano sa pamamahala ro'n," wika naman ng kanyang mommy.
Kaya nga ayaw mag-asawa ni Cayla ay dahil iyon mismo ang mangyayari. Ayaw niyang makialam ang buhong na padrasto niya sa negosyong iniwan ng kanyang ama. "Ayoko munang bumalik sa Cebu, Mommy," kapagkuwan ay sabi ni Cayla. "Gusto ko pa pong mag-masteral, saka ako babalik sa Cebu para pamahalaan ang garments factory."
"Para na rin mabantayan mo ang mga babaeng umaaligid kay Terrence," dagdag ng Ninang Celeste niya.
Tumalim ang tingin ng mommy ni Cayla kay Terrence. "Baka naman itulad mo lang ang anak ko sa ibang babaeng pinaasa mo?"
Ginagap ni Terrence ang kamay ni Cayla bago nakangiting nagsalita. "Tita Greta, engaged na po kami. Isa pa, mapapatunayan kong faithful ako sa kanya kung magkasama kami. Gusto ko, siya na ang huling babaeng dadalhin ko sa harap ng altar."
Saka lang tila nakalma ang mga ito, wari nakumbinsi sa paliwanag ni Terrence.
"Make sure you will really be faithful, Terrence," sabi ni Ninang Dolores niya. "Dahil ako ang makakalaban mo kapag niloko mo si Cayla."
Sana hindi ka nagsisinungaling, piping hiling ni Cayla nang tingnan ang nakangiting mukha ni Terrence. Sana, gawin mong totoo ang sinabi mo.

Make It Real - SofiaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang