Chapter 2

547 8 0
                                    

CHAPTER TWO

NAALIMPUNGATAN si Cayla nang mag-ring ang telepono sa kanyang bedside table. Pakapang dinampot niya ang awditibo habang nakatakip ang isang palad sa kanyang mga mata.
Nasa apartment ng Ninang Celeste niya si Cayla. Kaunti lang ang mga kagamitan doon pero okay na iyon sa kanya. Hindi siya nauubusan ng supply ng pagkain. Nagpapadala ng grocery ang Ninang Celeste niya habang ang Ninang Dolores naman niya ang nanlilibre sa kanya kapag nasa opisina siya.
"Hello?" usal ni Cayla.
"Wake up, Cayla!" anang Ninang Dolores niya.
"Wake up?" mahilo-hilong tanong niya, tiningnan pa ang oras at petsa sa digital clock sa bedside table. "Linggo ngayon, Ninang. At alas-singko pa lang ng umaga."
"Dumating na si Terrence galing ng States kagabi."
Isinubsob ni Cayla ang mukha sa unan. "Ano po ang gagawin natin? Susugod tayo sa penthouse niya at hihingi ng pasalubong?"
"Hindi. Ano ka ba naman? Hindi ako makakapunta sa penthouse niya ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Kumikirot ang balakang ko."
Napabalikwas si Cayla. "Okay lang kayo, Ninang? Nagpatingin na ba kayo sa doktor?"
"Uminom na ako ng gamot. Pero inaasahan ako ni Terrence ngayon para sa breakfast meeting niya."
"Breakfast meeting?" Biglang nawala ang antok ni Cayla. "Linggo ngayon, Ninang. Baka po puwedeng bukas na lang kayo mag-report sa kanya? Sobrang sipag naman ng kumag na Terrence na iyon at pati araw ng pahinga ay pinagtatrabaho niya ang kanyang mga empleyado."
"Ganoon talaga si Terrence, hija. Hindi siya naghihintay ng bukas para lang gawin ang puwede niyang gawin ngayon. Routine na namin iyon. Gusto niyang i-report ko muna ang lahat ng nangyayari sa opisina bago pa niya malaman sa iba. Para kung sakaling may problema o may bagong idea siyang maisip ay ma-discuss namin. At para hindi na rin siya magulat sa mga maaabutan sa opisina pagpasok niya."
"He is a slave driver, Ninang. For Pete's sake, it's Sunday today!"
"Sanay na ako sa kanya," anang ninang niya, saka tumawa nang mahina. "I told you he is a very workaholic and demanding boss."
"Sabihin na lang ninyo na may sakit kayo, Ninang. Hayaan naman po sana niyang magpahinga kayo. After all, wala naman talagang opisina ngayon. Hindi dahil inaanak n'yo rin siya ay mang-aabuso na siya. Hindi naman siguro babagsak ang kompanya niya kung hindi agad kayo magre-report."
"Hindi na nga ako tutuloy. Kaya nga ikaw ang pinakikiusapan kong pumunta sa kanya."
Napaungol si Cayla bilang pagtutol.
Tumikhim ang ninang niya bago nagsalita. "Let me rephrase that, Miss Balmaceda. I am ordering you to meet Terrence for the breakfast meeting at seven," pormal na wika ng Ninang Dolores niya. Noon lang nito ginamit sa kanya ang ganoong tono.
"Ninang, inaantok pa po ako," malambing nang sabi ni Cayla. "Baka po puwedeng alas-otso na lang? O kaya, luncheon meeting? O kaya, dinner?"
"May schedule na si Terrence para sa lahat ng iyon. Huwag mong sabihing natatakot kang makipagkita sa kanya?"
Humikab muna si Cayla. "Sorry po, Ninang. Inaantok lang po talaga ako."
"Kung hindi ka pupunta, malamang, sesante ka na agad. Wala ka pang kasiguruhan sa trabaho mo. And whenever it comes to company decisions, walang sinasanto si Terrence."
"Hindi n'yo ako ipagtatanggol?"
"Ako mismo ang magre-recommend ng termination mo kapag hindi ka pumunta ngayon. It means you can't cope up with his demands."
"Masyado kayong nagpapauto sa lalaking iyon. Hmp!" ani Cayla na nanghaba pa ang nguso.
"Kung may anak lang sana ako, gusto kong katulad ni Terrence ang dedikasyon niya sa trabaho. Mahawa ka man lang ng kaunting sipag sa kanya."
"Masyado rin kayong dedicated sa trabaho ninyo, Ninang. Bakit kaya hindi na lang kayo maghanap ng boyfriend?"
Namatay ang sundalo na boyfriend ni Ninang Dolores bago pa man maikasal ang mga ito. At simula noon, ibinuhos na ng ninang niya ang lahat ng panahon sa pagtatrabaho.
"At saan naman ako hahanap ng boyfriend, aber?"
"Iyong head ng finance department. Kakaiba ang titig niya sa inyo, Ninang. Hindi ba, biyudo naman si Mr. Baltazar? Itatanong ko kung type ka niya para magkaroon na rin kayo ng love life sa wakas."
"Cayla! Masyado mo akong nililibang. Pupunta ka ba kay Terrence o ako ang sesesante sa 'yo ngayon mismo?"
"Opo, pupunta na po," napipilitang sabi ni Cayla. Nakokonsiyensiya naman siya kung ang Ninang Dolores pa niya ang magtatrabaho dahil may sakit ito.
"Salamat, hija. Ipapasundo kita sa driver ni Terrence at ipapadala ko na rin sa 'yo ang susi ng penthouse niya," excited na sabi ng ninang niya, saka ito nagpaalam.
Bago tuluyang bumangon ay tiningnan muna ni Cayla ang magazine clip na nakakabit sa dingding sa ulunan ng kanyang kama. Picture iyon ni Terrence. Pero hindi ito guwapo roon dahil tinadtad niya ng sulat ng pentel pen ang litratong iyon. Tinuldukan niya ang makinis na pisngi ng binata at initiman ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito.
"Hoy, pangit! Napaaga ang pagkikita natin. Akala ko, bukas pa tayo magkikita. Pero bakit guwapo ka pa rin kahit pinapangit na kita?" Kinuha ni Cayla ang pentel pen at pinagdiskitahan namang pakapalin ang mga kilay ni Terrence. Ngumisi siya nang magmukhang impakto ang hitsura ng binata. "'Ayan! Hindi na ako mai-in love sa 'yo. Pangit ka na uli."
Ritwal na iyon ni Cayla tuwing umaga. Nahihirapan siyang tanggapin sa sarili na malakas pa rin ang karisma sa kanya ni Terrence. At kahit sabihin niyang ayaw niyang ma-involve sa kahit sinong lalaki, ano ang magagawa niya kundi ang sumunod sa kanyang puso? Kaya imino-motivate niya ang sarili na huwag ma-in love kay Terrence. Na isipin lang niya ang pangit na litrato nito sa kanyang kuwarto ay madidismaya na siya. After all, iyon ang kondisyon ng ninang niya para manatili siya sa trabaho. Bawal siyang ma-in love kay Terrence.

"WHAT a mess!" usal ni Cayla pagbukas niya ng pinto ng penthouse ni Terrence. Hindi niya alam kung ano ang uunahing linisin doon. The interior of his suite was elegant and masculine. Royal blue and blue gray ang dominanteng kulay roon. Pero hindi mukhang elegante ang kuwarto nang mga sandaling iyon.
Nakatumba ang mga wineglass sa ibabaw ng mesa at may tapon pa ng alak at ng mga tira-tirang Italian foods. Amoy na lang ng scented candle ang nagpapabango sa paligid. Tumigil na rin sa pagtugtog ang CD player na may nakasalang na CD ng mang-aawit na si Kenny G. Tila ang mga iyon ang piping saksi sa nangyari nang gabing iyon.
Gustong magngitngit at magwala ni Cayla. Hindi kasi niya inaasahang ganoon ang maaabutan sa penthouse ni Terrence. She was expecting the oh-so-handsome Terrence welcoming her as his new secretary.
"Naku, Terrence! Kailangang doblehin mo ang suweldo mo sa akin," nanggigigil na sabi ni Cayla nang i-off niya ang CD player. Hindi naman niya puwedeng bale-walain ang mga nakikitang kalat dahil ayaw niyang magtrabaho na magulo ang paligid. Hanggang maaari nga ay ayaw niyang may nakikita kahit katiting na alikabok.
Pagkatapos itambak ang mga pinagkainan sa lababo ay nilinis ni Cayla a ang living room. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig na ang tinatahak na direksiyon ay ang kuwarto ni Terrence. Napasimangot siya nang isa sa mga nadampot niya ay black lacey bra.
"Ano 'to? Remembrance?" sarkastikong wika ni Cayla sa sarili. O baka naman sa kakamadaling makaalis ng babaeng kasama ni Terrence ay naiwan nito iyon. It was none of her business anyway. Nandoon siya para sa meeting at hindi para usisain ang pinaggagawa ni Terrence nang nakaraang gabi. Kahit na nag-iinit pa rin ang kanyang mga tainga dahil sa bra na iyon.
Luminga-linga si Cayla sa paligid. Wala siyang makita kahit anino ni Terrence. Si Terrence ang dapat na bumubungad sa kanya at hindi ang kalat sa bahay nito. Sinulyapan niya ang relo. Pasado alas-siyete na ng umaga. Ang sabi ng Ninang Dolores niya ay partikular si Terrence sa oras. Na hindi ito nagpapa-late at ayaw nito na nale-late ang empleyado.
Iniwan ni Cayla ang kalat sa sala at binuksan ang pinto ng kuwarto ni Terrence. Mas magulo pa iyon kaysa sa sala. Nakasampay ang slacks nito sa couch na parang basta na lang inihagis doon. The same with his underwear. Nahigit pa niya ang hininga nang makita ang dalawang piraso ng condom na nakakalat sa sahig.
"Safe sex, huh!" ani Cayla. At bahagyang namula ang kanyang mukha nang maalala ang sinabi ng Ninang Dolores niya tungkol kay Terrence. Late na nga ang lalaki, wala pang kaayos-ayos sa buhay. Oras na magising ito, pauulanan niya ng sermon. Kahit pa sabihing mas matanda si Terrence sa kanya nang sampung taon ay wala siyang pakialam. Hindi niya ito mapapalagpas.
Walang kangiti-ngiting nilapitan ni Cayla si Terrence. Tulog na tulog pa ang binata sa kama. Nakadapa ito. At kahit may kumot na nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan ni Terrence, alam ni Cayla na wala itong suot sa ilalim niyon.
Terrence was like a sleeping demigod. His tousled hair was swept from his face. Natatabingan ang mga mata nito ng malalantik na pilik. His mouth was so generous and looked tempting even when he was asleep. She wondered how many sensations that mouth could create.
Terrence was tall and lithe. His skin was a deep tan. His muscles were well-formed. Alam ni Cayla na mahilig ito sa sports tulad ng tennis. No wonder women were all over him. Hindi pa niya nakikita ang kabuuan ng katawan ng binata pero bumibilis na ang pintig ng kanyang puso. At natutukso rin siyang iangat ang kumot na nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito. Pero pinigil niya ang sarili.
"You're lucky dahil malakas ang self-control ko, kung hindi, kanina pa kita na-rape," nangingiting sabi ni Cayla. Napansin niya ang itim na scarf na hawak ni Terrence. Pinigilan niya ang sarili na maghuramentado. "Ayokong makita na hawak mo 'yan," usal ni Cayla, saka hinatak ang scarf mula sa kamay ng binata. "Kung nandito lang ang babaeng may-ari niyan, ibibigti ko ito sa inyong dalawa. Kasalanan ng babaeng iyon kaya hindi ka pa nagigising. Pinagod ka niya kaya late ka sa meeting natin. 'Tapos, ito pa ang maaabutan ko rito?" nanggagalaiting wika ni Cayla. "You can't do this to me, Terrence!"
Subalit hindi pala madaling kunin ang scarf mula kay Terrence. He was holding it as if he was holding his own dear life.
"Let go, Terrence!" mariing wika ni Cayla. Ang akala niya ay mananalo na siya. Ngunit gumulong si Terrence habang mahigpit pa ring hawak ang scarf. Kaya naman kasama siyang natangay ng binata. At natagpuan na lang niya ang sariling nakadapa sa ibabaw nito.
"Uh-oh," usal ni Cayla, saka itinukod ang isang kamay sa dibdib ni Terrence para makabangon. Ngunit pumaikot ang isang kamay ng binata sa kanyang baywang, while his other hand held her bottom, pinning her body to him.
"What do you want, honey?" tanong ni Terrence sa sensuwal na boses. "You can't get enough of me?"
"Anong 'honey?'" wika ni Cayla at nagpumilit bumangon.
Subalit hindi pinansin ni Terrence ang pagpalag niya. "It's okay. I am all yours."
Bago pa makaiwas si Cayla ay naangkin na ni Terrence ang kanyang mga labi. Pinilit niyang manlaban ngunit hindi niya kayang labanan ang sensasyong ibinibigay ng binata sa kanya. His expert lips were like narcotics in the pleasure they gave. It was not her first kiss. Maraming lalaki ang nagtangkang humalik sa kanya pero lahat ng mga ito ay napadugo niya ang ilong pagkatapos. It was different with Terrence. Nawawala ang kanyang katwiran.
Pilit pa ring nilalabanan ni Cayla ang katinuan nang maramdaman niya ang pananaliksik ng mga kamay ni Terrence sa loob ng kanyang blouse. Napasinghap siya nang haplusin ng binata ang kanyang balat. She never allowed anybody to touch her that way.
But Cayla was heady with sensation. Bakit niya pagkakaitan ang sarili ng pinakamagandang bagay na maaari niyang maranasan?
"You are sweeter than last night. You taste better than any wine." Terrence started to touch her breast through her bra and was struggling to open its front clasp when she realized what he was doing. He was starting to undress her. And she could also feel a part of his body swelling beneath the sheets. She had aroused him. Kailangan niyang pigilan ito bago mahuli ang lahat.
Nilabanan na ni Cayla ang sensasyong nararamdaman. "Terrence, no!" malakas na protesta niya.
Tuluyan nang dumilat si Terrence nang marinig ang pagtutol ni Cayla. His hand went still. Kumurap-kurap ang binata habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Sa wakas ay tila natauhan din si Terrence. "Who are you?" tanong nito habang nakatitig sa kanya. "Hindi ikaw ang kasama ko kagabi."
"Of course not. I'm..." Napahinto si Cayla. Hindi niya alam kung saan magsisimula sa pagpapaliwanag. Paano siya makakapag-isip nang matino kung magkadikit ang kanilang mga katawan at hindi pa tuluyang humuhupa ang init na sinindihan ni Terrence sa kanya?
Nang bitiwan ni Terrence si Cayla ay saka lamang nagkaroon ng pagkakataong makalayo si Cayla sa binata. Pero hindi niya magawang makababa ng kama dahil nanlalambot siya.
Bumalikwas ng bangon si Terrence. Hindi maipinta ang mukha nito habang pinagmamasdan siya. "Shit! Are you a reporter? Sino ang nagpapasok sa 'yo sa penthouse ko? Alam mo bang puwede kitang idemanda? This is trespassing, you know."
"Wait!" pigil ni Cayla nang tangkang dadamputin ni Terrence ang telepono para siguro tawagin ang guwardiya at ipadispatsa siya sa labas. "H-hindi ako reporter."
"Kung gano'n, ano ka? Bagong tagalinis?" sarkastikong tanong nito.
"P-parang ganoon na nga," ani Cayla dahil naging tagalinis siya ng kalat nito sa halip na ang sekretarya.
"Alibis... Alibis," anito, saka pumorma na tila itutuloy ang pagtawag sa telepono.
"I am your new secretary."
Natigilan si Terrence at nilingon siya. "New secretary?"
Tumayo si Cayla at inayos ang kanyang damit. "Yes, Sir," sagot niya. "Ako ang inutusan ni Ma'am Dolly na maglinis ng penthouse ninyo. She is sick and—"
"This can't be!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Cayla. "What's the problem?"
"I don't like you as my secretary," walang gatol na sabi ni Terrence.
"Why?" Ni hindi pa nga nito nakikita kung paano siya magtrabaho ay kumokontra na.
Tiningnan ni Terrence ang kabuuan ni Cayla. And her knees started to tremble. "You are hot... oh, damn hot."
Humalukipkip siya nang tumutok sa kanyang dibdib ang mga mata ng binata.
"You are sexy." Tumayo si Terrence sa harap ni Cayla habang nakapaikot ang kumot sa baywang nito. "You are beautiful." Inilapit ng binata ang mukha sa kanyang mukha at tumigil nang ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi nito sa kanyang mga labi. "And you are a damn good kisser."
Ilang segundong hindi nakahinga si Cayla. Parang may karera ng daga sa kanyang dibdib habang inilalapit pa ni Terrence nang kaunti ang mga labi nito sa kanyang mga labi. She was so sure he was going to kiss her. At hindi niya alam kung ano ang dapat gawin dahil paralisado ang kanyang katawan. Parang hindi niya kayang tumutol. She could feel her body burning every time she remembered their kiss. It was not her first kiss. But it was the only kiss that made her feel like she was in heaven.
"You are fired!"

Make It Real - SofiaWhere stories live. Discover now