Ika-tatlongpu't apat na Kabanata

Start from the beginning
                                    

I held Lily's hand at ngumiti naman na ako sa kanya, "Kamusta na? Ayos ka na ba ngayon?"

"Opo.." She answered. Parang may problema yata siya. I wonder what is it.

Lumapit naman si Rebel sa kanya at pumurma ng suntok and he gripped his fist, "Did someone hurt you again? Sino? I'll definitely kick their ass! No one hurts my little sister." 

"Wala po! Wala po! Kalma lang po Kuya!"Lily was already panicking at umirap naman na ako kay Rebel dahil sa mga pinaggagawa niya!

"Kuya, napagbintangan na ba kayong mamatay tao?" 

Huh? Lily is a murderer?

No way! She looked so sweet. How can she even be a murderer. Looks like Lily gotten so close with him as a brother at agad ito yumuko para titigan si Lily.

"I don't know.. but for the longest time, a lot of people don't like my being. But I just told them to fuck off. Lily, you're not alone in this anymore." 

Kung hindi ko lang kilala si Lily, iisipin kong magkapatid talaga sila. He's cute with other kids. Lumapit ito and he just pat her hair. Kuyang-kuya lang talaga ang peg, e! I mean, he's really cute.

"Interesting." Sabi na lang ni Kuya Coby at tumabi ito sa'kin, "I could feel that your boyfriend and I will be friends." 

Nahihiwagaan na ako! Magkakilala talaga sila ni Lily, e! Feeling ko lang ha! Feel ko! Tumingin naman na siya sa'kin and he smiled at me. Di ko alam kung dapat na ba akong kabahan sa mga ngiti ni Kuya.

"Ha? Yon? Di nga!?" 

Tumango na lang siya. Sa dami ng naging kaaway ni Rebel ha, di ako makapaniwala na may gusto rin pala sa kanyang maging kaibigan. At Kuya ko pa!

"At least mapapanatag na ako na hindi ka na sa kalye natutulog. And.. he must be taking care of you?"Tanong niya at ngumiti ito,"Di ko naman kailangan magtanong pa. Your expression says it is." 

Binabasa niya ba ako?

Napahawak na lang ako sa mukha ko at di ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Umm–"

"Sige na." Ngumiti ulit siya at ginulo niya yung buhok ko." Be happy, little sister."

Dumiretso naman na siya at binitbit ang mga requirements niya and he tapped Rebel's back. Mukhang nagkaintindihan yung dalawa at nakipag-kamay pa sa isa't-isa.

"Mauna na rin po ako. Marami pong salamat Ate Serissa! At sa inyo rin po Kuya Rebel!" Sigaw ni Lily and she waved her hand at nauna naman na siya.

My phone suddenly rang at nakita ko yung caller ID ni Saturino.

"Hi!"Sigaw ko.

[Ang ingay mo. Nakita ko mga pinapopost niyo ah. Kayo na pala?]

Ngumiti naman ako sa mga pinagsasabi niya and I held my cheeks. Namiss ko to! Tagal rin namin hindi nagkausap, ha!

[I send you emails..yung reporting niyo. Kaya mo na yun lahat, Serissa?]

"Oo naman! Alam ko na ikaw talaga makakatulong na makapasa sa tukmol na yon! Teka nga, nandyan ka ba sa department niyo? Magkita tayo! If you don't want to cause attention kahit sa Café na lang uli tayo magkita?" Tanong ko sa kanya.

"Urgent Sat. Alam kong ikaw lang makakatulong sa'min. My dad is probably the killer we've been looking for." 

[Sige. Tell me the details. Sa Cafeteria na tayo magkita.]

Hinigit ko na lang bigla si Rebel at halos matalisod na lang siya. Ngumisi naman na ako and tsaka kami pumunta sa Cafeteria. He has no idea what's going on but wala na rin siyang nagawa kung hindi sundan ako. I am really doing a favor as his girlfriend. Kaya dapat makipag-ayos na siya sa best friend ko.

Crimson Nemesis (Mitolohiya Series #3)Where stories live. Discover now