Chapter Thirty

996 82 14
                                    

"As we move forward on this new academic year together, let's embrace curiosity, foster kindness, and strive for excellence. Here's to a year filled with growth, learning, and unforgettable memories. Welcome, and let's make it a fantastic year. Thank you!"

Fantastic year they say...

Anong petsa pa nga lang pero parang pang-ilang taon na 'yong mga nangyayare sa akin ngayon.

I just turned 18. I met the most attractive man that I've ever seen in my whole life. And that man happens to be my arranged fiance. I hated him since he's a Mafia boss, and back then ini-imagine ko pa lang na ikasal sa kaniya ay pakiramdam ko mas lalo lang ako makukulong sa magulong mundo nila.

Sinubukan ko pigilan ang kasalang iyon. To the point na masaya pa akong ma-kidnap ng mga kaaway ng clan niya.

But I eventually got married. I'm currently living in a house that I've been dreaming for a long time. And now I'm also sitting here, in the University's auditorium, to attend the orientation as I start the new chapter of my school life, being a college student.

Wala pa sa isang buwan nangyare ang lahat ng yan. So sue me kung masasabi ko na ngayon pa lang ay pagod na ako.

Napapitlag naman ako nang makaramdam ako ng lamig sa pisnge ko. I turned and looked at Hero. Lumabas kasi ito saglit nang magsimula ang closing remarks para bumili ng maiinom.

"Ano nangyare sa'yo at parang kulang ka sa tulog?" Sabi niya habang may inaabot na inumin. "Oh mag kape ka muna, feeling ko any moment matutumba ka na."

Bumuntong hininga naman ako at tinanggap ang ice-coffee na inaalok niya.

"Wala ito."

"Aysus, wala ito. Baka mamaya sobrang excited mo pumasok kaya ka 'di makatulog noh?" Pang-aasar nito.

I awkwardly laugh. "Yeah..." Napatikhim ako at tumayo na sa kinauupuan. "Let's go. Lunch break naman na. Magsisimula na rin daw maghunt ang mga clubs ng new members mamaya. May gusto ka ba salihan?"

Napaisip naman siya habang naglalakad na kami palabas ng auditorium.

"Edi kung saan ka sasali." He shrugged as he took a sip on his drink.

I frowned. "Alam kong trabaho mong bantayan at protektahan ako. But it's also your first time in college, you should join in any clubs that you want."

Napairap naman ito sa akin. "Bridge, ilang taon na ako sumasali sa iba't ibang clubs noong elementary at highschool. Halos lahat ng gusto ko nasubukan ko na. Kaya I don't really mind kung ano pa 'yang sasalihan mo."

"I heard that they have a Fashion and Design club." Sabi ko rito at napainom na rin ng kapeng hawak ko.

Bahagya siya napaisip at kita ko ang pagkunot ng noo at ilong niya na nagpapahiwatig na hindi niya gusto sumali sa club na iyon.

"Iyon ang sasalihan mo?" Na may reklamo sa tono nito.

Tumango naman ako at pinipigilan ang sarili na matawa.

Kahit ano pala ah.

"Oo, hindi ba't interesado akong i-handle ang business nila Auntie Roxanne at Mario. It'll be nice na magkakaroon ako ng kasalanan about sa fashion and designing clothes."

Kita ko ang pag-nguso nito.

"Fine." Sagot nito na siyang ikinatawa ko nang tuluyan.

"It's really fine, Hero. Sumali ka na sa clubs na gusto mo."

Napakamot naman ito ng ulo. "Kulit din ng lahi mo, Bridge. Okay nga lang sa akin kung ano man ang sasalihan mo. Tsaka hindi ako mapapanatag na iwan ka sa isang club na wala ka namang kakilala."

Creepy ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon