Chapter 10

880 17 1
                                    

CHAPTER TEN

IT WAS one of those perfect late September days, when the air was alive with the scent of trees and gentle warmth. Somewhere near the mango tree, a bird sang to the afternoon sun. And the clouds were beautiful as they danced along the horizon.
Dalawa at kalahating linggo na ang nakalipas mula nang dumating si Gabrielle sa rancho na parang dalawang oras lamang ang nagdaan. Or maybe two years. Somehow, Gabrielle's sense of time was altered.
Parang kailan lang, nasa Davao pa siya at namomroblema kung paano tatakasan ang nakatakdang kasal kay Dario.
Knowing how fleeting it was, she would try to pack a lifetime of memories into a handful of days.
Kasalukuyan silang nasa lugar kung saan sila nag-picnic kasama si Aliyah. Ngunit sa pagkakataong iyon, dalawa na lamang sila ni Miguel.
They were both lying on the blanket. Iba ang kanyang nasa isip. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang tunay na pagkatao. Iyon na lamang ang tanging hadlang upang lubos siyang maging maligaya.
Lying on the blanket, she tucked a rolled towel under her head for a pillow and lifted her arm to point at the sky.
"Look, Miguel. The one on the left. It's a horse."
"It's a cloud, honey."
Pagkatapos ng gabing nailabas nito lahat ang nasasaloob, nagtungo ito sa puntod ng kapatid at hipag. Kinausap ni Miguel ang mga iyon. Ipinangako nitong hindi pababayaan ang pamangking si Aliyah. Muli, hindi pa rin nito napigilan ang mapaiyak.
"Come on, Miguel, be a sport. What do you see?"
Tumagilid ito, levering himself up on his elbow para maipatong ang ulo sa kamay nito.
Instead of looking at the sky, itinuon nito ang tingin sa kanyang mukha. "Freckles."
Pinaikot niya ang mga eyeball.
"Seven of them. Right... there," sabi nito, tapping the tip of her nose with his finger.
"You're not cooperating."
He trailed his finger along the side of her jaw and down her neck. "Why? Because I'd rather look at you than at a formation of condensed vapor?"
"Thank you. I think."
Leaning over, marahan siya nitong hinalikan, his lips curving into a smile against hers. Then he stretched out crosswise on the blanket at ipinatong nito ang ulo sa kanyang tiyan.
"Okay, which one's the cow?"
"Horse—" Itinuro niya ang ulap. "Oh! Now, it's more like a dragon. Nakikita mo ba 'yong pakpak sa likod n'on?"
"Sabi mo, eh." Hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito. He nibbled her knuckles. "You taste like cinnamon."
"That's from the coffee cake."
"Is there any left?"
"Teka lang," sabi ni Gabrielle, stretching her free arm para maabot ang plastic container na dinala. Inilapit niya iyon, then picked up a chunk of the cake and dropped it in his mouth.
Ipinikit pa nito ang mga mata habang ngumunguya. Tila sarap na sarap ito sa kinakain.
"Ano, nakita mo na ba 'yong sinasabi ko sa—"
Instead of replying, he went back to nibbling on her fingers.
Easing her hand from his, sinuklay ng kamay niya ang buhok ni Miguel. She loved the freedom to touch him and to be touched in return. She had seen past the surface to the sensitive scarred soul beneath.
Humarap ito sa kanya. Nanatiling nakapatong ang ulo nito sa kanyang tiyan.
"Gabby, mahal mo ba ako?"
"Oo naman. 'Di ba sinabi ko na?"
"Uhm... Enough to marry me?"
She was speechless.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong nito. "Don't you want to marry me?"
Pero hindi mo pa ako kilala, Miguel. Iyon sana ang gusto niyang sabihin.
"Miguel..." Napasunod siya rito. Humarap ito sa kanya.
"Will you marry me, Gabby?"
Naluha na siya. "Of course, I'd love to marry you."
Tuwang-tuwa ito. He cupped her cheeks in his palms and leaned over to give her a long, achingly tender kiss. Then he drew back.
"Let's go," yaya nito.
Nagtatanong ang tinging ipinukol niya rito.
"Let's tell them the good news," excited nitong sabi at hinila na siya.
TUWANG-TUWA naman sina Doña Belen at Aliyah nang ibalita nila ang planong pagpapakasal ni Miguel. Nang gabing iyon, binalak na ni Gabrielle na magtapat kay Miguel pero hindi niya nagawa.
He was so happy. She didn't have the heart to hurt him. But she promised herself to tell him the next day.
GALING mula sa pamamasyal sina Gabrielle at Aliyah nang madatnan nilang parehong nasa sala sina Doña Belen at Miguel. Galit ang anyo ng binata at wari'y sila talaga ang hinihintay.
"Lola, Lola, look. I brought you flowers," masiglang bungad ni Aliyah kay Doña Belen.
"'Ma, please bring Aliyah to her room," pakiusap ni Miguel dito. Hindi man lamang ito tumitingin sa direksiyon niya.
Alam niyang may mali. Bigla ang kaba sa kanyang dibdib.
"Hijo, try to be calm," sabi pa ng doña bago ipinanhik ang apo.
Saka pa lamang siya binalingan ni Miguel nang makaalis na ang dalawa.
"Come to the library," utos nito at nauna nang tumungo roon.
Huminga muna siya nang malalim bago sumunod. More or less ay may idea na siya kung ano ang sasabihin nito.
Nanginginig ang kanyang mga kamay nang buksan ang pinto. Naghihintay na sa loob si Miguel.
"Bakit mo kami niloko, Gabby, o kung sino ka man?" Mabigat ang tinig nito. Nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi naman niya ito masisi. "Who are you? Sino ka? Paano ka napadpad sa lugar na ito at ano ang motibo mo?" Malakas na ang tinig ni Miguel.
Lumunok muna si Gabrielle bago nagsalita. "I'm Gabrielle—"
"Huwag mo nang paikutin ang ulo ko! Alam kong hindi ikaw si Gabrielle. Tumawag na rito ang mama ni Gabrielle at humihingi ng paumanhin dahil hindi natuloy ang kanyang anak. Now, tell me who you really are?"
Marahil kung naging lalaki lamang siya, kanina pa siya nito sinapak.
"Gabrielle Olivares ang tunay kong pangalan. I just arrived from Davao nang makita ako at mapagkamalan ni Mang Ponso na ako 'yong susunduin niyang 'Gabrielle.' I was about to tell him na hindi ako 'yon pero nahilo ako at inalalayan na niya akong m-makapasok s-sa sasakyan." Hindi niya mapigilan ang paggaralgal ng tinig.
"The next thing I knew, nasa rancho na kami. Nagulat ako nang hindi ako makilala ng mga tao rito k-kaya—"
"Kaya itinuloy mo na ang pagpapanggap! What made you decide to continue fooling us? Nang malaman mong mayaman ang pamilyang nadatnan mo? Nang makita mong marami kang mahuhuthot?"
Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Miguel. Tumulo na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Kaagad niya iyong pinahid.
"Hindi a-ako g-gano'n kasama. You should know that!"
"How can I, when it seems like I don't really know you at all?"
"Hindi ako masamang tao," lumuluhang pagsu-sumamo ni Gabrielle. "I stayed because... b-because I wanted to be a part of a family. I-I would just like to feel how is it to h-have a f-family. Wala akong intensiyong masama. Maniwala ka, Miguel." Hindi na niya mapigil ang mga luhang walang sawa ang paglandas. "Maraming beses kong binalak na sabihin na sa iyo ang totoo—"
"Pero 'di mo ginawa," matigas pa ring sabi nito.
"P-please, Miguel... maniwala ka, please," pagmamakaawa na niya.
"I don't know, Gabrielle. I don't know what to believe anymore." Iyon lamang at iniwan na siya nito. Narinig pa niya ang ugong ng papalayong sasakyan. Alam niyang umalis ang binata.
Kahit nanghihina ay pinilit pa rin niyang umakyat sa kanyang silid. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman. Kinasusuklaman siya ni Miguel.
Umiiyak pa rin siya nang mag-empake ng mga gamit. Alam niyang wala na siyang mukha pang maihaharap sa mga tao sa villa, lalong-lalo na kina Doña Belen at Aliyah. Niloko niya ang mga ito.
Maybe, she wasn't really meant to have a family to call her own. She just had to accept that painful truth.
Gumawa siya ng liham. Isa para kay Doña Belen at ang isa ay para kay Miguel. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha. Wala pa ang sakit na nadama nang siya ay ituring na iba ng pamilya ng kanyang tiyahin kompara sa sakit na nadarama nang mga sandaling iyon.
UMAGA na nang makabalik sa villa si Miguel. Mabigat ang kanyang mga paa habang tinutungo ang sariling silid. Napahinto siya nang mapatapat sa inookupang silid ni Gabrielle. Parang may puwersang humahatak sa kanya para katukin iyon. Ngunit hindi na lamang niya itinuloy ang balak. Patalikod na siya sa silid nang magbukas naman ang silid ng kanyang mama.
"Kung balak mong katukin si Gabby, nag-aaksaya ka lang ng panahon," sabi nito. Nahalata naman niya na parang galing ito sa pag-iyak. "She just left," pagbibigay-alam nito.
Hindi niya alam na ganoon kalakas ang magiging impact ng mga salitang iyon. Gabby just left, ulit ng isip niya. "She left a letter." Iniabot nito sa kanya ang isang sobre. "Before you read the letter, I just want you to know na alam ko nang hindi siya si Gabrielle na anak ng amiga ko bago pa man tumawag si Bettina," tukoy nito sa pangalan ng amiga. "Dahil nauna nang tumawag sa akin si Gabby a week after 'Gabrielle' came here. Sinabi nitong hindi na ito matutuloy at hindi pa alam iyon ng mama nito."
Naguguluhan ang tinging ipinukol niya rito.
"You're wondering why I didn't tell you and Gabby? Nagpaimbestiga ako sa kung anong buhay mayroon si Gabby. At hindi lang dahil doon kaya ko masasabing mabuti siyang tao. Kundi dahil na rin nakita kong mabuti siyang tao," mahabang litanya ng kanyang ina. "Pagkatapos mong basahin ang sulat and you want to know more about Gabby, feel free to come to my room." Iyon lamang at pumasok na ito sa sariling silid.
Naiwan siyang hindi alam kung ano ang iisipin. Sa dinami-rami ng sinabi ng kanyang mama, wala man lamang siyang nasabi maski isa.
The next thing he knew, he was already in his room. Bahagya pang nanginginig ang kanyang mga kamay nang buksan ang liham.
Miguel,
Alam ko, kahit na ano pang paliwanag, hindi ko kayang i-justify ang nagawa ko. And I wouldn't try to. Pero gusto ko pa ring malaman mo na nagawa ko iyon because I wanted to belong to a family kahit sandali lang.
I fell in love with your family. I fell in love with Mama Belen, Aliyah, and Nana Rosa. It came to a point na ayaw ko nang umalis. Maraming beses ko nang binalak na ipaalam sa inyo ang tunay na ako pero natakot ako. And when finally I was about to tell you, it was too late already.
Hindi ako masamang tao, Miguel. But I admit my fault.
Sana, kahit hindi pa ngayon, mapatawad mo rin ako pagdating ng tamang panahon.
I know you don't wanna hear this, but I love you, Miguel. You're the best thing that ever happened to me.
Gabrielle
He couldn't fight the tears, kaya hinayaan nalamang niya iyong maglandas sa kanyang mga pisngi.
Nang mga oras na iyon ay gusto niyang yakapin si Gabrielle at sabihing mahal na mahal din niya ito. Damang-dama niya ang hirap ng loob nito habang binabasa niya ang sulat nito.
Diyata't hindi lamang siya ang nakaranas ng ibayong pighati. He didn't know what happened to Gabrielle pero more or less ay alam niyang they both experienced pain and longing. Longing for something na hindi na maibabalik.
Umalis siya kagabi para makapag-isip. Wala sa hinagap niyang aalis nang walang paalam ang dalaga.
But he pushed her away...
Now, where would he find her?
Lumiwanag ang kanyang mukha nang maalala ang tinuran ng kanyang ina. Kaagad niyang tinungo ang silid nito.
MASAMANG-MASAMA ang pakiramdam ni Gabrielle nang magising nang umagang iyon. Nabasa kasi siya ng ulan kahapon pagkatapos ng kanyang interview sa isang private school. Pero laking pasalamat pa rin niya at naging maganda ang resulta ng kanyang lakad.
Dalawang linggo na lamang at magsisimula na siya. Sana naman ay hindi ito matuloy sa trangkaso, piping hiling niya. Panay pa mandin ang bahing niya.
Isang buwan na mula nang umalis siya ng villa. Tumuloy siya sa Maynila. Kung noong una, takot ang bumalot sa kanya pagdating sa lugar na iyon, ngayon, lakas naman ng loob at tapang ang nagbunsod sa kanya para hanapin ang kapalaran sa lungsod.
Mainit ang kanyang balat pati na ang mga mata. Pinilit na lamang niyang pasiglahin ang sarili. Nagtitimpla siya ng kape nang marinig na may kumakatok sa pinto.
Nagtataka siya kung sino ang maaaring maging bisita gayong wala pa naman siyang gaanong kilala sa lugar na iyon.
Ngunit nagpatuloy ang pagkatok. Nanghihinang tinungo niya ang pinto upang magulat lamang nang mapagsino ang panauhin.
Sandaling umikot ang kanyang paningin at kaagad naman siya nitong inalalayan. Hindi pa siya nakakahuma sa pagkabigla nang maramdamang umangat siya mula sa sahig.
Iyon pala ay binuhat na siya nito. She knew he missed Miguel so much. Pero hindi niya akalaing ganoon niya ito ka-miss nang kaharap na niya ito. She felt like crying.
"Are you sick?" tanong ni Miguel pagkatapos siyang paupuin sa kama. Dinama pa nito ang noo at leeg niya. "Mainit ka..." May pag-aalala sa tinig nito. "Uminom ka na ba ng gamot? Nag-almusal ka na ba? How do you feel?" sunod-sunod na tanong nito.
Hinila nito ang isang upuan at naupo roon nang nakaharap sa kanya. Hindi nito binibitawan ang kanyang kamay.
"Tell me, honey, ano'ng nararamdaman mo?"
"M-Miguel..." Titig na titig si Gabrielle dito. Panaginip lang ba ito? tanong niya sa isip.
Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan ang maluha. Parang kay tagal na buhat nang malayo siya rito. Hindi na nga niya inaasahan na magkikita pa sila.
It was only now did she realize how much she ached for Miguel.
"Oh, God, honey, come here," anito, sabay kabig sa kanya.
Ang pagluha niya ay nauwi na sa paghagulhol.
"Sshh..." pang-aalo nito. Lumipat na ito sa kama upang lalo siyang yakapin.
"I-I'm so sorry," umiiyak niyang sabi. "I-I'm so s-sorry. I-I didn't mean t-to..." humihikbing sabi niya at hindi matapos-tapos ang nais sabihin.
Pinahid nito ang kanyang mga luha. "Listen, honey. Please, huwag ka nang umiyak. Nahihirapan ako. Sshh... tama na. You don't have to explain anymore." Tinitigan siya nito. "I love you, Gabby. I love you so much. Aaminin kong nagalit ako nang matuklasan ko ang lahat. Pero nangibabaw ang pagmamahal ko sa iyo. You don't know how I suffered for weeks bago kita natagpuan," pagpapaliwanag nito.
"H-hindi ka na ba galit sa akin?"
"Hinding-hindi na. Iuuwi na kita."
"Bakit ang tagal mo? What took you so long?" parang batang hingi niya ng paliwanag dito.
"Ang alam lang naming address mo ay sa Davao. I went there pero wala ka naman doon. Kaya nag-hire na ako ng private investigador para hanapin ka bukod pa sa akin."
"Si Aliyah... ang Mama Belen, galit pa ba?"
"Hindi nagalit ang mama. In fact, ako pa nga ang pinagalitan. Mahal ka rin nila, Gabby. They fell in love with you, too."
"Mahal mo pa rin ako kahit wala akong pamilyang maipagmamalaki?" parang batang tanong niya. She was so insecure.
"Mahal na mahal. So much that I'm willing to share with you my family."
"I have nothing to offer you."
"All I need is you, Gabby. Just you," sinsero nitong sabi. He assured her with a kiss. Then he looked at her.
Her lips were swollen and moist from his kiss, her cheeks flushed. She smiled at him.
"God, you feel so good." He tightened his arms around her.
Saglit itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya nang may kunin ito sa bulsa ng pantalon. It was a small box. He opened it and pulled out a ring.
Isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri. "Please be my wife, Gabby."
"Are you sure about this?"
"I may be a hardheaded bastard and like to do things my own way, but I've figured out how much I love you and that I can't live without you. So, yes, I'm damned sure."
Natawa naman siya nang malakas, sabay tapik sa braso ni Miguel. "It just so happened that I love those hardheaded bastards. They're my favorite kind of men," sakay naman niya.
"So, it's settled. Now, let's have a honeymoon," sabi nito at inihiga na siya sa kama. Tawa naman siya nang tawa.
They kissed passionately.
"Honey, ang liit naman ng bed mo. Hindi ako kasya," nakangiting puna nito dahil nakalampas na ang mga paa nito sa dulo ng kanyang kama.
They ended up holding each other tight para hindi sila mahulog mula roon.
NANG araw ding iyon ay tinulungan siya ni Miguel na mag-empake. Damit na lamang ang dinala niya kasama ang ilang mahahalagang gamit.
Tuwang-tuwang sinalubong sila nina Doña Belen at Aliyah. Halos madapa pa ang bata nang tumakbo ito para salubungin siya.
They had a garden wedding after a month. Personal silang nagtungo ni Miguel sa Davao upang magkaayos na sila ng kanyang tiyahin at ng pamilya nito. Kinausap na rin niya si Dario at sinabi nito na huwag na raw siyang mag-alala dahil may natagpuan na raw itong babaeng kapalit niya sa puso nito.
Inimbita rin nila ang mga ito para sa kasal nila ni Miguel na malugod namang tinanggap ng mga ito.
Hindi akalain ni Gabrielle na sa ganoon kaganda matatapos ang walang katiyakang pagpunta niya sa Maynila. Now she had a family to call her own. Like she had always dreamed of.

                        •••WAKAS•••

Home At Last - Claudia SantiagoWhere stories live. Discover now