Chapter 6

424 11 0
                                    

CHAPTER SIX

NAIWANG gising si Miguel pagkatapos makitang nakatulog na ang dalawang kasama. Tumagilid siya, paharap sa mga ito. Napapagitnaan nila ni Gabrielle ang kanyang pamangkin.
Hindi niya maipaliwanag, pero pakiramdam niya, ang saya-saya niya nang araw na iyon. He had never felt like this for a long time. Para bang sasabog ang kanyang puso sa contentment na nadarama. Kung iisipin ay wala namang extraordinary na nangyari. Dati na naman niyang ipinapasyal si Aliyah at talaga namang masaya rin sila.
Pero kakaiba ang nangyari ngayon. At alam niya ang dahilan niyon.
Gabrielle made this day extra special. She was special. Kahit na ano pang denial ang gawin. Ang katotohanan pa rin na iyon ang nagtutumining sa kanyang isip.
Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Napansin niya ang mga munting freckle sa mukha nito pati sa ilong.
Mestiza talaga, naisip niya.
Naririnig pa niya ang mabining paghinga ni Gabrielle. Wala siyang gusto nang mga sandaling iyon kundi ang yakapin ito sa paraang mararamdaman niya ang mainit na hininga nitong tumatama sa kanyang leeg at maririnig niya ang tibok ng puso nitong nakalapat sa kanyang dibdib.
It would be nice to hold her in his arms, to be lost in her warmth. Dumako pa ang kanyang tingin sa mga labi ni Gabrielle. They looked sexy in their pinkish color. Nagkataon namang kumibot-kibot pa iyon pagkatapos ay bahagyang ngumiti. Animo nilalaro ng anghel ang hitsura nito nang mga sandaling iyon.
Hindi naman nakapagpigil pa si Miguel. Unti-unti niyang inilapit ang mukha rito, partikular sa mga labi nito.
Ngunit naalimpungatan si Gabrielle. Nahinto ang kanyang paglapit. Kinakabahang naghintay siya kung didilat ang mga mata ng dalaga.
"Uhmn..." ungol nito, sabay dilat ng mga mata.
NAGULAT si Gabrielle nang mukha ni Miguel ang mamulatan. Nagkatitigan sila.
Panaginip pa rin ba ito? nakakunot ang noong tanong niya sa sarili. Napanaginipan niya kasi ang binata. Magkasintahan daw sila at magkasamang namamasyal. Hahalikan na sana siya nito nang bigla naman siyang magising.
At ito nga, mukha ni Miguel ang namulatan niya. Gising na ba siya o karugtong pa rin ng kanyang panaginip ang nangyayari ngayon?
"Why are you staring at me?" Iyon lamang ang nasabi niya.
"Ako?" anito na tila hindi alam ang isasagot.
"Oo, ikaw nga. May iba pa bang tao rito?"
"Tinititigan ba kita?"
"Obvious ba?"
"Ah... oo nga pala. I was staring at you." Pagkasabi niyon ay umunat na uli ito sa pagkakahiga. "Naglalaway ka kasi habang natutulog." Nakangiti ito nang sabihin iyon.
Napanganga naman siya. Awtomatikong lumapat ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang bibig. Naglalaway ako? Shocks!
Humagalpak naman ng tawa si Miguel. Bumaluktot pa ito sa pagkakahiga, paharap sa kanya, habang hawak-hawak ang sariling tiyan.
Noon niya na-realize na binibiro lamang siya nito. "How dare you!" nanlalaki ang mga matang asik niya. Hindi na siya nakapagpigil at binato niya ito ng takip ng basket na dala-dala nila. Bumangon na siya at naupo.
"Grabe ka palang mapikon. You looked so shocked when I told you na naglalaway ka habang natutulog," natatawa pa ring sabi ni Miguel. Ayaw papigil sa pang-aalaska sa kanya. Hindi pa ito nasiyahan, ginaya pa nito ang kanyang hitsura gulat na gulat sa narinig. "What will you do kapag nalaman mong 'di ka lang naglalaway kundi naghihilik pa?" sabi nito, sabay tayo para lumayo sa kanya.
"Why, you!" nanggigigil na sambit ni Gabrielle. Tumayo na siya at paika-ika itong hinabol. "Ang kapal ng mukha mo!" nanggagalaiti pa niyang sabi.
Para silang mga batang naghabulan. Malapit na niya itong maabutan nang bigla itong huminto at humarap sa kanya. Dahil doon, bumangga siya kay Miguel at sabay silang natumba. Nasa ibabaw siya nito nang bumagsak sila sa lupa.
"Oops... Are you okay?" Nabasa niya ang pag-alala sa mukha nito na siya namang ikinataba ng kanyang puso. Nakahawak ito sa kanyang baywang samantalang ang mga kamay niya ay nasa dibdib nito.
"O-okay lang," mahina niyang sabi. Ilang na ilang siya sa kanilang posisyon. Malapit na malapit ang mukha nila sa isa't isa.
Akma na siyang tatayo nang pigilan nito sa pamamagitan ng paghigpit ng yakap nito sa kanya. Nagsusumamo ang tingin ni Miguel. Inabot ng mga labi nito ang kanyang mga labi at kaagad niyang naipikit ang mga mata. Para siyang mababaliw sa epekto ng halik.
It was her first kiss. And it was beyond her expectation. It felt like heaven!
Narinig pa niya ang ungol na nagmula sa binata nang magbitiw ang kanilang mga labi. Nanatili pa rin siyang nakapikit, ninanamnam nang husto ang halik na kanilang pinagsaluhan.
NAPANGITI si Miguel nang mapagmasdan ang nakapikit na dalaga. Hindi siya nakapagpigil at muli niyang inangkin ang mamasa-masang mga labi nito.
Muling tumugon si Gabrielle sa pangalawang halik na iyon.
Inilipat niya ang isang kamay sa ulo nito mula sa baywang upang lalo pang idiin ang kanyang mga labi rito.
Kissing her was a task he would never get tired of doing. He could stay kissing her forever. Narinig pa niya ang ungol ng pagpoprotesta ni Gabrielle nang iwan ito ng mga labi niya upang ibaling ang atensiyon sa punong-tainga nito.
Napasinghap si Gabrielle sa ginawa niya. Mayamaya ay lumipat ang kanyang mga labi sa leeg nito.
"Mommy...?" umuungol na tawag ni Aliyah kay Gabrielle na nakapagpatigil sa kanilang ginagawa. Para itong nananaginip.
"Miguel, si Aliyah..." natatarantang sabi ni Gabrielle. Kaagad itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Napabuntong-hininga si Miguel. Though shocked and at the same time frustrated, nagawa pa rin niyang alalayan ang dalaga sa pagtayo.
NAUNA na si Gabrielle na lumapit sa kinahihigaan ni Aliyah.
"Mommy Gabby..." muling tawag nito sa kanya na hindi pa ibinubukas ang mga mata.
"Sshh... nandito lang ako," pag-aalo niya kay Aliyah at marahan itong tinapik-tapik sa braso.
Ilang sandali pa ay nagmulat na ito ng mga mata.
"Hi there," bati niya.
Kaagad naman itong ngumiti at yumakap sa kanyang baywang. Napakalambing talaga nito, sa loob-loob niya. Sa mga ganoong sandali, parang gusto niyang maiyak sa sobrang saya. She never felt so loved and needed before. Ang batang ito ang kauna-unahang nagpakita sa kanya ng pagmamahal mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.
"Where's Tito Miguel, Mommy," mayamaya ay tanong ni Aliyah.
"Akala ko, 'di mo na ako hahanapin, sweetheart, eh," sabad ni Miguel, sabay upo sa kanilang tabi.
Sandaling nagtama ang kanilang mga paningin at siya ang unang nagbawi. Pagkatapos ng naganap sa kanila kanina, parang hindi niya kayang salubungin ang mga titig ni Miguel.
"Malapit na sana akong magtampo sa iyo, eh," kunwa'y sabi ni Miguel sa pamangkin. "Palagi na lang ang Mommy Gabby mo ang hinahanap mo."
Bumungisngis naman si Aliyah nang mag-make-face pa ang binata. Halatang-halata naman kasi na wala sa loob nito ang sinasabi at nagbibiro lamang.
"Ang Tito talaga." Humawak si Aliyah sa braso ng tiyuhin. "Siyempre, hinahanap-hanap ko rin ikaw. Gusto ko, 'pag nandito si Mommy Gabby, nandito ka rin. Kapag wala ang isa sa inyo, malulungkot ako," paliwanag pa nito na animo kinokonsola ang tiyuhin.
Nangingiting ginulo-gulo ni Miguel ang buhok ng pamangkin pagkatapos halikan sa ulo. "Bolera," natatawang sambit nito. "You know what, pet? Sayang at natulog ka. 'Di mo nakita ang Mommy Gabby na naglala—"
"Miguel, don't you dare—"
"What will you do? Repeat our performance a while back? Well, Miss Gabrielle, I'd be happy to oblige." Nakakaloko pa ang tingin nito sa kanya.
Inirapan niya si Miguel. Kung bakit naman kasi ipinaalala pa nito ang bagay na iyon.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Aliyah sa kanilang dalawa ni Miguel. "Ano ba'ng ginawa ni Mommy, ha, Tito?"
"Well—"
Pinanlakihan niya ng mga mata si Miguel. Tawa naman ito nang tawa. Marahil kung wala lang sa harap nila si Aliyah, malamang naibato na niya rito ang buong basket na nasa tabi niya.
"Huwag kang magpapaniwala riyan sa tito mong sira, 'Liyah," nakalabi pang sabi ni Gabrielle.
Natapos ang pamamasyal na iyon na pare-parehong masaya ang kanyang pakiramdam. Needless to say, na talaga namang nag-enjoy sila sa picnic na iyon.
She never expected that a simple picnic would turn out into a very special event. She became closer to Miguel.
It's a blessed day, she concluded.

Home At Last - Claudia SantiagoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin