Chapter 3

13 1 0
                                    

Avianna pov

"Avi! Kiara! Dito."

Mabilis naman kaming tumakbo nang marinig namin ni kiara ang boses ni lia. ang lakas talaga ng boses niya na kahit sa labas pa kami dinig na dinig.

"Gaga! Ang tagal niyo!" Pagrereklamo ni lia ng makarating kami dito sa baba ng gymn.

"Wow, ha! Your expecting us to come here early, eh ang layo nga ng pinagtambayan namin." Sabi ni Kiara.

"Eh saan ba kasi kayo tumambay?"
Tanong ni lia.

"Sa may benches sa tapat ng shs building." Sagot ko.

"Eh, bakit kasi kayo doon tumambay? Alam nyo namang malayo yun."

"Aba! Kasalanan pa namin eh kami na nga 'tong naghintay sayo." pag tatalo ni kiara.

Magsasalita pa sana ulit si lia ng pigilan ko sila "Shh, uminahon nga kayo!"

"Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga lalaki dito." bulong ko sa kanila.
Tumahimik naman ang dalawa. Hay! kahit kailan talaga pag nagkita talaga 'tong dalawang 'to hindi tumitigil sa pag tatalo.

"Yeah! You should calm down, babe!" Sabi naman ni zack kay lia.

Gulat naman akong napa tingin.
"Wow, Taray! nag e english na pala 'tong jowa mo lia." Pag bibiro ko sabay turo kay zack. Lagi kasi nag tatagalog 'tong si zack kaya nakakapanibago na nag English na siya.

Tumawa na man siya sabay akbay sa dalawang Kasama Niya."Nahawaan na kasi ng mga 'to"

"Oh yeah, btw guys!"

"Mga tropa pala ni lia." sabi niya sa mga tropa niya. sabay turo sa amin ni kiara. Parang shs students palang yata yung mga tropa niya naka uniform kasi pang shs student.

"Hi, I'm kiara." Biglaang pagpapakilala ni kiara sabay lahad ng kamay niya sa lalaking katabi ni zack na mas matangkad pa sakaniya na naka salamin.

Wait.. bakit parang may something...Usually kasi si kiara hindi siya nag lalahad ng kamay niya pag nagpapakilala siya.

Nagulat naman ako ng siniko ako ni lia habang nakangisi. mukhang parehas yata kami ng iniisip.

"I'm Matteo Kenzo Villamour." Pagpapakilala nung lalaki.

Luh, full name pa talaga!

Pero parang nagdadalawang isip pa nga siyang tanggapin ang kamay ni kiara. Napansin ko na man na tatanggapin na sana niya kaso...

bigla namang tinanggap ng isa pang lalaking katabi ni Zack ang kamay na lahad ni kiara.

"Calvin, you can call me alvin." nakangiting sabi nung lalaki.

"Ah, yeah! nice to meet you...." Awkward na ngumiti si kiara sakaniya at agad na inalis ang kaniyang kamay. mukhang na badtrip yata hindi kasi yung lalaki kanina yung tumanggap.

"Oh, and I'm Avianna." sumingit naman ako kaagad para hindi maging awkward. Hindi ko rin naman nilahad ang kamay ko. Pero kahit na sumingit ako naging awkward parin.

Pero nawala rin naman yun nang
binatukan ni Zack yung isa pang lalaki na busy kaka cellphone.
"Aray! Ano?!" Iritang sabi nung isa pang lalaki. Umirap pa nga eh.

Nagulat naman ito nang makita niya kami. mukhang di yata kami napapansin.

"Hi, I'm Kendrick you can call me ken." pagpapakilala nung lalaki.

Lumingon na man si Lia sa amin na parang may sasabihin.
"So... Guys puwede ba silang sumama?" Tanong ni Lia at tinuro sila.

"Sure, maganda rin na man pagmarami tayo." Sagot ko at sumang ayon rin si kiara.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now