Chapter 1

23 1 0
                                    

Avianna pov

They said, there will always be a reason why we crossed paths with people. Either they change you, or you'll be the one to change theirs.

So as I begin my first year in college, I couldn't help but wonder what will gonna be my Fate? am I gonna be the one to change other people or they will be the one to change me.

But as soon as I grow up I realized that I am always gonna be that person who's role is to only change other peoples life.

That's why, I just kinda wish that there will be a twist in my Fate.

Those were the words, I was thinking while sitting in a bench. scrolling through my phone. when suddenly may narinig akong pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Avianna!"

Mula sa phone ko napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Napansin ko kaagad si Lia na kumakaway at Malaki Ang ngiti habang tumatakbo papalapit sa akin. Katabi niya si Kiara na busy naman sa cellphone.

"Aviiii! AAAAAA OMG! Namiss kita!" Tumalon talon pa nga siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Kalma lang Lia! Kalma lang! makasigaw ka naman diyan parang ang layo ko sa'yo." Natatawang sagot ko sabay kalas sa pagkakayakap niya.

"Gaga! Hindi ka pa nasanay diyan kay Lia, alam mo namang pag sumasalita Yan may kasamang sigaw." Singit ni Kiara sa amin.

"Wow! Bumuboses na naman si anteh!" Pang aasar ni Lia "bawal bumoses pag walang jowa ah."

"Luh! Ang yabang! Porket nag ka-jowa lang, maghihiwalay rin kayo!"

"In your dreams!"

Ayan na naman sila first day palang nag aasaran na. I just laughed slightly at them before I pulled them both
"Tama na nga 'yan! Tara na! Hahanapin pa natin kung saan magaganap yung orientation."

Pare parehas kaming culinary ang kinuhang course. pano ba naman kasi ayaw ni Lia magkakahiwalay-hiwalay kami kaya culinary arts na rin yung pinili niya. kami lang kasi dapat ni kiara ang kukuha ng course na'to Kaso yung Isa ayaw mapahiwalay.

"Dito na ba? pagod na ako kakalibot!" pagod na reklamo ni Lia.

"Mukhang... Dito na yata?" hinihingal na sagot ko pano ba naman Kasi nilibot namin ang lahat ng building ng walang tigil.

"Malalaman lang natin pag nakapasok na tayo, kaya tara na!" Sabi ni kiara at hinatak kaming dalawa.

Pumasok na kaming tatlo at nakita kaagad namin na naka upo na lahat ng mga students sa floor at nagkukuwentuhan. at pa circle naman yung arrangement.

Lumapit muna si Lia sa isang student na naka upo sa harap namin para mag tanong kung dito ba magaganap yung orientation baka kasi ibang course to.

"Hello po! Excuse me po! Dito po ba gaganapin ang orientation para sa culinary arts?" Tanong ni Lia sa isang student.

"Po? Opo! Dito po! Freshman?" Tanong niya sabay turo sa amin. sabay sabay naman kaming tumango bilang sagot. Kaya agad siyang Umurong para bigyan kami ng space at umupo narin kami sa tabi niya.

Inilibot ko ang boung paningin ko sa mga students na nandito, sobrang dami nila, sigurado akong mga senior na rin yung iba. Nginingitian at kinakawayan ko naman ang mga naging ka batch ko dati nung SHS na nandito ngayon.

Natigilan ang pag uusap ng lahat nang biglang may lalaking pumunta sa harap na mukhang senior na yata.

"Hello, everyone! I'm carl concepcion a 3rd year culinary student and I'd like to welcome you all to the culinary department." pagpapakilala niya. sabi ko na nga ba senior nga siya.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now