PROLOGUE

18 0 0
                                    

2 years ago..........

"Avianna! Bilisan mo na dyan, aalis na tayo!"

"Opo! Pa! Papunta na! just give me 5 more minutes." Sagot ko kay papa. habang nagliligpit pa ng mga gamit ko sa luggage na dadalhin ko papunta kina mama.

Pupunta daw kasi ng business trip si papa sa ibang bansa, Ewan ko ba kung business trip lang ba talaga ang dahilan o magtatago lang siya sa mga humahabol sa kaniya.

Simula pagkabata ko palang kasi puro lipat na kami nang lipat ni papa, may humahabol daw kasi sakaniya Isang organization na gusto siyang patayin sa hindi ko malamang dahilan Kasi ayaw sabihin sakin ni papa.

Kaya doon na daw muna ako titira Kina mama para makaiwas daw ako sa gulo na kinakaharap niya. I agree din naman kasi gusto ko na rin makasama si mama matagal ko na rin Kasi hinihintay na makasama siya at makilala na rin yung younger sister ko, si Amelia.

I was still 5 years old that time nung naghiwalay na ang mga magulang ko and 3 years old naman yung kapatid ko. Nung nag hiwalay na sila, ako ang kinuha ni papa, while si Amelia naman ang kinuha ni mama.

Naalala ko pa noong mga araw na yun hindi talaga ako tumitigil sa kakaiyak. well, kasi hindi ko na makikita ulit si mama. But papa reassures me that when I grow up I will still be able to see my mother. Kaya matagal ko nang hinihintay ang araw na ito na makakasama ko na si mama at ang Kapatid ko.

"Hay Nako! Ang dami naman neto. Apat na maleta talaga!" Pagrereklamo ni papa habang binubuhat ang mga luggage ko.

"Talagang madami yan, Ang dami ko pa namang gamit."

Napabuntong hininga na lang siya at nilagay ang mga luggage ko sa trunk at pumasok na rin sa loob ng car.

"Okay, Let's go!"

Makalipas ang ilang sandali.....

"Sa wakas! At nakarating na rin tayo."
Sabi ni papa pagkababa ng sasakyan.

Bumaba na rin ako, pagkababa ko palang I was speechless to see a big mansion in front of us. Wow! Ang laki na talaga ng pinagbago ng bahay na 'to dati maliit pa lang 'to ngayon mala mansyon na ang laki! Napaka lucky talaga ni Amelia dalawa lang sila ni mama yung nakatira pero grabe ang laki.

As i was looking around I noticed someone open the gate and it was...

"O! Nandito na pal- VIANNA!!! Anak! Kamusta kana?" tuwang tuwa akong
Sinalubong ni mama ng yakap. Sobrang saya ko naman habang niyayakap ng mahigpit si mama.

Sa wakas! sa loob ng 11 years, matagal ko na 'tong hinintay.

"VIANNA!!! Look at you." kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako mula ulo Hanggang paa."Dalagang dalaga kana!"

"Big girl na ang baby ko." Sabi niya sabay kurot ng pisngi ko.

"Ma naman eh, masakit!" Pagrereklamo ko habang Inaalis ang kamay niya sa pisngi ko.

"eto naman! na mimiss ka lang naman ng mama mo e, biruin mo 5 years old ka palang nung huli kitang nakita tapos ngayon..."

"Hay nako! tama na nga ang pagiging dramatic. tara na pumasok na tayo sa loob." she said while wiping her tears.

Pumasok na kami sa loob at hindi pa nga ako nakaka get over sa laki at ganda sa labas ng bahay, mas lalo palang maganda sa loob.

nilibot ko ang mga naglalakihang vase at paintings, at ang mga nagagandahang luxurious design sa wall ganoon din Yung mga sofa na sobrang haba. patuloy kong Nililibot ang boung paligid ko habang sina mama at papa nakikipag usap sa sofa.

Habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran someone caught my attention na kakarating lang.

is this maybe her.. my younger sister, Amelia!

"Ma! Nandito na po ako!" Pagbati niya habang tinatanggal pa ang kanyang mga sapatos. Nagulat Naman siya nung Nakita niya kami ni papa.

"Mukhang, may bisita pala kayo." Sabi niya habang titingnan ako.

Wow! She's so pretty! May pag ka color brown ang buhok niya at mestiza Ang datingan niya na soft girl.
Well Hindi na rin naman ako magugulat. Kapatid ko Yan eh.

"Oh, Amy! Nandito kana pala, halika rito ipapakilala kita." pag aaya ni mama. Lumapit naman siya at ganoon din ako.

"Amy! Meet Avianna your older sister." Sabi ni mama sabay turo sa akin.

"Hi, Amy! It's Nice to meet you!"I wave at her and gave her a sweet smile.

She just raised a brow at me before rolling her eyes, that made my smile faded.

"Amy! What's with the attitude!? She's your older sister, you should respect her!" sabi ni mama.

"Older sister?! Well, I'm sorry but, I can't seem to remember having an older sister." she sarcastically said before turning her back.

My heart sank at her words. It seems like she didn't consider me her sister at all.

"Amy! Don't just turn your back on us and left!" sigaw ni mama sakaniya, ngunit parang wala lang itong narinig at dire-diretso lang umakyat ng hagdan.

Napabuntong hininga na lamang si mama at lumingon sa akin.

"Hay Nako! Vianna anak, pag pasensyahan mo na si Amy ganyan lang talaga ang expression niya kapag nakikipag kilala, magkakasundo din yan kayo." Mom reassured me. na nag pa balik ng ngiti ko.

Tama rin namn si mama I shouldn't take it seriously naman since kakakilala pa lang namin sa loob ng 11 years.

Kaya magkakasundo rin kami.

Well, that's what I thought before. but until now she still hates me and treats me like a different person more like a stranger and no matter how hard I try to be nice to her, she always pushes me.

Masakit man, pero I'm still trying naman to befriend her and to get along with her.

but it seems like it takes time to make that happen.

Right now I just promise to myself to keep on trying, just like they said, Wala namang masama kung mag try diba! And besides hindi mo makukuha ang gusto mo kung hindi ka mag try.

I always wish that even just for once I wanted to feel the feeling of having that kind of bond with your sister.

I wanted to feel what it feels like to be an older sister even just for once.

.......................
_____________________
ʕ⁠っ⁠•⁠ᴥ⁠•⁠ʔ⁠っ

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon