Chapter 2

13 1 0
                                    

Avianna pov

"Hi, Avianna."

Kakapasok ko palang agad naman akong pinagbabati ng mga ibang mga ka block mates ko. Syempre hindi kasama yung mga inggetera kahapon. Ngumiti lang rin ako sa kanila bilang pag bati na rin.

"Avi! dito!"
Rinig kong tawag ni lia na katabi si kiara. Ang laki pa ng ngiti ng dalawa habang hinihintay ako makalapit sa kanila.

Sa totoo lang sabay dapat kaming papasok kaso may naiwan ako sa condo kaya sabi ko sakanila mauna na sila para maka reserve na sila ng upuan lalo na at maraming freshman ngayon.

"May pumasok na bang prof?"
tanong ko sakanila nang maka upo ako.

"Wala pa naman." Sagot ni kiara habang umiiling.

"Ahh."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin ko na naman yung drake luis legazpi na yun na masayang nakikipag usap sa mga babae.

Tsk babaero! buti na lang hindi ako na fall sa mga tricks niya. Ewan ko ba basta campus crush daw maraming mga kalandian na babae.

Bigla namang natahimik at napalingon kaagad ang lahat. ng may biglang pumasok na lalaki na mukhang nasa 30s na at nilapag ang mga gamit niya sa table.

"Good morning, freshmans. I'm Mr Aguilar and I will be your prof for this subject." he said introducing himself.

Ahh, so siya pala yung magiging prof namin.

Sinulat niya muna ang full name niya sa board bago kinuha ang paper sa lamesa at nag check ng attendance namin. After he checked our attendance sinimulan na niyang ipahayag sa aming lahat ang mga lessons na kanyang Ituturo this semester.

Pagkatapos niyang mag discuss ay isa isa daw niya kaming ihati by group para daw sa mga magaganap na cooking presentation sa subject niya.

"So... For you to know what group you belong. you are just going to pick a paper inside this box and the number you will see on the paper you pick. will be your group number." pagpapaliwanag niya.

"So What are we waiting for?"

"Let's get Started!"

Nagsimula na kaming mag linyahan papunta sa box para makakuha na ng paper.

"Sana magka group tayong tatlo!" Sabi ni lia sa amin habang nag mamanifest.

"Sana nga..."

Nang makita kong ako na next kumuha ako kaagad ng paper sa loob ng box. Pero hindi ko muna ito binuksan. sabay sabay na daw kasi kami nina lia at kiara mag bukas.

"Okay, simulan na natin." sabi ni lia pagkatapos niyang makakuha ng paper. siya kasi ang last sa amin. Agad naman naming pinagtabi ang mga paper na hawak namin.

"1...2....3"

"Go!"

Sabay sabay naming binuksan ang paper at.

"Group 3 tayo! Avianna!"
Masayang sigaw ni lia nang makita niya yung paper ko saka hinahawakan ang mga kamay ko at tumalon talon pa nga ito. Para na nga akong mabingi sa sigaw niya.

Masaya din naman ako na naging magka group kami. pero si kiara...

"Group 1, ka kiara...." Malungkot kong sabi sabay tingin sa kaniya.

"Okay ka-"

"Pft" she chuckle.

"Mga Oa! okay lang ako, sa groupings lang naman tayo maghihiwalay eh, hindi naman 'to personalan." natatawang sabi niya. Hay naku! kahit kailan talaga tong babaeng 'to. Hindi nawawalan ng ngiti kaya tuloy nadadamay na ako.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon