Napangisi ako.
"Pero yung kakambal buhay pa—"
"Zhan that's enough!" Sigaw na nito saakin kaya mas lalo lamang nadurog ang puso ko.
"Noon ang first love mo, sumunod yung best friend mo, ngayon naman ang kakambal ng first love mo?" Panunumbat ko.
"Zhan she's just —" I cut him off.
"You know what Dave...Nagsisisi ako..nagsisisi ako na binigyan pa muli kita ng pagkakataon dahil di mo naman deserve!" Singhal ko dito.
"Z-zhan.. please.."
Pilit nitong hinawakan ang kamay ko pero tinulak ko ang dibdib nito.
"Enough Dave! Let's stop this, because I deserve better than you!" Duro ko dito habang umiiyak na tsaka tumakbo na paalis.
"Zhan wait!!!"
Mas binilisan ko ang takbo dahil hinabol ako nito.
"P-please let me explain first! Zhan mag-usap tayo!"
Mabilis akong pumasok sa elevator at bago pa man ito makalapit ay sumara na.
"Sobs*"
Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko at tuluyang napaupo sa sahig ng elevator.
'Pagod na ako..'
PAGBUKAS ng elevator ay nagmamadali akong lumabas.
"Ma'am!" Salubong saakin ni Tan.
"Alis na tayo.."
"Po?"
Wala na akong pakialaman sa iisipin pa ng mga tao sa paligid.Tumakbo ako patungo sa kotse at pumasok sa loob.
"Ma'am.."
Pumasok narin ito sa kotse.
"Zhan!!"
"Alis na tayo Tan.." Utos ko at ni-locked ang bintana ng kotse.
"Zhan Mag-usap tayo!!" Pilit kinakalampag ni Dave ang bintana.
Pasalit-salit ang tingin ni Tan sa direksyon naming dalawa.
"Zhan n-naman oh! Pakinggan mo na m-muna ako.."
Wala sa sariling napalingon ako sa bintana.
Kahit nasa loob na ako ay malinaw kong nakikita ang patuloy na pag-iyak ni Dave.
"Zhan! Buksan mo ito, mag-usap tayo! P-please Zhan.. I'm begging you..p-pakinggan mo ako Sweetie please..."
Napatakip ako sa bibig ko.
"B-bilis na Tan, umalis na tayo dito.."
No choice narin na pinaandar ni Tan ang kotse.
"Zhan!!!"
Napakagat ako ng mahigpit sa labi.
"Zhan please!!"
Pilit paring humahabol si Dave sa kotse na sinasakyan ko.
"B-bilisan mo na Tan!"
Parang nagdadalawang isip pa ito pero agad narin pinaharurot palayo ang sasakyan.
'Sobrang nasaktan ako ngayong gabing ito Dave.Hindi ko muna kayang pakinggan ang mga paliwanag mo'
Napatitig ako sa engagement ring na nasa daliri ko.
'I didn't mean what I said.. nadala lang ako ng galit..sobrang sakit kasi eh..'
Napapikit ako at mas lalo lamang napahikbi.
KAMU SEDANG MEMBACA
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romansa𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...
Chapter 202: Heartbreak 02
Mulai dari awal
