"Ah! Hoyy bag ko yan!!" Sigaw ko ng may biglang humablot ng bag ko at mabilis kumaripas ng takbo.
Nandoon cp ko!
Susubukan ko sanang habulin pero pinigilan ako ni Tan² at ito yung naghabol doon.
"Hey give it back!" Dinig ko kay Tan² at hinabol yung magnanakaw.
"Ang m@las talaga!" Bulong ko sa kawalan at napaupo na lamang sa gilid ng kalsada.
Nakakabadtrip!
"Argh!! Ano ba naman!!" Sigaw ko na dahil di pa talaga nakuntento ang kam@lasan ko dahil mabilis pumatak ang ulan.
DALI-DALI akong tumakbo papasok sa kotse tsaka pumasok sa loob.
"Wala na bang mas ikasasama sa gabing ito!"Naiinis nang asik ko.
Parang inulan na ako ng kam@lasan eh bat di pa dagdagan!
"Nakakainis!!"
Kinuha ko yung bimpo sa side at pinahiran yung katawan ko.
"Ang sama-sama ng gabi ko"Bulong ko at napapikit na lamang.
"M-maam.."
Naimulat ko ang mga mata ko tsaka napalingon kay Tan.
"S-sorry po, biglang nawala sa dilim yung magnanakaw..di ko nahuli.."
Napapikit na lamang muli ako tsaka napahilot sa sentido ko.
"Umuwi nalang tayo.."Utos ko.
"But how about—"
"Hayaan na lamang natin na ang mga pulis ang humagilap doon.."
"Cge po.."
Napasandal na lamang ako sa inuupuan ko at napahilot sa sentido ko.
'Ang m@las m@las ko nga!'
"Sorry Ma'am.."
"Hayaan mo na..hindi mo kasalanan.." Usap ko na lamang habang nakapikit ang mga mata ko.
✴️TIME SKIPPED ✴️
"Itigil mo muna.."Utos ko ng mapadaan kami sa tapat ng La Luna building.
Ibinaba ko ang bintana at sumilip para pagmasdan ang parang buwan at araw na nag-iisa..
"Moon embracing the Sun.."Bulong ko habang nakatitig doon.
'Ang ganda...sobra..'
Napakaraming mga tao sa paligid para panoorin din ang napakagandang tanawin sa building as usual.
"B-bestie...magpagaling ka na, miss na miss ka na namin.."Bulong ko kasabay ng pagdaloy ng aking mga luha sa aking pisngi.
"Ma'am—"
"Tara na.."Usap ko tsaka pasimpleng pinahiran ang mga butil ng aking luha.
Nanatili akong nakatingin sa bintana hanggang sa makarating na kami sa condo ni Dave.
"Thank you, mauna na ako..mag report ka sa mga pulis"
"Sige po tatawag ako.."
I nodded.
Binati ako ng mga guards as usual. Ngumiti lamang ako at dumiretso na sa loob.
"Aw.."
Napahawak ako sa tiyan ko ng bahagyang kumirot.
'Aabutan na naman ata ako ng dalaw ko o dahil sa ininom kong alak kanina..'
"Wrong timing talaga ng lahat.."Bulong ko.
YOU ARE READING
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...
Chapter 202: Heartbreak 02
Start from the beginning
