Chapter 201: Heartbreaks 1

Start from the beginning
                                        

"W-wala"

Kunot noo ko muling nilingon si Gael.

"Really? P-pero G-gael bakit kamukhang kamukha mo yung b-batang lalaking iyon? Wow! What a coincidence..ikaw siguro pinaglihian hahaha!"Pabiro pang usap ko pero di ko na talaga gusto ang kakaibang tibok ng puso ko.

"A-alis na tayo anak halika na"

NANG mapansin ako ng babae ay nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat ng makita ako.

"Hi!" Bati ko sa babae tsaka napatingin sa batang nakayakap na dito.

Kamukhang kamukha talaga ni Gael yung bata.

"Anak mo?" Tanong ko doon sa babae pero parang hindi ito makatingin sa mga mata ko.

"A-ah eh.."Pansin kong lumingon muna ito sa part ni Gael bago umiwas ng tingin."O-opo.." Halos pabulong nalang na usap nito.

Mas lalo nang bumigat ang pakiramdam ko sa di ko malaman na dahilan.

"A-ang cute cute ng bata..."Baling ko.

"Mamaya na po kayo umuwi. Let's play again doon Erwan!"Hinila muli ito ni Zia palayo.

"W-wifey, May kailangan kang malaman..."

Mas lalo nang tumindi ang kaba at takot na nararamdaman ko.

"A-ano??.." Nautal pang tanong ko.

"That k-kid..."Parang nahihirapan na usal ni Gael.

Nanatili akong nakatingin sa kanya pero mahigpit na ang hawak ko sa anak ko.

"He's my son, I'm so sorry.."

Hindi agad naproseso sa utak ko ang narinig ko.

'Siguro nagkamali ako ng dinig?'

"H-huh? Ano uli yun?"

Hinawakan ni Gael ang kamay ko na nasa likod ni Lucian.

"W-wifey..let me explain f-first.."Nangingilid na ang mga luhang baling ni Gael.

'Nagbibiro lang sya diba?'

Nilingon ko yung babae pero napayuko lamang ito.

'Hindi totoo right?'

Nilingon ko yung batang lalaki at doon naproseso sa utak ko ang lahat lahat.

Hindi.

Kaya ba..ganun sya umasta kaninang umaga at natanong nya rin ako kung ok lang saakin na may ibang tumawag saakin na mommy?

'P-paano nangyari iyon?'

"W-wifey.. please let me explain.."

Walang namutawing salita sa bibig ko.

'Mukhang ilang taon lang ang agwat ni Zia doon..it means.. Hindi..'

Seryuso kong nilingon yung babae.

"I-I'm so sorry M-maam..w-wala syang kasalanan..a-ako ang may kasalan ng lahat.."Pabulong na usal nung babae na tuluyang dumurog sa puso ko.

'So totoo nga?'

Nanghihina akong napaatras kasabay ng pangingilid ng mga luha ko.

"W-wifey.."

"Zia!" Matigas na tawag ko.

"Yes Mommy?" Lingon saakin ng anak ko.

"U-umuwi na tayo.." Halos di ko magawang bigkasin iyon dahil sa panginginig ng labi ko.

"Bakit po mommy?" Inosenteng tanong ng anak ko.

Mabilis na akong hunakbang palapit sa direksyon ng anak ko sa kabila ng panghihina ko, agad kong hinablot ang braso ni Zia gamit ang isang palad ko.

"A-aray Mommy nasasaktan ako.."

"W-wifey.."

Sinubukan akong hawakan ni Gael pero tinalasan ko ito ng mga mata.

"B-bitawan mo ako!" Matigas na baling ko.

"Wifey—"

*PAK!*

Binitawan ko muna ang anak ko at ubod na lakas kong sinampal si Gael gamit ang isang palad ko tsaka ko muling hinila ang anak ko.

"M-mommy anong nangyayari?"

Mabilis akong naglakad palayo habang hila-hila si Zia.

"W-wifey..wifey please let me—"

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko dito tsaka tinalikuran na ito.Narinig ko pang ilang beses akong tinawag ni Gael sa nagsusumamo nitong boses pero di na ako lumingon pa.

DOON narin sunod² nagsibagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit sa dibdib, para itong dinaganan ng malaking bato at paulit-ulit din na dinudurog.

Ang sakit!

Ang sakit sakit!

"M-mommy si Daddy dun.."

Di ko pinansin ang sinabi ni Zia.

"Ma'am aalis na tayo?"

Pinagbuksan kami ng bodyguard namin nang pinto ng sasakyan.

"M-mommy?"

Pinasakay ko si Zia saka na ako tumabi dito while yakap yakap ko parin ang bunso ko.

"Wifey!!!"

Sinaraduhan ko na ang pinto maging ang bintana ng sasakyan.

"Let's go.." Utos ko.

Mukhang nakaramdam naman ang bodyguard/driver namin sa tensyon na namumuo sa pagitan namin ng asawa ko kaya pinaandar na nito ang sasakyan.

"M-mommy ano *sniff* p-po talaga ang nangyayari?"

Napatakip ako sa bibig ko at tuluyang napahikbi tsaka niyakap na si Zia habang yakap yakap parin ng isang braso ko ang natutulog kong bunso.

'Akala ko tapos na ang mga pagdurusa ko sa nakaraan dahil sa pagiging babaero ng asawa ko..mas may malala pa palang ngayon sa kasalukuyan.'

__________

__________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now