Chapter 201: Heartbreaks 1

Start from the beginning
                                        

"Wanna play after we finish this ice cream Erwan?"

"Y-you want to play with me A-ate Zia?"Dinig ko sa boses nung bata.

"Wow! You just called me Ate? Oh Daddy! Parang may new brother na ako Daddy! Ang sarap palang matawag na Ate, si baby Lucian kasi eh kayo palang ni mommy ang kayang bigkasin, nakakatampo!"Mahabang lintanya ni Zia na pumadyak pa.

"You want him to be your brother?" Malambing na tanong ni Gael sa anak namin.

"Ahm. Pwede po Daddy?"

"S-sure anak.."

Kumunot ang noo ko ng makitang namumula ang paligid ng mga mata ni Gael.

'Wow ah? Umiiyak ba sya?'

"Wow! Gusto mo yun Erwan ako ang ate mo?"

Pansin ko pa na lumingon yung bata kay Gael bago ibinalik ang atensyon kay Zia.

"Opo..G-gustong gusto po" Masayang tugon nung bata.

"Let's go Erwan, play na tayo!"Pagyaya ni Zia kasi ubos na nila yung ice cream.

Di na muna ako lumapit kasi naaaliw pa akong panoorin sila kahit di ko pa makita ang mukha ng bata kasi nakatalikod sa part ko.

"Ok po, Let's go Ate!"

"Careful mga anak!"

Napataas isang kilay ko.

'Do I heard it right? Mga anak?'

"Ok po Daddy!"

Sabay pa nina Zia at nung bata.

'Aba naman kinareer talaga ng batang iyon ang maging kapamilya namin haha!'

"Maglalaro muna daw sila Ate at Kuya, pagod na kasi ang bunso ko kaya kailangan ng matulog.."Malambing na usap ni Gael kay Lucian na nakasandal na sa balikat nya.

I smiled.

"*Ahem!*" Tikhim ko at lumapit na kasi baka kanina pa nangangalay si Gael.

"W-wifey...kanina ka pa?"Parang gulat na gulat na usal nito.

Napailing na lamang ako tsaka kinuha na mula sa kanya si Lucian.

"Mukhang may new anak ka ah—"Natigilan ako at napalaki ang mga mata ng mapalingon sa direksyon at tuluyang makita ang mukha ng bata.

"W-wifey?"

Ilang saglit pa akong nakatitig sa direksyon para kompirmahin ang nakikita ko.

K-kamukhang-kamukha ni Gael.

"Relatives mo ba iyon Gael..Kamukhang kamukha mo kasi eh, parang carbon copy lang haha.."Naaaliw na baling ko habang nakatitig sa direksyon pero bumibilis na ang tibok ng puso ko.

"W-wifey.."

Kunot noo kong nilingon si Gael dahil parang may gusto itong sabihin pero nahihirapan itong gawin.

"Bakit?" Tanong ko tsaka muling lumingon sa direksyon.

Merong lumapit na isang magandang babae dun at kinausap yung bata.

'Yun yung mommy nun?'

"Oh yun ba ang nanay?" Tanong ko sa kawalan.

"Later na po tayo umuwi mommy!" Dinig ko doon sa bata.

'So, yun nga talaga ang mommy nya?'

"Whoah! Ang ganda akala ko magkapatid lang sila, pero kung yun ang nanay..mukhang pinay din yun kaya impossible na ka-relatives mo haha, pero baka yung tatay..may cousin ka bang kamukhang-kamukha mo?" Baling ko tsaka humakbang na palapit sa direksyon.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now