6

1 0 0
                                    

Date: Year 2020

Pinilit kong libangin ang sarili ko. Gusto kong sumaya. Gusto kong mawala yung mga nasa isip ko. Minsan nakakaramdam ako ng takot, sobrang takot na baka may mawala nanaman. Hindi ako makatulog ng ilang araw. Pakiramdam ko may nakatingin sakin or may nagsasalita sa isip ko. Napansin nila mama na ganun nga ang nangyayari sakin. Pero dahil walang pera at hindi sapat hindi nila magawang maipacheckup ako. Hindi padin ako nagwwork ulit dahil pakiramdam ko hindi kopa kaya. Ayos lang daw kila mama. Magwork nalang daw ako ulit okaya magaral. Pero sabi ko ayoko muna.

May nakilala ako online. Hanggang sa madalas ko sya makausap. Nagkamabutihan kami. Pinuntahan niya ako dito sa Probinsya kahit taga maynila siya. Ilang buwan din kaming nag usap, video call at masasabi kong sumaya ako. Kilala din siya nila mama at papa. Naging close din sila ng kapatid ko hehe. Ang saya ko, pero may takot na baka iwanan din nya ako. Alam din nya ang past ko, kinwento ko lahat sakanila. Naiintindihan niya lahat sakin. Kaya ang gaan ng loob ko sakanya eh.
Siya nga pala si Pami Chu. Oo name niya yan kahit lalaki sya.Kaya nakuha din nya atensyon ko eh haha. 26 na siya mas matanda siya sakin. Kaya masasabi kong matured siya magisip kesa sakin. 

Ring~ Ring~  tumatawag si Pami.

"Hello? Bat napatawag ka?" Sabi ko sakanya
"Wala lang, bawal ba? Haha. Namiss kita eh" Sagot naman niya. Eto talaga haha.
"Sus haha eh araw araw mo nakong namimiss dikaba  nagsasawa?" Tanong ko sakanya
"Ikaw talaga yna! Bat naman ako magsasawa sayo. Mahal kita. Kahit ano pang sabihin mo" Oh my pami bat ka ganyan hay lalo akong napapamahal sayo eh.
"Osge na haha sabi mo eh, osya mamaya nalang may ginagawa pako" Inend kona yung call. Eh wala akong masabi kinilig din kase ako haha

--

Unti unti nagiging okay lahat, nagiging madaldal narin ako, nakikipagbiruan na kila mama. Kay papa medyo ilang padin ng konti.
Nagpasko at nagbagong taon na magkakasama kami. Masaya ako. Totoong masaya. :)

Thankyou Lord. Salamat palagi sa lahat lahat Lord. Alam kopo na wala kayong binibigay na challenges samin na hindi namin kayang lampasan. Lord, gabayan niyo po ako palagi at bigyan niyo po ako ng lakas sa mga darating pa ng pagsubok sa buhay. Salamat po ulit sa araw araw. 

---

A/N: Lahat ng prublema may solusyon, sabi nga nila wag mong tambayan ang problema ;)

Unknown Title Where stories live. Discover now