2

2 0 0
                                    

Year 2017

Umaga nanaman at papasok na ng school nakakatamad pero kelangan pumasok ilang weeks nalang at ggraduate nako ng highschool yey!

Nagayos nako at naglakad nako papuntang school tutal walking distance lang naman mula sa bahay namin.

Hay sa wakas nakarating nadin ng school. Diretso room nako pagdating ko ng school. Nakakapagtaka, nagbubulungan mga ibang kaklasi ko habang nakatingin sakin pero hayaan mona baka nagkataon lang

"Girl alam moba yung papa niya meron palang babae dito sa school" Sabi ng maarte kong kaklase.
"Iniwanan na nga sya ng mama niya may babae pa papa niya dito sa school grabe" Sabi naman ng isa pa.

Ako ba pinaguusapan nila? Hm baka nag oover react lang ako umupo na ako sa desk ko at nagsuot ng headset, wala pa naman ang adviser namin e.

"Sawakas break time naaaa tara na yna samahan mo nako sa canteen libre kita ^_^ " Sabi ni Heart. Umagree naman ako don kasi libre hahaha
"Osige na nga haha ang kulit mo eh" Habang papunta kami ng canteen diko inaasahan na makikita ko siya dito

"Papa" Sambit ko pero mas hindi ko inaasahan kasama niya si
"Maam Mallari?" Bulong ko

"Uy yna? Ayos kalang? Bat napatigil ka?" Tumingin si heart kung san ako nakatingin "Ah hehe Yna tara na busog pa pala ako" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lahat ng sakit, lahat ng tanong ko. Haha t*ngina bakit?

Alam ni heart ang sitwasyon ko, maski siya nabigla nung nakita nya si papa kasama si mam mallari.
"Totoo pala ang balibalita" Huh? Napatingin ako kay heart.
"Ha? Ang alin?" Lutang parin ako at wala sa focus
"Hindi moba alam? Kumakalat kasi na si Mam Mallari at ang papa mo ay magjowa daw" Nabigla ako sa sinabi ni heart, bakit diko man lang alam? Sabagay, ilang years narin naman na hindi ko sya nakikita. Nakakapagtaka lang, bakit hindi koman lang nakikita o nalaman agad?

"Yna, Pwede ba kitang makausap after ng klase mo?" Pareho kaming napatingin ni heart sa nagsabi neto
"Mam Mallari ikaw po pala" Sagot ko ewan ko wala akong ganang kausapin siya. Kung anong meron sila ng tatay ko, wala na akong pakielam don. Hinayaan ko sya na kausapin ako. Hinintay ko siya dito sa may plaza. Grabe ako pa talaga naghintay sakanya.

"Iha, alam kong galit ka sa papa mo pero bigyan mo sya ng chance magexplain sayo" Kasama niya ngayon si papa nakatingin silang pareho sakin. Nakatingin lang din ako sakanila.
"Mam, kayo poba ng tatay ko? Kasi wala po akong pakielam kung kayo man o hindi." Tumingin ako sa tatay ko "Kung ano man ang dahilan mo sa pangiwan samin wala nadin akong balak alamin pa. Papa parin naman kita." Walang gana kong sabi sakanya.  Tumayo na ako ang nagpaalam sakanila
"Aalis napo ako, may gagawin papo kasi ako sa bahay" At umalis na ako don. Ayoko muna siyang makausap. Hindi pa nga ako nakakapaniwalang nakita ko sya ulit eh. Madami akong tanong pero sa ngayon wala nakong pakielam.

-
Grabe tong araw na to, hindi tuloy ako makapagisip ng maayos. Pagdating ko ng bahay, Alam na pala ni lola na andito na ulit si papa. Galit siya pero tinanggap nya ulit si papa dahil wala naman ibang matutuluyan si papa kundi dito.

"Lola, tara po kain na tayo" Inaya kona si lola na kumain.
"Pinagluto kita ng nilagang itlog at eto bumili akong delata paborito mo to diba" Alam talaga ni lola kung anong gusto ko, pasalamat ako at meron akong siya. :)
Natapos na kaming kumain at dumating na din yung tatay ko. Di ako makapaniwala andito na ulit talaga sya.
Naghugas nadin ako ng plato, naghilamos at humiga na sa kwarto. Inaantok nako kaya nagdasal nako yun kasi ang lagi kong ginagawa kaya nakasanayan na

"Lord, Papa Jesus Thankyou po sa araw araw. Salamat po kasi hindi nyo po kami pinapabayaan. Lord, Ang hiling ko po ay sana mabuo napo ulit ang pamilya ko. Ingatan nyo po sila lalo nat hindi kami magkakasama. Ilayo niyo po kami sa sakit, disgrasya at sa mga masasamang tao. Lord, bigyan niyo din po ako ng lakas para sa mga haharapin ko na problema. Nagtitiwala po ako sainyo. Amen.

Di ko maigilan na maluha. Wala ako ibang dasal kung hindi mabuo yung pamilya ko. Sa loob ng apat na taon wala pading nagbabago. Sobrang sakit padin. Hindi nawawala yung sakit.
Kung pwede lang makalimot ginawa kona eh. Kaso ang hirap.
Sobrang hirap.

Unknown Title Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora