AT YOUR WORST

445 23 1
                                    



Author: Shei lie/Anne lie

Chapter47(book2)

Natasha*s pov

*Nasa kotse na sya papunta sa meeting place ng isa sa private investigator nya...naisip nyang bka late na sya kasi kinausap pa sya ng mga kaibigan dahil sa mga hindi magandang nasabi ng mga eto sa kanya last night...nasabi narin nya na wla syang hinanakit sa mga to dahil totoo naman ang mga sinabi nila...saka di naman nya sila masisisi kung ayaw na ng mga eto sa knya para kay katherine kasi simula naman tlaga ng magkamalay si kath ay sila sila ang nag alaga sa pinakamamahal nya...lalong lalo na si timothy sobra ang naging sakripisyo ni timothy kay katherine...kung tutuusin  kung may amnesia lang tlaga si kath...at di sya tlgang kilala...ipaparaya niya si katherine nya kay timothy...kasi hindi sya deserve para kay katherine dahil sa dami ng kasalanan nya sa pinakamamahal nya...pero kung si kath nga pinaglalaban sya...bakit nya susukuan si katherine?   kaya't ang nasabi nalang nya sa mga kaibigan at sa harap ng bagong dating na timothy ay*

"SORRY GUYS HA...DI KO KASI PINAMIMIGAY YUNG PAG-AARI KO"

*alam nyang maiintindihan sya ng mga kaibigan ..kaya nga sila ang napili nyang maging kaibigan eh...patunay narin ang lahat ng mga ginawa ng mga to kay katherine...
sobrang laki ng utang na loob nila ni kath sa mga eto hindi nila alam ni katherine kung pano makakabawi sa mga kaibigan...di rin naman tatanggap ng lupain ang mga to at may mga kakayahan din sa buhay. Lalo na ng pera dahil bka  isampal lang din ng mga eto pabalik sa kanya dahil sa may pera din ang mga eto...*

*Natigil sa pag iisip si natasha ng marating na ang location nila ng private investigator nya...habang papalapit ay sumenyas syang puntahan sa pribadong table doon at nauna na sya..*
Natasha: anlaki ng binabayad ko sa inyo pero wala kayong masagap na ibedensya???...kala q ba magagaling kayo??...nag aaksaya lang ba ako ng pera at panahon sa inyo??
Investigator: mam,hindi po kasi madali...pakiramdam ho namin ay may komokontra ho at alam ang mga bawat lakad mo at lakad namin...napakalinis na ho mam... hirap na hirap po kaming manimot pa ng magiging ibedensya natin...
*nilagapak ni natasha ang mga palad nya sa lamesa...*
Natasha: how about that motorcycles plate number?.. how about the other car in there..
the bullet...yes the bullet...I'm sure may mga naligaw na bala sa mga kalapit lang doon...hindi nyo ba tiningnan...para matrace natin kung kanino nakapangalan??
Investigator: mam...madami ho kaming nakalap na bala kaya nga ho diba kasama sa nakuha nating ilang ibedensya...pero wla hong nakapngalan ang mga baril na yun...wala hong mga lisensya kaya isa pa yun sa nakakapagpahirap sa kaso.
Natasha:(nagiisip).. pano natin maiaakyat agad tong kaso nato kung konti lang ibedensya ko. .hindi ko masisikmurang malayang gumagastos ng pera ng taong bayan ang mga kriminal na pumatay sa mga VILLAMOR...so please do something...(aniya) kung kinaklngan dagdagan mo ang tauhan mo at doblehin ko ang bayad  sa inyo gagawin ko...ang importante gawin nyo ng malinis mabilis at maingat ang trabaho nyo...do you understand?
Investigator: yes mam!!
*at itinaas ni natasha ang kamay na senyales na pinapaalis nya na eto..*

*Naiwan si natasha na nakakibit balikat...at nakaharap sa magandang tanawin sa labas..
For the sake of my katherine...no matter how hard it is...kakayanin at tatapusin ko to...kelangan bago pa malaman ni kath na nilalakad ko ang kaso ng parents nya ay natapos q ng makalap ang mga ibedensya...umupo sya at humigop ng kape...dadaan muna sya sa kompanya at pupunta sya kela niko at lola ni kath...ska kumilos na sya...nakadaan na sya sa kompanya at kinuha na lahat ng reports kasi tatrabahuon nya yun mamaya sa resort pati mga problema ng mga employees dala dala nya...dumaan muna syang grocery at mga bilihan ng toys at ska tinungo ang bahay nila katherine...naabutan nyang nanonood ng tv ang maglola ni kath..*
Natasha: hello po magandang hapon po...hi niko...(sabay lapit kay niko at hinalikan sa noo at si lola rimedios ay hinalikan nya narin)
*..ska maya maya ay nagpunta syang kusina dahil bumili syang pansit saka biko..*
Natasha: eto po lola...alam ko na hindi na naman kayo tatanggap galing sa mayaman di po ba.. ayan biko ska pansit...sigurado akong di nyo matatanggihan yan...kain napo tayo...
*parang natakam naman ang maglola sa pansit at biko..kaya't nong pinagsandok na sila ni natasha ay kinuha agad ng maglola at sabay silang kumain tatlo tamang tama naman na gutom narin si natasha...pagtapos kumain ay nakinood muna syang tv...ska nagsalita*
Natasha: ahm lola bka po bukas na uuwi dito si ka-i mean si patricia po...
Lola remidios: iha alam kong alam mo na kung sino si patricia...nararamdaman ko na kaya mo syang protektahan dahil nakikita q sa prisensya mong matapang ka...wag mo sanang pabayaan ang mga apo ko ha
Natasha: wag po kayong mag alala .hayaan nyo napo sakin ang mga apo mo pati po kayo di ko po pababayaan...kinuha nya ang mga pinamili sa mag lola..mga damit mga kelangan nila pang araw araw..ska cellphone.
Niko: ay ate hindi po kasi pwede po eh.
Natasha: ate mo na din ako mula ngayon niko...hindi ako ibang tao sa inyo ni ate patricia mo tandaan mo yan...kaya't kahit na anong ibigay at bilhin ko ay kunin mo ha...lahat ng meron ako sa inyo nading tatlo ok ba yun niko..
Niko: po??...bakit po ate...nawawala kapo ba naming kapatid?
*Natawa si natasha sa sinabi ng kapatid ni kath...tinitigan nya si niko .naalala nyang bago sya umalis ay nakwento pa ni katherine na nagkaroon mg affair si gov sa ibang babae...eto na kaya yun si niko??
( Nalungkot si natasha..)
Natasha: ramdam na ramdam na pala ng magulang ni katherine na mamamatay na sila kaya pinlano na nila ang kabutihan para sa mga anak .pero ang di nya masikmura ay ang pagsasaktipisyo ni katherine na pumasok ng kompanya at pumasok ng school at may trabaho sa lugawan...sa sobra netong pagpapanggap tinitiis neto lahat ng pagod at hirap na kung tutuusin ay di naman neto nakasanayan dahil lumaki isinilang si katherine na may kakambal na mga pera.
*Maya maya ay nagpaalam na si natasha sa mag lola...*
Natasha: bukas naman po ay andito na si patricia ako na ho mismo ang maghahatid sa kanya dto...

*Ska tinungo ang kotse..nang magstart na sya ay tumunog ang phone nya at tiningnan nya eto..unknown ang nag message at may picture..pagbukas nya ng picture ay nanlaki ang mga mata nya ng mamasdan kung ano ang picture na yun..ilang makapal na envelop iyon..at kung di sya nagkakamali ay yun ang mga ibedensya nyang naipon..*
Natasha: ang alam ko nasunog na to..
(sinong may hawak at sinong nagsend sa kanya...pero hindi na sya pinahirapan pa dahil nagpakilala ang nagpasa ng picture)

..YES ITS ME TASH..ALEX VILLEGAS.ok ba yung pagkakapicture ko??...(napaawang ang bibig ni natasha..)
Natasha: all this time alex..tlagang ikaw..ikaw at ng pamilya mo mga hayup kayo!!!
"Wanna take this?? "(Sabi ng message triny tawagan ni natasha ang number..pero hindi iyon makontact)
"I know na gusto mo akong tawagan..bakit tash naging enteresado ka ngayon sakin bigla mo ba ako minahal ngayon tash?..bigla mo ba ako namiss man lang?..well kung di tlaga kita mapigilang mamiss ako meet me in this place...natasha..wag na wag kang magkamaling tumawag ng pulis wala silang malay sa date nating dalawa ngyon..bka may kasama kang nagkukunyaring sibilyan ganun..wag kang magkakamali tash dahil malay mo yong cover lang tong pinapakita ko at di naman Tlga yong ibedensya mo e di sayang naman tash kung magsasama ka...(maya maya'y nagmadali syang magtype ng sasabhin...)
Natasha: cge saan ang location mo...
*at nagsend nmn ang kausap..agad agad na pinaandar ni natasha ang sasakyan at pinuntahan ang place kung saan sabi ni alex naroon sya...may isa doong table na may mga candles...yung preparation ay parang magdedate..palapit sya ng palapit sa table at bigla naman litaw ni alex at nag abot sa kanya ng flowers..pero di nya alam kung tatanggapin nya ba o hindi*
Alex: come on tash...(tinanggap nalang din ang bulaklak kasi kinakabahan sya sa pwedeng gawin ni alex.)
Alex: relax natasha..take a sit.(at naupo na si natasha).
Natasha: pano mo nakuha ang mga ibedensya ko alex.
Alex: tash huminahon ka..actually kinuha ko lang to sa bahay..imagine mo natasha..
kinokontra ko ang pamilya ko alang alang sayo...pero napakasama ng tingin mo sakin...kahit gaano ako nagpakabait sa inyo masama parin ang tingin mo sakin..isipin mo natasha..kung tutuusin matagal ko ng alam na si patricia at si katherine ay iisa..pero bakit buhay at maayos pa sya ngyon..ikaw lang ang nag iisip na masama ako natasha..
*Natahimik lang si natasha dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman ng oras na yun.*
Alex: o sige tash total naman masama naman na ang tingin mo sakin..bakit di ko nalang totohanin dba..tlaga bang gustong gusto mo tong ibedensya??
(Tumango tango naman si natasha..)
Natasha: ibigay mo sakin yan alex..
pinaghirapan kong hanapin yan..
Alex: anong akala mo sakin tash..sarili kong pamilya ilalaglag ko?
Natasha: ano ba ang gusto mo alex..pera alahas ibibigay ko..ibigay mo sakin yan..(wala na sa loob na sabi ni natasha) .
*tama bang tanungin nya ng ganun ang taong mas mapera pa ata sa kanya..at pinagmasdan sya ni alex.*
Alex: .well..cge tash..ibibigay ko sayo ang ibedensya mo pero sa isang kundisyon..
*Kinabahan si natasha pero hindi nya pinapahalata kay alex..kelangan nya maging matapang..*
Alex: total masama naman ako diba..ibibigay ko sayo ang ibidensyang to kapalit ang makasama ka ng isang buong gabi..
*Tuluyan ng kumabog ang dibdib ni natasha..*
Alex: isipin mo natasha..handa kong ipahamak ang pamilya ko para lamang maangkin ka ng buong gabi...ganon kaginto ang tingin ko sayo natasha..kahit na ikaw masamang tao ang tingin mo sakin..
*pero dahil sa napansin ni alex na natulala si natasha..*
Alex: hindi ko naman sinasabing ngayon na tash..alam mo naman ang number ko diba?alam mo kung pano ako makokontact..kung ayaw mo naman .tuluyan ko ng susunugin ang ibedensyang to sayang naman dba..isang gabi lang natasha..eto lahat ng kelangan mo..take it or leave it..hihintayin ko ang sagot mo in two days.(saka tinalikuran na ang tulalang natasha.)

*Nakaalis na si alex na nakatingin parin sa malayo si natasha..sapo sapo ng isang kamay nya yung noo nya..*
Natasha: bakit ba napakasama ng mga taong to...napapaisip sya na what if hindi sya dumating sa pilipinas. .ano na ang ginawa ng mga eto sa nakakaawang katherine nya..(napatingin sya sa langit.).
*marahil ay kaya hindi natuloy ang pagdodoktor nya at abugado ang natapos nya dahil ang pinakamamahal nya ang mangangailangan sa knya..lagi tlgang may dahilan ang lahat..tumingala sya sa langit at*

Natasha:"Heto napo ako...tutulungan ko na syang lubos na nangangailangan sakin..gabay mo nalang din po ang kelangan ko at kelangan ni kath pakiusap po..(naiiyak nyang dasal habang nakatingala.)



*******************************************

End of this intense chapter ....

*Shei lie

AT YOUR WORST  (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon