AT YOUR WORST

378 23 3
                                    








AT YOUR WORST

Author: Shei lie/ Anne lie

Chapter29:(book2)

Natasha's pov

*Nsa meeting conference sya ng tumawag ang mga kaibigan..may importante daw sasabhin sa kanya kaya eto't papunta sya sa meeting place nila kung saan nagbanggit ang mga eto..ng makarating na sya sa isang mamahaling restaurant ay nakita na nya ang mga eto mga nakaupo sa mahabang lamesa para sa kanilang grupo...pagdating nya ay tumayo ang mga eto para ibeso sya.*
Red: dipa tlaga kami umoorder kasi inaantay ka namin..(tumango naman sya saka umupo)
*..napansin nya si timothy na may dalang white roses.*
Natasha: para sa akin ba yan?
Daphne: hindi!.. wag kang mag alala maya maya lang may magbibigay na sayo nyan...
Red: para yan sa taong matagal nya ng lihim na iniibig...pero di nya maporma pormahan...
Natasha: tlaga lang timothy
Timothy: kailangan na eh baka dumating ang araw masulot na naman...
*Siniko ni mandy si timothy.*
Red: oyyy andito na pala ang prince charming natin...sabay sabay nagtinginan ang mga kaibigan nya galing sa likuran nya kaya't napalingon din sya...(napanganga nalang sya sa gulat ng makilala kung sino pa ang inaantay ng mga eto.)
"ALEX?"
*gulat na sambit ni natasha na parang napasigaw pa ata sya
Ubod ng tamis ng ngiti ni alex ng bumati eto sa knya*
Alex: ohh tash...it was 8 long years
*Ndi malaman ni natasha kung pano babatiin si alex pinagmamasdan nya eto mula ulo hanggang paa...parang lalo etong tumangkad at malinis ang itsura...naka americana at jeans eto at may puting shirt sa ilalim .mukha etong matipuno at gumwapo lalo...lalo na ng ngumiti sa kanya.
Hindi man sya nakapagsalita agad inabutan naman sya agad ng white roses neto.*
Alex: ayan parin ang gusto kong ibigay na flowers sayo...dahil sumisimbolo yan ng pagkatao ko para sayo (tinanggap naman eto ni natasha..)
Natasha: thank you..
*At kagaya ng nakasanayan ay sa tabi nya eto umupo at nagkunyari ang mga kaibigan nya na nag uusap usap at may kausap sa phone...siguro para magkasarilinan sila ng kumustahan ni alex.*
Alex: so how are you tash...balita ko isa kna daw batikang abugado sa U.S. ..at hindi pa yan...meron kapang isang masters degree... nakakaproud tash...isipin mo dati uuhug uhugin kalang ng makilala kita ngayon napakasopistikada mo na...kung hindi kalang ngumingiti ngyon sakin matatakot tlaga ako kausapin ka..(anito.)
Natasha: nagsikap lang ako alex..ginawa ko lang inspirasyon ang buhay namin ni tatay para lalo akong magsikap.
e ikaw kmusta pasensya kana masyado lang kasi ako naging focus sa trabaho at studies ko kaya wala akong balita kahit ano dito sa pilipinas.
Alex:(tumango tango at patingin tingin sa mga kaibigan ni natasha) ahh i see.Enginer na ako ngayon tash at naka destino ako sa pampanga right now kasi may malaki akong project so dahil andito ka rin lang at nasa pampanga lang din ako malaya kitang puntahan anytime
*Napatingin ang mga kaibigan ni natasha sa kanilang dalawa.)
Timothy: good yan bro wag ng magpatumpik tumpik pa...sinusunggaban agad yan.
Red: nagsalita ang matagal ng torpe ..
*Napakamot sa ulo si timothy kaya't umalis na lamang eto at binitbit na ang dalang bouquet na bulaklak*
Alex: oh bro san ang punta ba't naman aalis ka agad e ngayon lang tayo ulit nagkakasama.
Mandy: hayaan mo sya...pupunta yan don sa liligawan nya...tingnan natin kung maibigay nya yan...hahaha...makita palang nya yun gusto ng mahimatay eh ang mag abot pa kaya ng bulaklak.
*Sinundan ng tingin ni natasha si timothy...hindi parin nagbabago ang pagiging torpe neto.*
Natasha: sinong ang naginvite sayo dto?yang mga kaibigan ko ba ang nagsabi sayo na andito na ako?
Alex: yes tash,actually matagal na kaming mga nagkakausap about you...nakafollow pa nga ako sa mga social media mo ewan ko kung pansin mo. Marami rami din kasi followers mo kaya siguro hindi mo napapansin yung name ko
Natasha: ah oo..hindi ko nadin kasi naiisa isa yun basta nagpopost lang ako sa mga whereabouts ko..ok na yun.
*Natapos ang oras ni natasha na puro kmustahan sila ni alex siguro dahil sa pagkasabik nya sa nakaraan ay hindi nya na napansin pa ang oras...nalaman nya na ganun na pla kaclose si timothy at alex kaya pla di malabong kasama na eto sa tropa ng mga kaibigan nya at si timothy din ang reason kung bakit nasa harapan nya si alex ngyon...maya maya ay nagpaalamanan na sila...bitbit nya ang flowers na binigay ni alex ng nakarating sa parking lot...may bumusina sa kanyang honda sports...nagbaba eto ng bintana at si alex ang nsa loob neto ska bumaba..*
Alex: heyyy cooool..ang ganda ng kotse mo..ferrari?? oh my God tash..youre a damn amazing..napapailing eto habang binigkas ang mga katagang yun...I'm so proud of you.
Natasha:(napapangiti)...thank you alex..nagsumikap lang syempre kapag nagsumikap ka may mararating ka tlaga.
Alex: well pwede ba ako minsan sumakay jan...or magdrive man lang...i mean ipagdrive ka.
Natasha: bakit maganda din naman yang kotse mo ah...honda civic sports.
Alex: pero parang mas masarap idrive yang ferrari mo..i hope one of this days maipagdrive kita gamit yang ferrari mo natasha.
*Patango tango lng si natasha.*
Natasha: ok then alex..magpapaalam na ako ha daan pa kasi akong opisina...(ska sumakay sa kotse nya ngunit pinigil sya ni alex..)
Alex: anong nangyari dito..ang tinuro ay ang binato ni patricia na side mirror.
Natasha: wala yan it's just an accident..(maiksing sagot ni natasha)
Alex: gusto mo samahan kita ngayon may kilala ako na magaling gumawa na parang wlang nangyari..habang ginagawa ang kotse mo ako muna ang maghahatid sundo sayo tash.
*Tumanggi naman si natasha*
Natasha: not now alex..im so busy wala pa akong time ipagawa to.
Alex: kaya nga sakin kalang muna makikisakay..
*natawa nalang si natasha sa pagiging makulit ni alex di parin eto nagbabgo makulit parin.*
Natasha: ok sige sabihin ko nalang sayo kung kelan... Sa ngayon kasi medyo busy pa tlaga ako i need this car para sa mga importante kong pinupuntahang meeting.
Alex: o sige tash aantayin ko kung kelan ha..(nakangiti eto na parang ngiting tagumpay...)
*nakaalis na si alex ng maisip nya yung babaeng nagbasag ng side mirror nya...the girl who broke her mirror and the employee ay iisa anliit naman ng mundo naisip nya yung nsa conference room kahit naiinis sya ay si katherine ang nakikita nyang mukha dto...oo alam nyang marami tlagang magkakamukha sa mundo..pero kamukha nya eh...kaya lang tisay tong empleyado nya hindi pwedeng maging si katherine...kahit naman nong nagkakape din sya nong galing sya sa club pakiramdam nya si katherine din yun..*
Natasha: ahhhh..ano kaba natasha..kung san san mo nalang nakikita ang mukha nya...kinalimutan mo na sya dba?? kaya nga pinilit kong wag syang pagusapan kanina...(at nagtaka din naman sya sa mga kaibigan nya dahil di rin tlaga nagpakabanggit banggit ng mga eto ng pangalan ni katherine...)
*nakabalik na si natasha sa opisina wala ng mga empleyado roon mangilan ngilan nalang mga night shift..dala dala nya ang mga white roses ni alex ioorganise nya yun bukas inilagay nya muna sa dalawang malaking vase at nilagyan ng tubig...pagtapos ay nagsulat sandali ng memo at mga gagawin para bukas ska nilisan ang companya...nagutom sya kaya't nag isip sya ng makakainan..
tinatamad syang kumain sa mga restaurant kasi madalas mukhang masarap pero pagkinain mo na wala namang lasa..*
Natasha: ah alam ko na..(ska naisip nyang balikan ang pinuntahan nyang  lugawan nong gabing hilong hilo sya..)
Natasha: masarap kasi ang lugaw nila..kahit lasing ako non lasang lasa ko ang sarap at linis...(ska sya sumakay sa sasakyan at nagtungo sa kainan na nasa isip)

     Patricia's pov

*Anong oras na ng nakauwi sya galing school kaya nagmamadali na naman syang umuwi para magbihis at makahalik sa kapatid..ng pagakyat nya ng bahay andon si timothy may mga dala etong gift*
Patricia: hello tim..sorry ha nagmamadali kasi ako eh..
Timothy: its ok..(sabay tago ng bulaklak nya sa likod)..may iaabot lang sana akong gift kay niko...(sabay tawag kay niko at lumapit din naman agad yung bata)
*Pero bago kunin ni niko ang gift kay timothy ay napatingin muna eto sa kanya na para bang nagpapaalam kung kukunin nya ba..
Tumango tango naman sya..*
Patricia: pwede mo syang kunin ngayon niko kasi nageffort pumunta dito ang kuya timothy mo para ibili ka ng gift..(sabay baling kay timothy..)
Patricia: tim pakiusap lng..wag mo ng uulitin to ha...may rules ako sa kapatid ko bka mamaya ay masanay yan sa mga binibigay mo..
Timothy: patricia,kaligayahan kong ibigay ang nagpapasaya sayo este sa kapatid mo. Makita ko lng masaya ka i mean yung kapatid mo ay sobrang saya ko na din...e ano lng naman yang mga yan..mayaman kaya ako (pagmamalaki ni timothy.)
*Sumabat naman si niko*
Niko: ayun nga po kuya tim eh..mas lalong hindi ko daw po dapat tanggapin pag nanggaling sa mayaman eh.
Timothy: sssshhhh..niko niko...mayaman ako oo pero hindi ako ibang tao remember??pwede mo tanggapin ang mga galing sakin ok..(sabi neto na tumingin kay patricia..)
Patricia: aalis na ako timothy..malelate na ako.( Sabay baling sa kapatid),bye tulog na kayo ni lola ha..pakabait ka..(at tumango nmn ang bata.)
Timothy: para hindi ka malate sumakay kana ng kotse ko..(pumayag naman si patricia dahil matalik naman nya etong kaibigan)
*.habang patungo sa kotse ay aatras atras maglakad si  timothy  dahil tinatago nya ang bulaklak na dapat ay ibibigay nya dito pero nauunahan sya ng kaba.*
Timothy: pano ko ba eto ibibigay baka mamaya pagnalaman nyang matagal ko na syang gusto iwasan na nya ako imbes na nakakalapit pa ako sa kanya ngayon (minabuti nalang ni timothy na itago nalang sa backseat ang bouquet na bulaklak.)
*Naghanap lang ng mapapagparkingan si timothy at hinatid nya na sa loob ng pinagtatrabahuang lugawan si patricia..*
Timothy: ano ba naman patricia..may mga business kaming mga kaibigan mo bakit dika samin pumasok bakit dito pa.
Patrica: e ano naman ang problema dito tim..
Timothy: pat kasii..
*nsa ganun silang paguusap ng may elegante at humahalimuyak na amoy ang dumaan sa kanila..napatingin sila pareho ni timothy..naramdaman ata neto na nakatingin sila kaya't lumingon eto sa gawi nila..pare parehong nanlaki ang mga mata nila..*
Timothy: sh!!!t natasha??
Patricia: yung executive namin..
*Pero hindi nagsalita si natasha nanatiling nakatitig sa kanila..hindi nila makita ang expresion ng mukha neto kasi nakasunglass na naman eto kahit gabi. Pero halata rin ang sobrang pagkagulat neto.*



*******************************************

HAPPY NEW YEAR sa inyo dear readers..kmusta kayo...guys bka naman pwedeng wag puro next magbigay din naman po kayo ng feedback para ganahan din naman si author...enjoy reading thank you😘

*shei lie





AT YOUR WORST  (book 2)Where stories live. Discover now