AT YOUR WORST

439 27 3
                                    




AT YOUR WORST

Author: Shei/Anne lie

Chapter35(book2)

Natasha's pov

*Habang nasa loob ng opisina ay hindi mapakali si natasha dahil mula ng mapanood nya sa cctv footage si patricia ay lagi na syang nagaalala dto..*
Natasha: di pwedeng wala man lang akong magawa sa kanya...bka may nararamdaman sya kelangan ko syang tulungan..(aniya sa sarili)
*.lumabas sya ng opisina at bumaba para makita kung pumasok si patricia...di naman sya nabigo nandodoon nga eto...kaya't lumakad sya at kahit malayo layo ang kinaroroonan nya ay medyo nilakasan nalang nya ang boses*
Natasha: ahhmm..gusto ko sanang sabihin sa inyo na ng dahil sa sipag ninyo ay meron kayong pabuya sa akin...sabi nya para maagaw nya ang atensyon ni patricia...lahat kayo ay itetreat ko sa canteen at cafeteria this lunch time.. orderin nyo lang ang mga gusto nyo.(sabi nya)
*..kahit sya ay nagulat sa sinabi nya..
isang tao lang ang gusto nyang makuha ang atensyon pero napagastos pa sya sa 3500 empleyado...tuwang tuwa naman ang mga empleyado walang humpay ang mga pasasalamat at mga ngiti...dahil nsa di kalayuang tapat lang sya sinulyapan nya si patricia kung natutuwa din ba..ngunit seryoso eto at nakatingin din sa kanya...*
Natasha: ang hirap naman nya pasayahin...(kaya't tumalikod nalang sya at bumalik sa office)
*... maya't maya nya sinisilip si patricia bka natutuwa na eto...pero wala tlaga ang seryoso..kaya para hindi na sya mag isip ay isinubsob na nya ang sarili sa trabaho..12 na ng marinig nya ang bell..nagugutom narin sya kelngan nya maglunch kasi hindi sya nagbreakfast...kaya't lumabas sya ng opisina...tiningnan nya ang department ni patricia wala pa eto roon at nagpunta sya sa canteen andaming bumati sa kanya at nagpasalamat..*
"grabe noh..halos mahigit isang buwan palang sya dito pero ang galing nya na magpalakad..."
"Magtataka kapa eh abugada yan napaka strikta pero kita mo naman nababawasan na ang mga mapagsamantala sa kompanya natin"
"Napakaganda pa at seksi.."
"Kaya nga naku kong ako boyfriend nyan mata lang walang latay sakin nyan..sasagarin ko tlga..nakakagigil ang ganda eh"(sabi ng mga empleyadong sya ang pinaguusapan.)
*Ewan kung pinaririnig ba ng mga empleyadong eto ang mga sinasabi para sa kanya. Umalis nalang si natasha kelangan nya pang makita si patricia bka kung napapano na naman to...para mapadali ang paghahanap nya ay pumunta sya sa cctv studio at pinahanap nya sa operator si patricia...nakita nila eto sa guardhouse at may kausap kaya dali dali syang lumabas papuntang guardhouse at natigilan sya ng si timothy ang nakita nyang kausap neto kaya't lumapit sya sa dalawa.*
Natasha: hey timothy..so early ng panliligaw..(sabi nya na nakatingin kay patricia)
Timothy::i bought some seafood for patricia for her lunch.
Natasha: no need tim...naitreat ko na silang lahat na employee ko kaya may food na for lunch si patricia.
Timothy: pero yang dala ko for lunch ni patricia ay wala yan dyan sa loob for sure...kaya pabayaan mo nalang natasha...(at inabot na kay patricia yung pagkain) *tinanggap naman iyon ni patricia.
Hindi alam ni natasha kung anong mararamdaman nya ng oras na yun kung mapapahiya ba sya ska yung kurot sa dibdib nya.*
Natasha: bakit kapa kasi nagpunta dito alam mo namang nagliligawan yang dalawa natasha..(sabi nya sa sarili)
*.tumango tango nalang si natasha ng tinanggap ni patricia ang dalang pagkain ni timothy..*
Timothy: wait honey, there's some..(at dali dali etong pumunta sa kotse at may dalang 3pcs na mix colors na roses.)
Timothy: 3pcs colors af roses patricia para sa makulay kong-
*Natigilan maski si natasha..diyatat bigla netong naalala na torpe sya.*
Timothy: para sa makukulay nating buhay patricia.(natawa si patricia sa pagkasabi na yun ni timothy)
*..nakaramdam ng panibugho si natasha...para lang kunin ang atensyon ni patricia ay nailibre nya ang lahat ng empleyado sa pabrika na yun...at si timothy at eto effortless foods lang at 3pcs if roses pero kitang kita nya ang mga pag ngiti at pagtawa ni patricia.*
Natasha: ok atleast nabawasan ng isa ang nilibre ko naging 3499 nalang sila kasi hindi naman gusto ni patricia ang panlilibre ko..sana pla bumili nalang ako ng seafood baka sakaling makita ko ang mga ngiti at tawa na yan ay para sa akin...ska kinuha ang susi sa bulsa at  pinaandar ang ferrari*

*Habang nagdadrive ay hindi nya malaman kung saan ba sya kakain..parang wala naman syang gana...pero kelngan malamnan ang sikmura nya dahil lately madalas na ang pag eemail sa kanya ng may ari ng companya kelngan lagi isend ang report...pagbalik nya sa office ay nagpaka busy nalang at tumutok sa trabaho si natasha...siguro hindi na nya gagambalain pa si patricia..kung ano man ang meron sa kanya baka kaya na nyang ihandle..isa pa noong nakaraang hinatid nya eto sa bahay ay binuhat ni timothy si patricia..*
Natasha: bka kasi nararamdaman ni timothy na malapit na silang maging sila ni patricia..kasi mukha naman lahat ng ginagawang efforts  ni timothy ay tuwang tuwa sya...bka pati yung nararamdaman nya ay alam ni timothy...kaya bakit paba ako mangingi alam pa sa kanila...isantabi mo na ang mga iniisip at pagaalala natasha...meron naman nag aalaga doon hayaan mo nalang sila."(kayat magmula noon ay hindi lumilingon pa si natasha sa department ni patricia)
*...hindi narin sya nagpunta pa ng lugawan...bahay trabaho nalang muna sya..minsan naiisip nyang magpunta ng bar/club pero nadala pa sya sa nangyaring minsan ay naghatid sa kanya..palaisipan man sa kanya kung sino yun pero sa ngyon ayaw nya munang dagdagan ang dami ng iniisp nya lalo na sobrang dami nyang trabaho sa opisina...

Patricia"s pov

*Simula ng inatake sya sa kumpanya ay sinikap nyang hindi na ma late at makatulog para wala ng dahilan ang executive na mapagalitan sya...hindi nya maintindihan na simula noon ay gusto na syang kausapin ng executive...tapos lately hindi na nya eto nakikita..papasok eto sa opisina tapos labasan na ay hindi parin lumalabas...sure naman sya na nasa loob pa eto kasi nasa parking pa ang magarang kotse neto...lumapit si patricia sa kotse at pinagmasdan..ska tumango tango.*

Patricia: "i just wonder how it feels..when you leave someone for your highly dreams natasha...are you satisfied now??(iiling iling na nilisan nya ang magarang sasakyan ni natasha.)

*Sunod na araw ay nag set ng araw ng pagkikita ang mga magkakaibigan..
nagtawagan sila sa groupchat..kahit na busy si natasha at subsob sa trabaho ay naka join parin naman sya sa mga kaibigan dahil nakatapat lang ang phone nya sa kanya habang busy naman ang mga kamay at mata nya sa laptop nya.*
Daphne: oh guys..kasama natin si patricia ha..medyo behave tayo para kay timothy ,
Red: oo na para kay timothy lang..pero siguro naman sanay na satin yang si trish kaya hayaan nang mga mag ligalig tayo.
Mandy: at ikaw dyan natasha..alam namin na kahit busy ka kakadotdot dyan sa trabaho..
wag na wag na hindi ka pupunta ha...(tumango nalang si natasha)
Daphne: actually guys..dalawang beses tong set natin..etong unang set hindi natin kasama si alex kasi gawa ng mga ka batchmate nya lagi nya kabonding..pero sa pangalawang set kasama na natin...wag tayong mawawala ha reunion na natin to kumbaga.
*Wla rin sa loob ni natasha ang tumango tango...ng araw din ng unang unang set ng mga kaibigan ni natasha ay late na sya nakarating...andoon na lahat ng kaibigan nya pati si patricia...maski yung lola at si niko...lumapit sya kay  niko at nagmano sa lola ni patricia..*
Natasha: hi po..hi niko baby...(yung gilid ng mga mata nya ay hinahanap si patricia..ngunit hindi nya eto mahagilap) *maski si timothy ay wala marahil ay magkasama na naman yung dalawa..siguro gusto narin ni patricia si timothy..*
Natasha: hmmm makakatikim na kaya ako ng sabaw na galing sa kasal?(sabi nya sa sarili na napapatawa nalang pero biglang nalungkot)
*..pero winaksi nya ang lungkot na yon kasi wala naman syang karapatan at nagpatuloy na sya.. campaign nila etong magbabarkada..ang mga kaibigan nya ang nag set dito syempre dahil ngayon lang sya umuwi di pwedeng di nya  sisiputin ang mga kaibigan...ng gumabi na ay nag kanya kanya sila ng gawain..may gumagawa ng tent..may nagluluto..may nagsisiga may nagiihaw..pero nakatuon lang ang pansin nya sa parang isang masayang pamilya..si patricia na naghahain katulong si timothy at niko ska itinuturo ni lola kung anong dapat gawin ng tatlo sa paghain nagtatawanan si patricia at timothy pati narin ang batang si niko..medyo lumayo sya hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya...bakit ba sya naiinggit...bakit ba parang gusto nya isipin "ako si patricia at si niko ang dapat na tinuturuan ni lola."bakit sa naisip nyang ganun ay parang tumutulo yung luha nya...bakit sya umiiyak??..para saan??*


*******************************************

That's it na muna guys... medyo hindi pa magaling Author nyo... enjoy reading  📚 😊


*shei lie

AT YOUR WORST  (book 2)Where stories live. Discover now