Chapter 5

11 0 0
                                    

-BELLA-

Sinamahan nga ako nito. Alas otso na ng gabi pero walang kahit anino ni Tita. Nasaan ba siya?

"It's cold already. Sumama ka nalang sa akin."

"Hindi pwede. Hintayin ko nalang siya. Umuwi ka na."

"No! Magkakasakit ka."

Hinila niya ang kamay ko papasok sa kotse. "Let's go. Kuya Nomer, paandarin mo na." Utos nito agad sa kanyang driver. 

"Saan mo ako dadalhin?''

"Sa motel." Sinapak ko kaagad. Parang sira talaga. Kung ano-ano nalang sinasabi.

"Umayos ka nga! Kuya pakibalik ako.''

"Sa apartment ko. I'll bring you there. I won't eat you unless you told me."

Nakakainis talaga! Nanahimik na lang ako. Bakit ba kasi napakamalas ko pag siya kasama ko?

VILLAVERDE APARTMENT HOUSE

Malaking karatula kaagad ang bumungad sa amin. "Sir, sabi ni Maam Monika, kailangan mo daw umuwi sa inyo."

"Kuya Nomer, tell her, I won't go home unless that adopted son of him goes back where he belongs."

"Hindi naman po siya adopted sir."

"Kuya Nomer, umuwi ka nalang. Baka gusto mo, hindi na ako magpapasundo sa inyo." Napailing nalang ito si Kuya Nomer. Pagka-alis ng kotse ay hinila ako papasok ni Villaverde.

"Wala naman yatang tao dito."

"Of course! Wala. Ongoing pa ang construction nito."

"Ano?! Di pala tayo pwede pumasok. At saka baka hindi ligtas."

"Tsk! We don't use cheap materials. Nasa kabilang side ang hindi pa tapos kaya safe. Halika na!''

Nasa taas pala ang kwarto niya. Akala ko maliit lang ito pero may kama at sariling kitchen area. May sarili din itong banyo. Walang halos nakalagay sa kwarto kundi lampshade at maliit na table.

"Saan ang mga damit mo?" Tinuro nito ang isang maliit na cabinet nasa gilid ng kanyang kama.

Nakatihaya na ito sa kanyang kama at nakaunan ang kanyang ulo sa braso. Habang nagkakalkal sa cellphone niya.

Umupo ako sa stool na malapit sa kanyang maliit na table. "Matagal ka na ba dito?"

"Since Dad passed away. It's his project to build an apartment. Dito kasi siya nag-umpisa bago naging CEO."

"Sorry for your loss."

"It's okay."

Tahimik na naman kami ulit. Wala na akong masabi sa kanya.

"Gutom ka na ba?''

Napalingon ako dito. Nakaupo na pala siya at nakalapag na ang cellphone sa kama. "Ipagluluto mo ba ako?''

"Are you challenging me? I know how to cook."Sabay kindat sa akin. Inirapan ko nga. Ang hangin masyado.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Yumuko pa ito ng konti kaya dangkal nalang lapit ng mukha namin. "Watch me, munchkin." Sabi nito habang nakangisi sa akin. Lumabas na naman dimple niya kaya nakatulala na naman ako.

Ilang beses akong umiling para iwala sa isip ko ang dimple niya. Bwisit naman oh!

Naamoy ko na ang ginisang bawang at sibuyas. Dahil curious ako pinuntahan ko siya sa kusina para manood. Hinubad na nito ang kanyang polo at tanging apron nalang ako nakatakip sa kanyang dibdib. Sobrang kinis pala ng mokong na 'to. Ano kaya skin care niya? Napangiti nalang ako sa kabaliwan na pumasok sa utak ko ngayon.

His Pervert Gentleman Where stories live. Discover now