Chapter 4

7 0 0
                                    

-BELLA-

"Anong eksena yung kahapon, Bella?" Hindi ako sumagot kay Jelly. Wala naman akong intensyon na ipahiya siya.

"Bella, hoy!''

"Wala yun. Ayaw ko ng maalala."

"Ayaw maalala? O concern ka dahil baka nasaktan mo siya?''

Sarap niyang sapakin sa mukha. Sumandig ako sa upuan.

"Magpaliwanag ka nalang."

"Ano?! Sira Ka ba?''

"Joke lang. Pinapagaan ko lang ang sitwasyon."

Hanggang matapos ang morning class namin ay wala pa din ako sa mood. Pagpunta namin sa canteen, akala ko bubungad siya. Hay! Bakit ko siya hinahanap?

Natapos din ang klase namin sa hapon kaya naglakad akong mag-isa sa hallway dahil si Jelly ay may rehearsal na naman.  Paglabas ko, nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang babae. Nakangiti pa ang loko. Hay! What do I expect? Playboy nga pala ang tulad niya.

Tahimik kong binabagtas ang daan ng may mga babaeng nanghila sa akin. Sinandal nila ako sa pader. Si Monica pala at ang mga alipores niya.

"Malandi Ka talaga! Ito sam--,"mabilis kong nahawakan ang pulsuhan niya.

"Subukan mo babae ka!''

"Hold her girls!" Ang dalawa niyang kasamahan ay hinawakan ako sa braso.
Dahil sa pagpupumiglas ko ay nabitawan ko si Monica.

Agad ako nitong sinampal. Bwisit siya! Sinampal niya ako ulit sa kabila. Namumuro na talaga.

"Alam mo, nakakainis Ka! I hate you!''

"Paki ko sa hate mo." Hinila niya ang buhok ko at pinaharap ako sa kanya. Naiinis talaga ako sa lipstick niya. Mukha siyang payaso.

"Hindi ang isang tulad mo ang mapapansin ni Johannes."

"Talaga?" Pang-aasar ko. Sumama ang timpla ng mukha niya.

"Oh girls, what is your business there?'' Bakit nandito ang Villaverde na 'to? Ayaw kong Makita niya ako sa ganitong sitwasyon.

"Hi Johannes." Nagpapacute na pagbati nila dito. Kinuha ko ang sitwasyon na yun para kumalas sa dalawa. Palihim akong naglakad palayo. Hinawakan ko pa  ang pisngi ko. Magtataka si Tita nito at sesermunan ako pag nagkataon.

Hindi pa yata ako nakakalayo ng may sumulpot sa harapan ko. Dahil abala ako sa paghimas ng pisngi, bumunggo ako sa matigas na bagay. Una kong nakita ang pares ng leather shoes. Inangat ko ang mukha para makita kung sino. Nanlaki ang mata ko ng makilala ito. Si Villaverde na naman!

Hindi ito nagsalita at basta nalang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Seryoso nitong sinisipat ang buong mukha ko. "What marks are these?''

"Blush on.'' Pabalang kong sagot sa kanya. Nakakainis na bumakat talaga ang palad ng babaeng yun sa akin.

Hinila nalang ako nito bigla at ewan ko ba kung saan kami pupunta. Tumigil din siya sa paglakad at napatingin ako sa tinigilan namin. Sa isang pharmacy.

"Ano gagawin natin dito?''

"I'll bought condom.''

"Hoy! Bitawan mo nga ako, Villaverde!'' Napatingin tuloy ang mga customer na lumabas sa loob ng pharmacy.

Hinila na naman ako nito papasok. Bumili ito ng painkiller at mineral water.

"Nagugutom Ka na ba?'' Pagtatanong niya paglabas namin.

His Pervert Gentleman Où les histoires vivent. Découvrez maintenant