Chapter 1

30 1 0
                                    

-BELLA-

"Ang malas ko naman! Late na ako. Nakakainis talaga." Pagrereklamo ko. Panay utos kasi si Tita Caroline. May pinahatid kasi siyang bulaklak sa isang customer.

No choice ako kundi mag-absent sa umagang klase ko. Ang dami ko sanang raket sa campus dahil may nagpapagawa ng kanilang project. Mga tamad kasi. Kasalukuyan akong senior high. Consistent honors kaya naiinis akong maging absent kahit kalahating araw lang.

Pagkatapos ko kumain ng tanghalian ay umalis na ako at sumakay ng taxi. Nakarating naman ako kaagad at diretso pumasok sa campus. Hinanap ko ang room namin. Pagdating ko dun, wala pa halos tao dahil lunch break pa.

"Are you alone or she realize you are a loser?'' Si Monica na naman. Wala talagang matinong lumalabas sa bibig niya.

Wala akong oras sa mga katulad niyang papansin. "Bella! Nandito Ka na pala." Lumingon ako dahil sumigaw pala si Jelly. Best friend ko.

"Oo. Sayang ang morning class dahil hindi ako nakapasok."

"Sus. Para naman malaking kabawasan kaagad yun sa grades mo. Genius ka kaya."

Mahalaga kasi sa akin ang bawat oras lalo sa katulad kong scholar.

Wala na si Monica dito sa room. Lumayas siguro dahil hindi ko pinansin.

"Is Monica bothering you again?" Tanong pa ni Jelly.

"Oo pero hindi ko siya pinansin. Nahiya siguro dahil mukha na siyang tanga kanina." Napangiti nalang si Jelly sa sinabi ko.

Three months nalang at magtatapos na ako sa highschool kaya pinagsisikapan ko para makakuha ng scholarship sa isang university.

Tumunog ang school bell dahil may klase na kami. Si Mrs. Azures ang teacher namin ngayon. Personality Development. Nagsusulat na si ma'am pero itong mga classmates ko parang may sariling mundo. Panay chismis ang iba. Pag recitation, panay reklamo. Nagsasawa na nga siya pag ako ang laging sumasagot.

Dito sa room, dalawa lang kami Jelly ang sumasagot. Pero, sa sayaw nag-eexcell ang kaibigan ko. Nasa honors naman siya pero talagang hindi niya pinapahirapan ang sarili pagdating sa academics.

May iniwan na assignment si maam sa amin bago matapos ang kanyang klase. Ang sunod naman pumasok ay ang oral communication. Si Sir Jeffrey. Ang pinakapaborito ng mga kaklase ko lalo na mga babae.

Natapos din lahat nang panghapon klase ko. Pagkalabas ko may umakbay sa akin. Alam Kong lalaki dahil sa perfume niya. Si Edward na naman siguro ito o di kaya si Leo. Inamoy ko nga.

Si Leo nga. Inangat ko ang mukha ko.

"Bakit ka naman nang-aakbay diyan? Hindi naman tayo tropa." Ngumisi lang ito.

"Bakit nga?''
Kinamot niya muna ang kanyang ulo bago magsalita.

"Baby belle, may urgent project kami."

"Eh, may pera ka ba?" Tumango naman siya kaagad.

"Kailan mo ipapasa?'' pagtatanong ko ulit.

"Sa Monday pa."

Nilahad ko ang kamay ko. Magmukha man akong pera ngayon, ayos lang.

"Paki-tanggal kamay mo."

"Mamaya na." Siniko ko nga ang gilid niya. Napahiwalay naman ito kaagad sa akin.

"Ang sakit naman baby belle."

"Itext mo sa akin lahat ng detalye. Alam mo naman # ko."

"Text? That was old style. May social media ka naman baby, Di ba?"

His Pervert Gentleman Where stories live. Discover now