CHAPTER 8

71 4 0
                                    

PAGOD na lumabas si Justine sa venue ng last meeting conference, hindi niya talaga gustong umattend sa ganitong event pero mahalagang malaman niya din ang galaw sa mundo ng business. She want to rest for a little bit before they go. 

"Until next meeting Ms. Alouette" bati ng isang matandang businessman sa kaniya kung hindi siya nagkakamali ay commercial goods ang hinahandle nito.

Nag-abot ito ng kamay kaya naman nakipagshake hands siya rito "Likewise"

May ilan pang lumabas na bumabati rin sa kaniya. They are also big names in the industry, ilan dito ay kaibigan ng pamilya nila, namumukhaan niya ang mga ito dahil noong nabubuhay pa ang daddy niya ay madalas din siyang isama sa mga ganitong event.

Maraming mga business tycoon ang nakasama niya pero isa ang napansin niya, wala si Threcia rito. Kahit batid niyang tamad ang taong iyon ay hindi niya maipagkakailang magaling ito humandle ng business, napaunlakan siya ng magulang nito sa blind date, hindi niya naman ito maiwasang hindi tanggihan, its just ninang at ninong niya pa rin ang mga magulang nito.

'They assume since I have an ex who is a woman'

"Bree" narinig niyang may tumawag sa pangalan niya, kilala niya kung sino ang taong ito at hindi niya gugustuhing makahalubilo o makipag-usap sa kaniya. Bagkus dire diretso siyang naglakad

"Briseis!" pero naabutan siya nito at hinawakan ang kaniyang kamay. She frown at her. Napaatras naman ang babae pero hindi pa rin siya binitawan.

"Get your filthy hands off me, Eve" madiin niyang sabi, hindi siya nakikipagbiruan at wala siyang balak dahil pagod na pagod na siya.

Itinaas nito ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko. "Chillax! I just want to talk to you my lioness" Justine express her annoyance.

Evgeniya Ivanovna is a family-business friend, lagi niya itong iniiwasan noon tuwing isasama siya ng magulang sa isang business event. She doesn't consider this human being as a friend or even acquaintance of her. Para sa kaniya makating tingnan ang babaeng ito, may sama ng loob si Justine sa kaniya dahil bestfriend nito ang ex niyang si Sidonie. Well hindi lang naman iyon ang dahilan but the rest was a history she doesn't want into venture again.

"What is it?"

"Can we have lunch together?" nagpuppy eyes pa ito sa kaniya, she look at her with disgust 'Ew'

"No" Iniwan niya na itong nakatayo at agad na pumasok sa elevator.

"So mean!" huling dinig niya rito bago sumara ang elevator

Pagdating sa kanilang suite ay nakita niyang wala doon ang sekretarya, kung gaano siya kasipag mag-iwan ng note para malaman ni Camille kung saan siya nagpunta ay siya namang kabaligtaran nito.

'Where did she go?'

Hindi siya nagdalawang isip na idial ang number ng sekretarya niya

"Where are you?" salubong na kilay na tanong niya.

"Ahmm.. ano naglilibot ng facilities"

Bakas ang kaba sa boses nito 'There's definitely something'

Kaya naman nagtanong siya ulit, "Exactly where?" natahimik sandali ang kabilang linya.

'Is she hiding something from me?!'

"A-at t-the bar" sa pagkautal nito ay may narinig siyang halinghing, nagtangis ang bagang ni Justine dahil may ideya siya kung sino iyon.

𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞Where stories live. Discover now