Kabanata 6

24 7 1
                                    

Kabanata 6

Marami ang naging mga sunod na gawain namin sa sumunod na linggo. Naging abala ako sa mga activities na ibinigay, sa pagaaral para sa mga quizzes at sa iba pang mga bagay na may kinalaman sa school.

Somehow I was forgetting the idea that made my heart so mad. Dahil sa pagiging okupado ng utak ko, minsan ay nawawala ang galit at tampo na nararamdaman sa magulang ko.

Hindi naman madaling tanggapin yung desisyon na basta na lamang nila ginawa para sakin, para sa halos magiging kahati ng buhay ko.

The idea that my parents will decide who I marry and when I marry is something I don’t like. Pero ano nga bang magagawa ko? Palagi na lang tradisyon ang sagot diyan. Kailangan naming sumunod bilang pag-respeto which something I don't quite understand.

Sa buong buhay ko ay hindi ako nagpasalamat sa mga tambak na school works na ibinibigay sa amin, ngayon lang. Totoo pala talaga yung sinabi nila na kapag magulo at maraming iniisip ang utak mo, magpapasalamat ka talaga sa mga oras na magiging okupado ito.

Inangat ko ang tingin kay Eloise nang marinig ang malakas na pag-bagsak ng mga salansang na papel sa lamesa. Kita ko agad ang magkasalubong niyang kilay.

“Ano bang kinakagalit mo diyan? Hindi ka naman inaano ng mga papel.” komento ko dahil kanina pa siya nagda-dabog.

I glanced at my cellphone when it vibrates, it was a signal that Blanche had replied to the message I sent. Ka-textmate ko siya habang nandito kami sa bodega. Niyayaya niya ako na kumain daw sa labas, libre niya. Hindi ko naman alam kung pwede ba ako dahil marami rin akong gagawin.

Nu’ng linggo ng gabi ay hindi na ako nakapag-paalam pa kay Blanche na uuwi na ako. It was very childish to say pero sobrang na-badtrip ako sa sinabi ni Andrino sa akin.

Iyon yung bagay na ayaw kong mangyari.

I don’t want my actions to reflect on my future husband. Ayoko na sa bawat galaw o salita ko ay palagi na lang nakabitin yung pangalan ng lalaking mapapangasawa ko.

I was so freakin’ mad that it made me cry.

Ano naman kung maikli ang shorts ko? Ano naman kung ganoon ako manamit? Ikakabawas ba iyon ng pagkatao ko? Ikakabawas ba iyon ng pagiging babae ko?

At ang masakit pa roon. Nanggaling pa talaga kay Andrino. The only person, three years ago, who couldn’t say that because he didn’t like meddling with what I like. Ibang-iba na siya sa ngayon. Pakiramdam ko ay hindi siya ang dating kaibigan ko. Is this sign of maturing?

Blanche Ariadne:

Kasama ko si Andrino tsaka Landro. Ayaw mo pa rin sumama?

Mas lalong ayoko na!

Miyerkules ngayon at tatlong araw ko na rin na hindi pinapansin si Andrino.

Not that I’m talking to him dahil kahit noon pa ay matagal naman na niya akong hindi pinapansin. But when I say ‘hindi pinapansin’, ibig sabihin nu’n ay hindi ko siya tinitingnan manlang, o hinihiling na makausap, o malapitan, o kahit maramdaman ang presensya niya.

Ganoon ako ka-iritado sa kanya.

Everything about him now is irritating me.

“Nakakairita. Gusto ko sabunutan ‘yang bwiset na babae na ‘yan. Napaka-landi niya, Saide. Sobra! Hindi ko alam na may ganyan palang uri ng tao dito sa balat ng lupa!” nagpapa-padyak na aniya.

Nagulat ako sa naging biglaang akto niya. Kanina pa siya hindi nagsasalita, at ngayon ay mukhang sumabog na siya.

Inuutusan kami ng Adviser namin na dalhin ang lahat ng mga papel na hindi na ginagamit sa bodega. We only have a few papers but the warehouse is far away so even though there is air conditioner, we are still
sweating.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now