Kabanata 4

19 6 0
                                    

Kabanata 4

When we got back to the house, the frown on my face quickly disappeared when I saw the man sitting on our couch reading a magazine. Natatakpan man ng magazine ang mukha niya, sa amoy at hitsura pa lang ng katawan at buhok niya ay kilalang-kilala ko na siya.

“Blanche!” I exclaimed in excitement.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang magazine at nang lumitaw ang mga mata niya ay inangatan niya ako ng isang kilay.

He was wearing a corduroy plain shirt in black color that he paired with trousers and a belt in the same color, his sunglasses were still hanging on his chest.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit kahit alam ko na hindi niya gusto na ginagawa ko iyon. Sobrang natuwa lang ako sa hindi ko inaasahang pagdating niya at hindi napigilang asarin siya sa bagay na ayaw na ayaw niya.

“I missed you so much!”

“Ang OA. Pang nang-ibang bansa ang reaksyon mo, huh.” tawa niya nang kumalas ako sa yakap.

He turned to look at Shion and Andrino. Nakipag-fist bump si Shion sa kanya tulad ng palagi nilang ginagawa, tinanguan naman siya ni Andrino at niyakap sa braso.

Hindi ko napigilan ang pag-ngiti habang pinapanood sila, para bang nawala ang inis ko  sa mga sinabi ni Andrino kanina.

Kahit na Anniversary ni Mommy at Daddy mamaya at mayroong magaganap na party, I still didn’t expect Blanche, my cousin, to come home. Hindi ko naman talaga maitatangging sobra ko din siyang na-miss dahil mahigit tatlong buwan din siyang wala dito sa bahay.

Walang nangaasar sa akin sa loob ng mahigit tatlong buwan na iyon, wala yung taong talagang dadayo lang sa bahay para asarin ako because for him, seeing me with a frown, or seeing me with my eyebrows together, or me with a pout, makes his day.

“Kamusta? Ngayon na lang ako ulit nakakita ng pangit.”

Nawala ang ngisi sa labi ko. Parang gusto kong itapon na lang ulit ‘to sa labas.

“I’m fine. Medyo nakakapanibago pala kapag may amoy basura sa bahay?” pangaasar ko pabalik at umakto pang nababahuan.

Natawa kami nang mabilis na nawala ang ngisi sa labi niya. Sobra siyang naco-conscious sa amoy niya kaya iyon palagi ang panabla ko!

Blanche and I had a rather long conversation, or the three of us together with Andrino. I was just sitting on Blanche’s side with a throw pillow resting on my thigh. Nasa tabi ko si Blanche na may iniinom na kape, malamang may jetlag pa siya pero hindi pwedeng matulog dahil may ganap mamayang gabi.

Nasa maliit na couch naman si Andrino, ganoon pa rin ang suot, nakikinig lang sa kuwentuhan namin ni Blanche at paminsan minsan ay ako ang nakikinig sa kuwentuhan nila.

I don’t know if Blanche notices the tension between Andrino and me. Halos hindi manlang namin matingnan ang isa’t isa, o kahit mag-agree sa sinasabi ng isa’t isa.

Mukhang napapansin naman niya pero dahil madalas naman kaming ganoon ni Andrino noon  nakasanayan na niya.

Noong nandito pa si Blanche, iwas na talaga si Andrino sa akin—for some unknown reason. Pero hindi iyon napapansin ni Blanche dahil pare-pareho naman kaming abala sa eskwela. And Andrino and I talked once, but not casually. We talk when our parents want us to say something to each other. May tensyon pa rin. Pero sobrang tanga lang yata talaga nitong pinsan ko at hindi iyon napapansin.

Kalauna’y kami na lang din ni Blanche ang naiwan dahil maghahanda pa si Andrino. Hindi rin naman nagtagal ang walang kwenta naming paguusap ni Blanche dahil ako na ang naunang umakyat dahil magaayos pa ko ng sarili ko.

The Past, We AwaitWhere stories live. Discover now