Chapter 6-Arriving at Beloniå

Magsimula sa umpisa
                                    

"It's better than sleeping outside,right?"nasabi ko nalang saka umupo sa higaan at ang masasabi ko lang ay kailangan kong ilabas ang kutsyon na nabili ko sa earth store dimension ko dahil sa tigas nito.

Ng matapos kong ayusin ang aking tutuluyan ay pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan dahil hapon na,malayo layo ang aking nilakbay dahil nasa bundok pala ako ng 3 linggo.Nilibot ko ang aking paningin dito sa loob at napa buga nalang ng hangin dahil sa sama ng itsura nito.Meron itong isang kahoy na bathtub na puro gasgas na,may toilet din dito na gawa sa kahoy,at timba na may konting tubig na gawa din sa kahoy.Buti nalang at may water magic ako.

Matapos kong maglinis ng banyo at ng katawan ay nagbihis na ako at bumaba sa unang palapag nitong inn para kumain.Kasama na sa bayad ang libreng pagkain dito kaya pumayag na din ako.

Nakasuot ako ng dress,coat at boats na nakuha ko nung unang araw ko dito sa mundo,nagtataka siguro kayo kung bakit ito padin ang suot ko at kung nililinis ko ba ito,well wala naman kase akong ibang damit dahil hindi pa ako nakakabili,yung mga tela na nasa storage box ko ay diko pa muna pinapakalman dahil high quality ito at pwede kong mabenta ng 2 gold coins bawat isa,saka nilalabhan ko naman ito thanks to the slimes na naging familiar ko.Ang cleaner slimes ang kumakain ng mga dumi sa damit ko,plus the fact na pinapakain ko ang tatlong slime ng panlabang sabon at ditergent at dahil dito ay parang bagong laba ang aking damit,and last sa iron slimes kung saan pwede itong maging plantsa kaya parang bagong bili lang ang aking damit.So back to story.

Nakadating na ako dito at nangunot ang noo ng makitang maraming tao sa loob,maingay,may mga lasing na kalalakihan,may mga nagsusugal,may kumakanta,meron ding tahimik lang na kumakain.Nagtungo ako sa isang bakanteng upuan at mabilis na lumapit saakin ang di katandaang babae at tinanong kung ano ang aking oorderin.

Iilan lang ang pagkain sa menu at hindi ito pamilyar saakin,kaya umorder nalang ako ng sa tingin ko ay safe naman kainin.

Habang hinihintay ang aking pagkain ay nilibot ko ulit ang aking paningin,this is the scence na lagi kong nakikita sa mga bar,magulo,maingay pero masaya.Napangiti nalang ako.

Dumating kaagad ang aking pagkain at habang inihahada ito sa aking lamesa ay nagtanong ito saakin.

"Mawalang galang na,miss.Matanong ko lang,traveler kaba?"magiliw na tanong nya kaya napangiti ako.

"Ahh opo,kaya wala pa akong alam sa pasikot sikot sa lugar na ito"nahihiyang sabi ko,ngumiti ito saakin

"Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang inn na ito?"tanong nya kaya kahit nahihiyang tumango ako dito

Ngumiti ito pero hindi na umabot sa kanyang mga mata,

"Sa katunayan nyan iha,matagal ng namayapa ang may ari nito,naiwan ito sa pangangalaga ng nagiisa niya anak pero hindi nito naalagaan ang Luna Inn dahil unang pamamahala palang niya dito ay nagkasakit ng malubha ang kaniyang bunsong anak na babae, at dahil dito ay naubos ang kayamanan ng pamilya niya para lang mapagamot ito,pero sa kasamaang palad ay hindi pa din matukoy kung ano ang sanhi ng sakit nito."malungkot na sabi niya na ikinatahimik ko.

"Nababaon na sa utang itong inn kaya binigyan nalang ito ng 2 linggo para magbukas at binabalak ng kunin ito ng namamahala at gibain para magtayo ng panibagong building"malungkot na ani nito.

"Nasan na po ang anak ng may ari nito at paano na po siya?"takang tanong ko at nakaramdam ng awa para sa may ari nitong inn

"Wala na siyang magagawa pa dahil iyon ang kasunduan nila ng namamahala ng village na ito,binabalak ng pamilya niya na pumunta ng kapitalya para maghanap ng manggagamot na maaaring magbigay ng lunas sa kanilang anak.Hanggang ngayon ay hindi pa din nila sinusukuan ang anak"ani nito na ikinatahimik ko

"Sya sige na at baka lumamig pa 'yang pagkain mo"ng akmang lalakad na sya paalis ay mabilis ko itong pinigilan

"Meron po ba kayong alam na pwedeng pag-applyan ng trabaho?"

"Meron,pero hindi nababagay ang isang katulad mo doon dahil pagbubuhat iyon ng mga mabibigat na bagay"sabi nito at parang may iniisip

Napasimangot naman ako sa narinig

"Pero kung may mahika ka pwede kang mag-apply bilang adventurer doon sa Driknsv Guild,delikado nga lang pero kikita ka ng pera"alinlangang sabi nya na ikina-ngiti ko,yes a guild,ito yung mga nakikita ko na pinag-aaplyan ng mga character sa anime.

Nagumpisa na akong kumain,ang inorder ko ay parang steak na may kulay brown na sauce with lemon, fruits, and rice,maganda ang pagkakaplate dito kaya maganda tingnan.

"Wow"nasabi ko nalang dahil sa sarap ng umpisahan ko na itong kainin,the meat is tender and juicy,perfect din sa sauce na kasama.Tiningnan ko kung anong klaseng karne ito at ganun nalang ang pagtigil ko sa pagnguya ng malaman.Orc meat level 5,napangiti nalang ako kase first time kong makakain nito,lasa syang karneng baboy na inalagaan at pinalaki sa bitamina.A high class meat kung baga.Even the fruits and rice are high level kaya mas lalong masarap maybe because they took great care about raising them.'So this is how it teaste ha',nangngiting usal ko sa isip at nilantakan na ang pagkain.

"Kinulang nga sa mga gamit itong inn pero bumawi naman sila sa pagkain"sabi ko habang ngumunguya.

May naisip na akong idea kung paano kikita ng malaking pera.

Pagkatapos ko kumain ay bumalik na kaagad ako sa aking kwarto at inisip kung ano ang aking gagawin bukas.

"Una ay pupunta ako sa guild para mag-apply,maglilibot libot na din siguro"ani ko.

"Hayst"bumagsak ako sa aking higaan habang nakangiti,

'Goddess Lisha,thank you for another day.'

Di ko na namalayang tuluyan na akong nakatulog dahil sa pagod.

I was reincarnated with an absorb skills!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon