Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng mapansin sa mata ng mommy niya ang sobrang kasiyahan. Napasunod na lang siya ng hilahin siya nito palapit sa lalaki at ng maupo sila sa bakanteng silya. Sa tabi nito ang mommy niya at siya sa katapat.

"Roi, si Ella. Ang nag-iisa at pinakamaganda kong anak. Alam mo namang may anak na ako di ba at byuda sinabi ko na iyon sayo. Sana ay matanggap mo ang anak ko at ituring mo rin na sarili mong anak."

"Wag kang mag-alala hon. Hindi mo pa naiipakilala ang anak mo ay tanggap ko na siya bilang anak. Wag kang mag-alala at babantayan ko siya. Bawal muna dapat ang boyfriend ha. Mag-aral muna ng mabuti," anito na nagbigay ng kilabot na may kasamang takot sa kalamnan niya.

Gusto man niyang sabihin sa mommy niya na hindi niya matatanggap na maging step-father ang lalaking ito. Ngunit hindi naman niya kayang alisin ang saya na nakikita niya sa mukha ng mommy niya. Ganoon din ito noong kasama pa nila ang daddy niya.

"Anak, sana ay matanggap mo ang relasyon namin," wika pa ng mommy niya. "Hindi ko naman nakakalimutan ang daddy mo. Hindi naman siya nawawala dito eh," sabay turo pa ng mommy niya sa puso nito. "Ngunit ng dumating si Roi sa buhay ko. Noon ko lang ulit naranasang maging masaya anak."

"Hangad ko ang kaligayahan mo mommy. Alam ko pong nahirapan ka noong nawala si daddy at alam kong nahihirapan ka ng balikatin akong mag-isa."

"Hindi ganoon Ella. Mahal na mahal kita anak, tulad ng sinasabi sayo palagi ng daddy mo. Ikaw ang kayamanan namin. Ikaw ang kayamanan ko. Nagmahal lang ako anak at si Roi ang ikalawang pag-ibig ko. Sana ay maunawaan mo rin anak ang nararamdaman ko. Mauunawaan mo ako pag nagmahal ka na ng totoo."

Pumasok bigla sa isipan niya si Jarred. Iyong sitwasyon nila kanina na halos maghiwalay sila kahit mahal naman nila ang isa't-isa. Natakot din siyang malayo dito. Hindi niya kaya.

"Sorry po mommy. Naiintindihan ko hayaan po ninyo at unti-unti ay masasanay din po ako kay T-tito Roi," nauutal niyang saad ngunit lalong nagpasaya sa mommy niya.

"Salamat Ella. Nga pala anak, dito na titira ang Tito Roi mo. Isa pa sa mga susunod na tatlong buwan ay nagbabalak na kaming magpakasal. Anak nagpaalam na ako sa pamilya ng daddy mo at pinayagan nila ako," pagsisiwalat ng mommy niya.

Bigla naman ay parang bigla siyang nabingi sa balitang iyon. "Bakit po parang ang biglaan naman po yata?"

"Matagal ko ng sinusuyo ang mommy mo Ella. Sa totoo lang matanda ng limang taon ang mommy mo sa akin. Ngunit naunahan ako ng daddy mo. Mas una kung nakilala si Elizabeth kay sa kay Santiago. Ngunit wala akong lakas ng loob na aminin ang nararamdaman ko. Hanggang sa mabalitaan ko na lang na ikinasal na sila ng daddy mo. Nagkaroon din ako ng kasintahan ngunit hindi kami nagtagal. Hanggang sa naging hindi maganda ang buhay ko. Tapos two years ago nagkita muli kami ng mommy mo. Hindi iyon sinasadya, dahil na rin siguro sa tadhana. Ikinakalungkot ko ang nangyari sa daddy mo. Pero nagkaroon ako ng pag-asa na makuha ang pagmamahal ni Elizabeth. Sana ay hindi mo isipin na mabilis ang lahat dahil labinlimang taon din akong naghintay bago ko nakamtan ang mommy mo," malungkot na saad ni Roi. Napatingin siyang muli sa mukha nito. Wala na ang malisyosong tingin nito sa kanya kanina.

"Namamalikmata lang ba ako kanina? O dahil sa bugso ng damdamin na ngayon lang ako nakakita ng ibang lalaki dito sa bahay?" saad pa ng kanyang isipan ng muli niyang tiningnan ang itsura ng lalaki. Gwapo ito at hindi nalalayo sa itsura ng daddy niya. Kaya talagang magugustuhan ito ng mommy niya. Kung mula pala noon ay may lihim na itong pagsinta dito.

"Sana ay matanggap mo rin ako bilang bagong katuwang ng mommy mo. Hindi ko siya pababayaan at pakamamahalin," dagdag pa ni Roi ng hawakan nito ang kamay ng mommy niya at hinalikan. Hindi niya alam kung bakit pag nakikita niyang masaya ang ina ay lumalambot ang puso niya. Kaya naman isa lang talaga ang kailangan niya ngayon. Ang tanggapin na may iba ng lalaki sa buhay ng kanyang ina maliban sa daddy niya.

"Sana po ay mahalin mo ng lubusan ang mommy ko T-tito R-Roi. Ang mommy ko na lang ang natitira sa akin."

"Nandito na rin ako para sa iyo Ella. Hindi ko man matumbasan ang pagmamahal ng daddy mo sayo. Gagawin ko naman ang lahat para maiparamdam sayong nandito lang ako bilang ikalawang ama mo."

"Salamat Roi," saad ng mommy niya sa kasintahan.

Isang ngiti naman ang ibinigay ni Ella sa dalawa. "Welcome to the family Tito Roi, mahalin mo sana ng buong-buo si mommy at huwag mo sanang sasaktan. Kung ano man po ang desisyon ninyo ay tatanggpin ko po ng maluwag at buong puso. Sa ngayon po ay aakyat na ako sa kwarto ko at kailangan ko na rin pong magpahinga.

"Sige anak, nakalimutan ko na nga palang itanong sayo kung saan ka nanggaling kanina at bakit ganyan ang suot mo. Sobra kasi akong naexcite na ipakilala si Roi sayo."

"Pagkalabas po ng school ay nagtungo po kaming restaurant ni Hanna, nagdate po kaming tatlo ng isa po sa schoolmates namin. Tapos po ay nagpunta po ako sa condo ni Jarred para makapagpahatid po dito. Ay nag-iinuman po sila ng barkada niya kaya po hindi ako kaagad naihatid dito. Gabi na po kasi kaya po nagpahatid na ako."

Lahat ng naman sinabi niya sa mommy niya ay totoo, maliban lang sa ilang detalye na hindi na niya kailangang sabihin sa mommy niya at hindi na dapat nito malaman. Isa pa ay sapat ng tanggapin niya sa loob ng bahay nila ang boyfriend ng mommy niya. "What a coincidence?" bulong pa niya sa isipan. "Kasasagot ko lang kay Jarred tapos ang mommy niya may boyfriend din, na soon to be step-father ko pa," napailing na lang siya sa tumatakbo sa kanyang isipan.

"Ganoon ba? Sige anak matulog ka na, at mag-aalas onse na rin ng gabi. Salamat ulit sa pagtanggap sa relasyon namin ng tito mo. I love you anak," ani Elizabeth at niyakap pa ng mahigpit ang anak.

"I love you too, mommy," sagot na lang niya at hinalikan pa sa pisngi ang ina. "Akyat na po ako sa kwarto ko."

Pinasadahan pa niya ng tingin si Roi na saktong humihigop ng kape, nginitian pa siya nito ng mahuling nakatingin siya rito. Ngiting hindi talaga katulad ng unang tingin niya kanina. Baka talaga maling expression lang iyong nakita niya. Kaya naman kakalimutan na lang niya ang tagpong iyon.

"Sige anak magpahinga ka na."

Iyon lang at tinalikuran na niya ang mga ito. Napangiti pa siya sa isiping pinag-isipan niya ng masama iyong tao. Mabuti na lang at hindi napansin ng mommy niya ang kilabot na naramdaman niya kanina na hindi naman pala niya dapat maramdaman. Mukha namang mabait si Roi at mahal ang mommy niya. Iyon ang nakita niya sa mga mata nito bago siya lumabas mg kusina. Kaya naman mula sa araw na iyon tatanggpin na niyang hindi na lang silang dalawa ng mommy niya ang titira sa bahay na iyon. Dahil ngayon, tatlo na sila.






In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα