Chapter 24

102 5 4
                                    



Isang linggo na ang nakaraan mula nang may nangyari sa amin ni Zeeb. Though he asked me to come with him to his mansion, I declined his offer. Wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ko. Pero heto ako ngayon at binabaybay ang daan papuntang Sta. Fe.

Flashback-


Nakareceive ako ng text mula kay General at pinapapunta ako sa kampo. Agad akong dumiretso sa kanyang opisina pagkarating ko.

"Good morning, General." Ani ko.

"Ah good morning, sergeant. Mabuti naman at nandito ka na. I have another mission for you." Ani nito.

I wonder what it is. So far wala naman akong nababalitaan na nagbabadyang gyera somewhere.

"What is it?" Tanong ko.

"You are being assigned to Sta. Fe this time."

"Sta. Fe? The Devil's place?"

"Yes."

"Anong gagawin ko doon? Ako lang ba or may mga kasama?"

"Alone."

"Bakit po? Anong meron doon at kailangan puntahan?"

"It's confidential." ang tanging sagot lang neto.


End of flashback -


Wala akong nagawa kundi sundin ang iniutos nito. We are trained to follow orders from our superior kaya ano bang magagawa ko kundi sumunod.

Napabuntong-hininga nalang ako ng maalala ang huling usapan namin ng general. Anong confidential naman dito?

Saktong pagkarating ko sa bahay neto ng kakarating lang din neto mula sa kung saan sakay-sakay ang kanyang kabayo. Napakakisig nitong tingnan hawak ang lubid ng kabayo. He looks so damn handsome! Kung hindi lang ito demonyo baka sumama na ako agad dito eh. Kainis naman. Hay!

"Hooo..." Ani nito sa kabayo niya. Ibinaba ko naman ang salamin ng bintana ng kotse.

"Anong sinabi mo kay general at pinapunta ako dito? Wala namang emergency dito ah?" Reklamo ko dito.

"Ganun ako kalakas sa militar." Sabay baba nito sa sinasakyang kabayo at patawa-tawa.

Nainis ako sa tinuran nito. "Bakit parang joke lang sa iyo ang trabaho ko?"

"What do you mean?" Parang wala itong ideya sa ibig kong sabihin.

"Kung iisipin, bayad na ako sa paghiganti mo sa mga dati kung kasamahan dahil may nangyari na sa atin. Ano na naman itong pakulo mo at kailangan pa akong mautusan ng general na pumunta dito?" Hindi ko maitago ang inis ko.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Audrey, are you really gonna talk to me like that? Sa tingin mo ba susunod ako basta-basta sa mga sasabihin mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ako?"

Parang may kakaiba sa awra nito. Bigla kasi itong sumeryoso at biglang dumilim ang anyo.

"I've been so kind to you. I openly expressed to you my feelings. It seems like you are taking me for granted, are you not?"

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan niya lang din ako ng seryoso. Hindi ko ito maintindihan. Nung nakaraan napakasweet niya ngayon parang ibang tao na eto.

'Correction self, ibang demonyo kamo.'

Nakita ko sa gilid ng mata ang paparating na si Nana Magda kaya agad ko itong liningon para maiba ang usapan.

"Magandang umaga ho, Nana Magda." Bati ko dito.

"Magandang umaga din ho-" pero bago matapos nito ang sasabihin ay pinutol ito ni Zeeb.

"Nana Magda, dalhin mo ang mga gamit niya sa silid ko." Ma awtoridad nitong utos saka tumalikod ng hindi tumitingin sa akin.

What's wrong with him? Natanong ko sa isip.

"Pagpasensyahan niyo na po si ama, mainit ang ulo niya netong mga nakaraang araw. Parang may problema kasing hinaharap." Bulong ni Nana Magda.

"Anong problema naman po iyon?" Na curious kong tanong.

"Alerto lang po siya kasi may nakatakas kasing kaluluwa na matagal na niyang ikinulong." Sagot nito.

Anong kaluluwa? Gusto ko pa saang magtanong dito pero nauna na itong maglakad dala ang isang maleta ko.

Bago ako tumuloy ay inilibot ko ang paningin sa paligid. Noong nakaraang buwan lang ay dito ako nakatira kasama ang demonyong iyon. Ang bait-bait pa ng animal, ngayon biglang naging ewan dahil may nakawalang kaluluwa? Pa werdo na ng pa werdo na itong si Zeeb.

Nang matapos ihatid ni Nana Magda ang mga gamit ko sa kwarto ni Zeeb ay lumabas na ito. Napansin kong mayroon gisang aparador na nadagdag. Agad ko itong binuksan at nakitang walang laman. Binuksan ko ang isa, nandoon ang iilang mga damit ni Zeeb. Naisipan kong ilagay sa walang laman na aparador ang mga gamit ko.

Sa kalagitnaan ng paglalagay ng mga damit ay nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Anak..." Narinig kong bumulong sa tainga ko kaya napalingon ako bigla. Walang tao. Baka guni-guni ko lang kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

Maya-maya pa ang nakaramdam ako ng malamig na hangin kaya luminga akong muli.

Ah, bukas pala ang bintana. Lumapit ako doon upang isara. Pero bago ko pa man isara ay napatingin ako sa langit. Uulan yata. Bigla kasing naging makulimlim ang langit. Epekto na nga talaga ito ng global warming kasi kanina ang aliwalas pa eh.

Isasara ko na sana ang bintana nang magawi ang tingin ko sa baba. Isang lalaking naglalakad palayo. Tinitigan ko ito at nagulat dahil pamilyar ang tindig nito.

Pero impossible na ito ang taong iniisip ko kaya winala ko sa isip pero bigla itong lumingon sa akin.

Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ito.

"Papa?" Halos pabulong kong sambit.



To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devils BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon