Kasalukuyan naman na nasa living room si Vladimir na kauuwi lang. Ilan sa maid ang binati ang batang lalaki at tinanong kung gusto nito ng makakain.

Magalang na sumagot si Vladimir ng oo at tinanong kung pwedeng dalhin na lang iyon sa room niya.

"Hey idiot! Saan ka galing at kauuwi mo lang?"

Napatigil si Vladimir at lumingon. Nakita niya si Violet ang anak ng auntie Victoria niya. Halos kasing edaran lang niya ito at sagad sa buto ang gigil sa kaniya.

Napaatras si Vladimir at nanginginig sinabi na marami reporter sa labas ng university. Lumapit ang babae na nasa 8 years old lang din at sinabihan ng sinungaling si Vladimir.

Yakap ni Vladimir ang bag and napansin iyon ng bata. Tinanong ng bata kung may tinatago na naman mga candy si Vladimir.

Agad na kinabahan si Vladimir. Iyong mga candy kasi na binili niya last time kinuha din ni Violet. Tapos kanina binigyan siya ni France ng mga candy ayaw niya ibigay iyon kay Violet.

Agad na hinila iyon ni Vladimir at tatakbo siya pataas nang mabilis siya Hinablot ni Vladimir at nakipag-agawan sa bag.

"No! Patingin ako!"

Napalakas ang hila ni Vladimir at napasubsob sa sahig ang batang babae. Nanlaki ang mata ni Vladimir after makita na dumugo ang nguso ni Violet.

Wala na ang dalawang ngipin nito sa unahan. Umalingawngaw na lang sa apat na sulok ng kwarto ang iyak ni Violet.

"Mommyyyy!"

Iyak ng iyak ang batang babae. Agad naman si Victoria na dumating galing garden at napatili after makita na duguan ang anak. Agad nito sinigawan ang mga maid na tumawag ng doctor.

"Auntie, hindi ko sinasadya," naiiyak na sambit ni Vladimir. Agad ni Victoria hinablot ang bata at hinampas dahil sa galit.

"Ikaw na bata ka! Manang-mana ka sa ina mo! Bwisit!"

Dahil may mga sugat pa din si Vladimir at pasa sa katawan ay parang pinupunit ang laman ni Vladmir dahil sa mga hampas ng ginang.

Napaluhod na lang ang lalaki at impit na naiyak. Dumating din si Themarie na madilim ang anyo tinanong si Victoria ano nangyayari.

"Tingnan mo ginawa ng batang iyan sa anak ko!"

Hinablot ni Themarie ang braso ni Vladimir na agad binalutan ng sobrang takot.

"Auntie! Please! Hindi pa nagaling mga sugat ko. Iyong mom ko ayaw ko makita niya ito please auntie!"

Lumuhod si Vladimir at nagmakaawa. Dahil kahawig ni Vladimir ang ina ay napangisi si Themarie after makita pagmamakaawa nito.

Hanggang sa may naisip siya na way para makaganti kay Sonia. Lumuhod si Themarie para pantayan si Vladimir at hinawakan ang panga nito.

"Huwag ka mag-alala Vladimir. Walang makikita si Sonia dahil hindi ko hahayaan na magkita kayo or sumama sa kaniya," ani ni Themarie dahilan para mapatigil si Vladimir.

"Akala mo ba hindi ko alam na kasama mo sa University ngayon ang anak ni Fabian Martinez?" bulong ni Themarie na nanlilisik ang mata na nakatingin kay Vladimir. "Na close kayo at may koneksyon ka sa mga Martinez?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Vladimir after marinig iyon. Kapag nalaman iyon ng dad at lola niya ililipat siya ng mga ito sa University.

"How about simulan na natin i-discussed sa kung paano natin ise-celebrate birthday mo?"

Makalipas ang dalawang oras. Nakasiksik si Vladimir sa ilalim ng study table niya yakap ang sarili.

Puno ng pasa ang sariling mga braso at nanlalamig. Nalaman ng lola niya ang about sa nangyari kay Violet at agad siya nito pinarusahan.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon