PHFS 1:15

5.1K 90 5
                                    

1:15

Sometimes you must force yourself to accept things and get over it even if it kills you. Yes, it hurts but you're still breathing and that's more important. Unti unti at hanggang sa hindi ko na lang namalayan, ay pakiramdam kong bigla na lang nawala lahat na para bang tinangay ito ng hanging palayo mula sa akin. Hindi ko matumbok kung ano talaga 'tong nararamdaman ko. Siguro I'm just tired of feeling. Nakakapagod din pa lang masaktan.

One thing na natutunan ko mula kay Alvin, I guess one of the most important thing na natutunan ko mula sa isang heart break, is that, you can't really be healed from a broken heart you only learn to live with it.

Kung kinaya ko siguro kakayanin din ito ng kahit na sinong tao sa mundo. You had your heart broken, don't let your mind follow. Kasi that's the time na masasabi kong talo ka.

"Parang pa-blooming nang pa blooming ka, bes, a," sabi ni Mei. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"May bago na ba agad?" Mabilis niyang dugtong.

Mabilis naman akong napailing. My eyes narrow and my forehead creased as I squint at her.

"Blooming lang may bago agad? Grabe 'to gano'n na ba ako kalandi, bes," kontra ko.

"Medyo lang." Nakita ko ang mabilis na pag-angat at pagbaba ng kanyang mga balikat. She laugh afterwards.

"Papasok ka ba bukas sa klase natin kay sir Alvin?"

"Ang what makes you think na hindi ako papasok, aber?"

Nakita kong inikot niya ang kanyang mga mata na para akong iniirapan.

"Kasi the last time I checked hindi ka lang naman pumasok ng tatlong meetings sa klase niya." Napansin kong dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo at saka umismid.

"So I thought na baka hindi ka na naman papasok," dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ako. Thinking na ilang meetings din ako hindi pumasok ay baka hindi ko na maabutan ang mga nagdaang lessons namin sa subject ni Alvin. Kailangan kong aralin at umabot sa pinaka-latest na lesson namin. I can't afford to fail again. Masyado na akong madaming napagdaanan and I need to graduate, mas lalo na ngayon na ilang buwan na lang ang bibilangin at gra-graduate na ako.

"Buti nga nahimasmasan ka na, Nika. There's more to life than what you just feel, you know." She snapped.

"Alam ko naman, bes, pero okay lang naman ata magpaka-gaga kahit minsan. Hindi ko naman kasi inaraw araw."

Inangat ko ang isa kong kilay habang nakatingin sa kanya. "Don't you forget na ikaw nag-advice no'n sa akin. Na minsan kailangan natin mag-take nang risk. Sinunod lang naman kita." I put a forced smile.

"Oo  na, ako na may kasalanan. Basta siguraduhin mo na papasok ka bukas. Ipapahiram ko sa'yo notes ko para ma-aral mo 'yong mga nagdaang lessons at maka-abot ka sa latest topic."

Out of excitement ay mabilis ko siyang yinapos ng yakap. "Salamat, bes, alam ko naman na hindi mo 'ko papabayaan e. I love you na talaga."

"Yuck?! Kadiri ka Nika hindi tayo talo," she said with disgust.

Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam nang umalis si Mei. Dahil may klase pa daw siya at kailangan na maaga siyang pumasok dahil kokopya pa siya ng assignment sa mga kaklase niya. Ewan ko sa babaeng 'yong kung tinatamad lang talaga siya mag-gawa ng assignment o totohanan niya talagang pinaninindigan ang 'yong sinabi niya sa akin na, "ang gawain sa school e sa school lang, huwag daw dadalhin sa bahay. Dahil ang problema sa bahay hindi naman daw niya dinadala sa school." Somehow may sense naman 'yong sinabi niya.

Practicing His First SexWhere stories live. Discover now