PHFS 1:5

7.7K 127 13
                                    


Mabilis na napuno ang canteen ng mga studyante. I stayed there for a while with Mei para mag-lunch. Pero noong napansin namin dalawa na nagsisimula nang mapuno ang bawat sulok ng canteen ay napagpasyahan namin na magbigay ng table sa mga kakain pa lang - tapos na naman din kasi kami. We decided na pumunta na lang sa may gazebo na nasa may garden para doon magtambay at magpahangin na din. Tahimik kasi do'n at malamig pa yong ihip ng hangin.

Habang naglalakad kami sa may pathway ay pinagpatuloy ko 'yung pagkukuwento ko kay Mei tungko sa mga nangyari noong pumunta ako sa bahay ni Sir Alvin para magpa-tutor.

"Ang sweet naman pala talaga ni Sir. Nakakakilig." Nakangisi nitong sabi sa akin.

"Malaking check ka dyan best friend. Sa tingin ko talaga in love na in love na ako sa kanya," sabi ko.

Nakita kong mabilis na nag-iba ang ekspresyon na nakasulat sa kanyang mukha.

"Kahit di mo naman sabihin kitang kita naman sa mga kilos at galawan mo." Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

Ako naman ay bumalya sa aking paglalakad habang nakalingon ako kay Mei. Nginingisihan ko kasi si siya na may halong pang-aasar nang bigla na lang may maapakan akong maliit na bato sa daanan na naging rason para matalisod ako at bumagsak sa lupa.

Shet, bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis na pagtibok ng puso ko. For a moment, naramdaman ko ang pagbagal ng oras habang ramdam ko ang dahan dahang paglapit ng katawan ko sa pagbagsak sa lupa. I even forgot how to breathe.

I, suddenly, feel an arm quickly wraps me around, and so, I stopped falling into the ground. Hindi ko agad nakita kung sino 'yon, kaya naman no'ng naaninagan ko 'yong mukha niya ay ramdam ko ang pagsitayuan ng buhok ko sa aking boung katawan. I fixedly looked at him as our gaze met each other. I held it, not wanting the moment to let go.

Habang hawak hawak niya ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga bisig sa aking balat. Kulang na nga lang ay magwala ang mga paru paro sa loob ng aking tiyan na parang kinukuryente din ito, tulad ng kuryenteng nararamdaman kong dumadaloy sa aking buong katawan habang tutok na tutok sa kanya ang aking mga mata.

Sir Alvin's face move an inch towards mine. Sa ginawa niya ay pakiramdam ko'y may uwak sa loob ng dibdib ko na gustong kumawala kaya nahihirapan akong huminga. His eyes were so damn tantalizing na para akong inaakit papunta palapit sa mukha niya. His thin, red lips starts to curve and form a smile. It was heavenly, seeing those perfectly sculptured jaws and eyebrows that perfectly compliments everything. I think he was near perfection, and this moment with him is a piece of heaven that I always dreamt of.

I really don't know how to expain everything kasi pakiramdam ko nga din huminto ang oras. His smile broke the laws of nature that I always try to understand.

I know now why Science is incapable of explaining what love really is. Because love make wonders beyond human's capability to understand. Love is a force that trespasses the laws of nature, rendering Physics and Chemistry in a vulnerable state.

Ngayon pakiramdam ko naging useless din ang Newton's law of motion pati 'yong Law of Relativity ni Einstein, wala e huminto lahat sa isang iglap.

"Okay ka lang ba?" Mahinang tanong ni Sir Alvin pagkatapos niya akong alalayang tumayo. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi pa ako kumukurap. Hindi ko nga din alam kung ilang minuto na ang nakalipas e, or just seconds. I don't know.

Napatango ako habang nakatingin sa kanya. He slightly cock his head at one side. "May dumi ba sa mukha ko? Naco-concious kasi ako sa mga tigtig mo e," sabi pa niya habang nakangiting pinupunasan ang kanyang mukha.

I quickly shook my head. "Sorry po, Sir. Wala pong dumi sa mukha niyo," I said, trying to convince him.

Sa bawat ngiti niya para akong na-hy-hypnotize. Ang sarap niyang nguyain na parang tsokolate. Napalunok muna ako bago huminga ng malalim. Kailangan kong kumalma.

I looked away. "Sadyang kinilig lang ako kaya hindi ako agad nakapagreact," dagdag ko pa. I tried to keep my tune as low as possible para hindi niya marinig.

"Ano sabi mo?"

Napatingin ako sa kanya."Sabi ko po, sir, na ang guwapo niyo kapag nakangiti kayo," I said. It was half lie, and half truth. Lie, kasi hindi naman talaga 'yon yung sinabi ko, and truth, kasi totoo naman na mas guwapo siya kapag nakangiti.

"Sige, mauna na ako ha. Mag-ingat ka lagi ah," pagpapaalala niya. He passed by me at naglakad palayo sa akin.

Tinignan ko lang siya pero hindi ko alam kung ano na naman ang sumapi sa bunganga ko at nasigaw ko yong pangalan niya.

"Sir Alvin!"

Napahinto siya sa kanyang paglalakad saka lumingon sa akin. Hindi pa siya ganun kalayo mula sa kinatatayuan ko.

Nataranta ako ng tumingin siya sa akin dahil sa totoo lang ay wala naman talaga akong sasabihin sa kanya. I just want him, really.

Tumaas ang dalawa niyang kilay na parang nagtatanong ang kanyang ekspresyon.

"Yes, Ms. Mateo?" I heard him say.

"Salamat po!" I said in a slightly raised tune.

Napangiti ito, as in napangiti ko siya. As he turned away and start to take his pace I felt like my heart was snatched out of my rib cage. The moment when you really fell hard for someone is one of the scariest thing but it feels good anyway.

Hindi mag-umapaw ang saya sa loob ko. I just can't stop myself from smiling like crazy. Tinapik ako ni Mei sa aking balikat.

"Huwag kang ganyan kinikilig din ako," nakangising sabi niya. Napatingin ako sa kanya at tumili nang sabay na parang mga baliw.

Maganda ang view ng garden mula sa gazebo. Sa tuwing iihip ng hangin ay parang sumasayaw ang mga bulaklak. Parang may tugtog itong sinusundan na hindi ko naririnig. Pati nga rin 'yong boses ni Mei ay hindi ko naririnig dahil Puro ngiti na lang ako ng ngiti habang nagkukuwento siya.

Mei gently elbowed me on my side kaya nabigla ako at mabilis na napatingin sa kanya. "Hoy! Nakikinig ka ba?" Tanong niya.

Nanlaki ang dalawa kong mata. "Ano ulit 'yon?" I squint.

Napabuntong hininga na lamang siya. "Ang sabi ko, invited ka sa birthday ko," she emphasized the word 'birthday'.

"So may party?" mabilis kong tanong, halata naman sa boses ko na na-excite ako bigla.

Nakangiting tumango ito.

"Saan naman ang venue, best?"

"Plinaplano pa lang ni Mama at Papa, pero baka sa isang party house kung saan may videoke. You know, I like singing." Tumawa siya.

"I-invite mo ba si Sir Alvin?"

Kumumot ang noo niya dahil sa tanong ko. "Bakit ko naman siya i-invite?" Pagtataka niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan siya sa kanyang dalawang bisig. "Sige na friend, invite mo na si sir," I said trying to convince her.

"As if naman pupunta 'yon, e 'di sayang sayang lang din effort natin." She said hopelessly.

"Bakit ba napaka-nega mo best friend? Win or lose lang yan, pano natin malalaman na pupunta siya kung hindi mo i-imbitahin?"

She crossed her arms. "Pag-iisipan ko," she said.

"Excited na ako sa darating na Sabado, my goodness," sabi ko pa na parang kinukuryente. Hindi ko maiwasan kiligin kapag naiisip ko na baka makasama ko ulit si Sir sa birthday party ni Mei.


_______________


A/N:

Hope to find your comments sa baba, vote na din kung nagustuhan niyo. HAHAHA Thanks guys sa pagsubaybay. *smile emoticon*

Practicing His First SexМесто, где живут истории. Откройте их для себя