CHAPTER 19 - You're mine now

Começar do início
                                    

"Flowers for Miss Gemini Tejares." Anang Delivery boy.

Itinaas niya ang kanang kamay. "That's me."

Lumapit sa kanya ang Delivery boy. "Heto po ang flowers, galing kay Mr. Reigo Vasquez."

Biglang umasim ang mukha ni Aidan sa narinig.

Tinanggap ni Gemini ang bulaklak at napangiti ng may makitang lollipop na naka-ipit sa gitna ng bulaklak. Napailing-iling siya. Ilang ulit na ba niyang sinabihan si Reigo na huwag ng magpadala ng bulaklak sa kaniya kasi nag seselos si Aidan, pero ang palaging sagot naman ni Reigo ay, "hayaan mo siyang magselos. Buti nga sa kanya. Bayad 'yan sa pagpapaiyak niya sayo."

It has been two months since she and Aidan left the island, thanks to Aidan's mother who sent a Yacht after a week. Nang makaalis sila roon, sobrang lapad ng ngiti ng ina nito ng malamang nagkakaintindihan na sila ni Aidan at nagkaaminan ng totoong nararamdaman. Nang masiguro nitong nagsasabi sila ng totoo, umamim ito kay Aidan na ito ang may pakana ng lahat. Mula sa pagpapanggap niya bilang Lady Masquerade hanggang sa pagsisinungaling nito na may party sa Isla samantalang wala naman.

And up until now, Reigo was still sending her flowers. And it always pisses off Aidan. Kahit sinabi niya rito na hindi naman talaga sila nagkaroon ng relasyon ni Reigo at kaibigan niya lang ang binata, nagseselos pa rin si Aidan.

May pinapermahan sa kanya ang delivery boy bago umalis. Si Aidan naman ay madilim na ang mukha at hindi na iyon maipinta.

"Bakit ba nagbibigay pa rin siya ng bulaklak sayo?" Matalim ang mga mata ni Aidan. "Maybe he really has feelings for you and he is planning to steal you away from me."

Bumuntong-hininga si Gemini saka inilapag ang bulaklak sa mesa niya at ipinalibot ang mga braso sa beywang ng binata.

"Aidan, jealousy is not healthy. That green monster you have inside will eat you up and our relationship. Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi pa ba sapat na sinabi ko sayong wala kaming relasyon?" She sighed heavily. "Gusto mo tawagan ko ngayon si Reigo para mapanatag na iyang kalooban mo na hindi naman niya ako aagawin sayo? Reigo is just my friend and you are my boyfriend."

Aidan looked away. "Sorry for being jealous all the time. Kasi naman e, natatakot lang ako na mawala ka sakin. Natatakot ako na iwan mo ako. Natatakot ako na mawala ka kasi ikaw na ang buhay ko ngayon, Gemini. At mababaliw ako kapag iniwan mo ako. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa piling ko. Hindi ko kaya. So I'm sorry if I'm always jealous all the time. I just love you so damn much and i can't survive without you. Pasensiya ka na ha?"

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Aidan at masuyo itong hinalikan sa mga labi.

"Aidan, mahal na mahal kita. At hinding-hindi kita iiwan. Ano pa ba ang kailangan mo para maniwala ka, para hindi ka na palaging nagseselos?"

Aidan stared at her, intimately. "Marry me, Gemini. 'Yon lang ang gusto ko."

Gemini sighed and stayed silent. Getting married is not a freaking joke. Kailangan niyang pag-isipan 'yon. Handa na ba siya? Paano ang mga utang nila na siya ang nagbabayad? Paano ang Daddy niya na walang kaalam-alam na may lalaking gustong pakasalan siya. Agreeing to marry Aidan would change everything. And she's afraid of those changes.

"I thought so." Pain was present in Aidan's voice. "Ayaw mo talaga akong pakasalan. And you're asking me why I'm afraid to lose you. Siguro naman, alam mo na ang rason ngayon."

Kumawala sa pagkakayakap niya si Aidan at pumasok sa opisina nito. Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang cell phone niya sa bag at tinawagan ang kaniyang ama. It's time to face those fears. I love Aidan. I can't lose him.

LADY MASQUERADE Onde histórias criam vida. Descubra agora