one

8 0 0
                                    

Tangina si Kid. Pabigat sa magulang. Kiddo Enriquez. 21 na pero wala pa siyang ambisyon sa buhay. Maswerteng nakapasok sa popular school pero hindi naman bumabagsak sa studies.

Umaga ng sabado. Nakatutok lang sa computer games. Mapapansin siya ng kanyang ina na wala pa siyang tulog. Papasok siya sa silid nito. Tatanggalin ang headset niya while gaming.

''Kiddo ano ganyan ka na lang? Ayusin mo naman kuwarto mo! Wag mo sabihin wala ka pang tulog.'' Iritableng pahayag ng nanay niya.

Hindi papansinin ni Kiddo ang kanyang ina  Patuloy pa rin sa paglalaro. Pero dahil sa tigas ng ulo niya ishashutdown ng kanyang ina ang computer nito.

Mapapatigil si Kid. Titingin sa ina saka tatayo. Kukunin ang gamit at bag. Aalis pero patuloy na kagagalitan siya ng kanyang ina. Pero lalabas ng bahay. He gets his phone..

Maki out na ako. See you sa hideout.

Maki replied.

Papunta na si Venice. May problema tayo. Kailangan natin mag-usap. BUMALIGTAD SI ARCHER.

CUT TO-

Nakatayo ang halos labindalawang palapag na prestihiyosong paaralan kung saan nagtatrabaho si Pilar bilang housekeeping. Maganda pero simpleng manamit.

Saksi niya ang mga nangyari sa school na iyon. Mga pamilyar na mukha ng estudyanteng nakakasalamuha niya bilang janitress ng school. Kabilang na rito ang kanyang kaibigan na si Kiddo. At ang babaeng kanyang nagugustuhan si Lark. Nagkaroon ng pagkakataon na nagkausap sila.

''Hindi ba gusto mo ulit makapag-aral?'' Umpisa ni Kiddo.

Titingin sa kanya si Pilar.

''Nakausap ko si Papa naghahanap sila ng bagong scholars. Binigay ko pangalan mo sa kanya.''

''Salamat ha. Di mo naman kailangan gawin yun.''

Pero simula nang makilala niya ang mga elitista na sina Kenny at Archer. Hindi na sila gaano nagkakausap at nagkikita. Naging abala si Kiddo. Nagkaroon ng bagong mundo.

Si Lark, kilala na mean girl. Pero nakuha ng atensyon niya si Kiddo. The Geek guy. Tipikal na scholar guy. Pero lingid sa kaalaman niya ay may namumuong pagtangi ng pag-ibig si Kid sa kanya. Swerte na siya kapag may pagkakataon na nagkakausap sila. Malayong agwat. Nasa malayong pagitan ang mga mundo nila pero pilit ni Lark na inaabot upang magpantay sila.

''I'm sorry sa mga kaibigan ko,'' Paghingi ng paumanhin ni Lark sa kanya nang masabihan ng di maganda si Kiddo dahil sa pakikisama niya kay Lark dahil bilang Elitista hindi magandang pakinggan na nakikihalubilo siya sa lalaking katulad niya.

Tinabihan ni Lark si Kiddo.

''Hayaan mo na. Totoo naman sinasabi nila. Napakalayo ng agwat nating dalawa bilang maging kaibigan mo.'' Sa lalim ng kanyang pagtingin kay Lark, masaya na siya kapag nakakausap niya ito ng ilang minuto.

Nagkita sina Pilar at Kiddo sa hallway ng school. Nagkaroon sila ng kaunting pag-uusap 

''Kumusta na kayo ng crush mo?''Paguusisa ni Pilar sa kaibigan.

''Olats eh. Mukhang malabo. Masyadong malayo ang patutunguhan namin ni Lark na umasa na pwede ko siyang maging girlfriend.'' Malalim na buntong hininga ni Kid.

Lalapitan siya ni Pilar at hahawakan sa balikat.

''Susuko ka agad? Eh ang hina naman pala ng manok ko eh.'' Pabirong pahayag ni Pilar sa binata. ''Kung gusto mong magustuhan ka niya ang tanging gawin mo ay maging magpakatotoo ka lang. Maging totoo ka sa sarili mo. Kay Lark para magustuhan ka niya.''

Naroon lang si Kid na nakikinig sa mga payo ni Pilar.

''O siya, may lilinisin pa ako kailangan kong tapusin bago magdismissal ng klase.'' Paalam ni Pilar sa kanya at naiwan si Kid at nagpabulay bulay ang mga sinabi ng kaibigan.




Pagpapakilala:


        Sarah Geronimo bilang Pilar

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

        Sarah Geronimo bilang Pilar

        Sarah Geronimo bilang Pilar

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

         Akira (Bgyo) bilang Kiddo


             Sofia Andres bilang Lark

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

             Sofia Andres bilang Lark

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STRAYWhere stories live. Discover now