Binaba ako ni Adam sa mga upuan naka-kalat sa harap lang ng stage. Nag-tawag din siya ng PA para makahingi ng first aid kit. Ang iba naman ay dumiretso sa nahulog na ilaw para linisin ito agad. Ang mga nag-re-rehearse naman ay nagtawag ng break dahil sa gulat sa nangyari.

Ang daming nangyayari sa paligid namin pero pakiramdam ko tumigil ang munod nang lumuhod si Adam sa harap ko para suriin ang binti ko para sa mga sugat na natamo ko.

Ramdam ko pa rin ang paimpit na sakit mula doon, pero para bang natatabunan ito ng bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas at bilis, mas sumasakit ang dibdib ko kaysa sa mga sugat sa binti ko.

"Check all the lights and equipments before you put them on stage. Make sure that someone is watching them so we can prevent from this happening again." rinig kong utos ng floor director sa lahat.

Maraming tao din ang lumapit samin pero nang kuhanin ni Adam ang first aid kit at suriin ang mga binti ko, tila ba na-alarma sila at na-awkward-an kaya ang iba ay naghanap ng ibang pagkaka-abalahan at ang iba naman ay lumayo para siguro pag-usapan ang nakita.

Pati tuloy ako ay na-alarma na din kaya sinubukan kong bawalan si Adam sa ginagawa niya.

"Adam, madaming tao. Ako na d'yan. Kaya ko na gamutin iyan." pilit ko, pero hindi niya ako pinansin.

Nandoon pa rin ang pagkaka-inis at pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang paghaluin ang magkaka-ibang ekspresyon sa mukha niya. Kaya naman manghang-mangha ang lahat ng mga nakakanood sa kanya umarte. Dahil sa ganitong mga ekspresyon niya, mas napo-portray niya ng maayos ang mga roles niya.

Pinanood ko siyang kumuha ng bulak at gamot para linisin ang mga sugat na natamo ko. Medyo madami sa may likod na banda ng binti ko at magkaka-halo iyon na malalaki at maliliit na sugat kaya medyo mahapdi.

Nang dumampi ang gamot sa isang sugat ay napadaing ako sa sakit kaya agad napatingin si Adam sa banda ko.

"Did that hurt so bad?" he asked, concern and shock was written in his face.

"Hindi naman. Nagulat lang ako."

Bumuntong hininga siya bago tinuloy ang ginagawa. Wala talaga siyang pakialam na maraming nanonood at maaring magduda sa ginagawa niya. Oo at natatakot ako sa sasabihin nila pero sa itsura ni Adam, mukhang walang kahit anong sabihin ko ang makakapagpatigil sa kanya.

Hinayaan ko nalang muna siya at natahimik hanggang sa nilagyan niya ng bandaid ang ilang malalaking sugat sa binti ko. Nang matapos siya ay naupo siya sa tabi ko.

Busy na ang lahat dahil ang ibang crew ay tumulong sa pagkabit ng mga equipment at ang mga nagre-rehears ay nagpapahinga na muna bago ang susunod na rehearsals.

Hindi ko mahanap kung nasaan si Monica, mukhang kanina pa siya wala noong pagkatapos ng rehearsals nila kaya hindi ko siya makita sa paligid.

"Gusto mo bang pumunta sa ospital? Para mapatingin natin ng maayos iyan? Hindi ako sigurado kung nalinis ng maayos ang lahat." nag-aalalang sabi niya.

Agaran naman ang iling ko dahil hindi na kailangan iyon. "Huwag na. Ayos na ako. Gagaling din naman ito agad."

"Klea-"

"Hindi na, Adam. Ayos na ako. Hindi naman na masakit." putol ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya uli pero bakas sa mukha ang pag-protesta sa sinabi ko. Sa huli, wala na siyang dinagdag. Pinanood ko siyang yumuko kasabay ng pagbaba ng balikat niya na para bang naginhawaan siya.

"You had me really worried there."

Those words. I already knew it from his face, but hearing him say it made my heart ache. I've always hated the idea of making him worry because he doesn't need to worry about me. I should be the last thing that makes him worry. I don't want to add up to his problems or the things that makes him anxious. That's one thing that he shouldn't think when he thinks of me.

So CloseKde žijí příběhy. Začni objevovat