Pagka-alis nila Mama at Papa kinabukasan ay dumating si Prof Perez para sunduin ako. May meeting kasi kami kasama ang production team ng concert. Baka din puntahan namin ang magiging venue dahil na-finalize na din ito.

Sa lobby palang ay busy na ang buong lugar. Palipat-lipat ang mga tao at para bang walang oras ang mga ito na tumigil. Ang aga aga pa pero busy na ang lahat. Sumasakit ang mga mata ko habang pinapanood sila.

Iginiya kami sa may area kung nasaan ang mga conference rooms ng floor at pinapasok kami sa kwarto kung saan naalala ko ang naging meeting nila Adam noon.

Sa loob ng kwarto ay nandoon na halos ang lahat. Si Adam ang unang nag-angat ng tingin nang pumasok kami. Nasa gitna siya ng mga ibang producers at maging ng tingin ko'y direktor ng concert nila. Nag-tama ang mga mata namin pero hindi siya tumayo para lumapit, pero hindi naalis ang tingin niya sa'kin kahit noong nilapitan na kami ng ilang staff.

Nasa kabilang side naman si Monica, kasama ang ilan pang staff at ang Mommy ni Adam. May kausap na si Prof Perez kaya pinaupo na muna ako sa upuan malapit kila Tita Juliet.

Nag-give way ang iba nang magpakita ng interes si Tita Juliet na kausapin ako. She smiled sweetly at me and I couldn't help feel a little uneasy. I shrugged it off and smiled back.

"Hi, Klea. I'm so glad to see you here, hija."

"I'm honored to be here po." ngiti ko.

"Nagpunta na ba ang Mama at Papa mo sa ospital?" bulong niya na para bang walang ibang taong dapat makarinig nito.

Tumango naman ako. "Opo. Nauna po silang umalis kanina."

Tumango din siya at mukhang kuntento na sa sagot ko. She looked around with a small smile on her face.

"Have you met everyone?" she then asked.

Umiling ako. Pinanood ko siyang tumayo at nagulat nang hawakan niya ang kamay ko.

"Come, I'll introduce you to them."

Sa gulat ay hindi ako naka-angal at bago pa ako may masabi ay nasa kabilang parte na kami ng lamesa, kung nasaan sila Adam.

Hindi naman nawala ang tingin ni Adam sa'kin, at kahit na nasa malapit nalang kami ay nasa akin pa rin ang tingin niya, kaya napatingin narin samin ang mga tao sa paligi niya.

"Klea, I'd like you to meet the director and the management that will be handling the concert. This is direk Christian, he'll be directing the concert. This is Klea, Christian. She's going to be the host." Tita Juliet introduced.

Tinignan ako ng direktor nila at agad na napangiti ito. "I already know her. She's really famous in the content creation industry." he smiled. "Hi Klea, welcome to the show."

Ngumiti rin ako pabalik. "Thank you po."

"Nakakahiya man sabihin, pero pinapanood ko ang mga videos mo. You are really talented, not just in content creation, but in hosting as well. Very fresh and comforting panoorin." puri nito.

Nakita kong napatingin si Adam sa banda niya at saglit na napakunot noo. Binalik naman niya ang tingin sa banda ko pero bakas sa mukha ang pagkaka-inis. Hindi ko lang alam kung bakit.

"Nako, salamat po." nahihiya kong sagot.

"Everyone is so excited to work with you. Lalo na ako." habol niya. Natawa ang iba na sinubukan kong sabayan pero natigil agad.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" iritadong tanong ni Adam sa gitna ng tawanan.

Natigil ang lahat at nag-seryoso. Napaayos ng upo ang ilan at mukhang handang handa na sa meeting. Direk Christian glanced at Adam with a small smile and stood up. Nilapitan ako ni Prof Perez para igiya pabalik sa upuan ko kanina at naupo na rin siya sa tabi ko.

So CloseWhere stories live. Discover now