"Really? You finally accepted it? Oh, my gosh, Klea! This is really big!" Prof Perez exclaimed when I told her the next day.

Nasa opisina niya kami dahil pinuntahan ko siya dito pagkatapos ng isang klase ko. May vacant time pa ako bago ang next class kaya naisipan ko na puntahan na siya, kaysa hintayin pa ang klase namin mamaya.

Mabilis siyang tumayo para lapitan ako at agad na niyakap. "You made the right decision, Klea. Akala ko kahapon hindi mo na tatanggapin. I was about to let it go for now but I'm really glad that you finally accepted it."

Malaki ang ngiti niya habang hawak ang magkabilang braso ko. Ganito din ang naging reaksyon ni Mama kanina nang binalita ko ito sa kanya dahil kailangan ko rin magpaalam tungkol sa pagpunta ko doon sa weekend.

"Talaga? Pupunta ka?" gulat niyang tanong. Tumango ako at nginitian siya para malaman niya na nagsasabi ako ng totoo.

"Nako, anak! Mabuti naman at nakapag-desisyon ka na. Mabuting balita ito! Mapapanood ka na namin sa TV." masayang wika niya habang hawak ang mga braso ko. Tumatalon talon pa siya sa tuwa kaya pati ako tuloy ay nahawa sa sayang nararamdaman niya.

Napabalik kay Prof Perez ang atensyon ko nang alisin niya ang hawak sa mga braso ko at dahan dahan nang bumalik sa lamesa niya.

"Ano naman ang nag-tulak sa'yo para tanggapin ang offer nila?" kuryoso niyang tanong habang nauupo sa upuan ng desk niya.

Sinundan ko siya ng tingin at nahihiyang ngumiti. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil alam ko na ayaw kong sabihin ang totoong rason kung bakit ko tinanggap ito.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Kung tama ba na harapin ko siya at tuluyan nang subukang pasukin ang mundo niya. Para bang hindi pa ako nadadala.

Ako ang nagtulak sa kanya ilang taon na ang nakakalipas, tapos ngayon, ako naman ang magpupumilit na lumapit sa kanya at subukan nanaman maging parte ng mundo niya? Hindi ba parang tanga naman ako doon. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.

I remember his face during the interview I just recently watched. He doesn't look happy. Taliwas ang ningning ng mga mata niya sa sinasabi niya. His mouth says he's happy, they're happy, but his eyes looked empty. Like it's been empty for a while. And I wanted to know if that's always been like that, or if there's something more to it.

I know, curiosity might kill me, but it's a risk I'm willing to take, if I could be near him again.

"Wala naman po. Narealize ko lang po na tama kayo. Magiging magandang advertisement po ito sa university at sa department. Magandang experience din po para sa'kin." sagot ko nalang.

Tumango-tango ni Prof Perez. "That's a great decision, Klea. I am totally on board with this so I will get our accommodations in place and I will contact them directly on how we will be doing this. I'll keep you posted, okay?"

I smiled and nodded like a good puppy. I excused myself because I still need to prepare for my next class. Mamaya pa naman iyon kaya ni-message ko na muna si Sally para kitain ako sa cafeteria.

Habang naghihintay ako sa pagdating niya ay bumili na muna ako ng makakain sa isang store doon para hindi na ako kakain mamayang lunch break ko.

Nakatayo ako sa may tabi ng store dahil hinihintay ko na matapos ang ni-order ko at habang naghihintay ay tinitignan ko lang ang nga ilang engagements ko sa social media pages ko.

Kailangan kong i-decline muna ang isang invitation sa'kin para um-attend ng isang event sa darating na weekend dahil nga may gagawin ako. Nag-send na rin si Prof Perez ng magiging schedule namin simula bukas.

So CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon