Chapter #2

91 5 0
                                    


Daniel P.O.V

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumulyap sa girlfriend kong natutulog. Panaka-panaka rin ang buntong hininga ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya para mapasaya siya at makita kong muling ngumiti.

Para kasing kasama rin siyang namatay. Hindi ako ang nakaalam sa secret job niya. Si Jackross mismo ang nagsabi sa akin tungkol dito pero wala sa binigay niyang information ang tungkol kay Gacianna, turn out to be his ex-wife.

Tumingin ako sa kalsada at nagpukos na lamang sa pagmamaneho, then I remembered what happened five years ago, taon kung kailan namatay si Gacianna.

Isa ako sa nagulat na isa pa lang hired killer si Gacianna bagay na hindi ko napansin sa kaniya. Alam kong maraming taong gustong ipapatay si Jackross. Maraming tao ang gumagastos ng milyon-milyon para lang sa buhay niya.

Hindi kasi halata na magagawa ni Gacianna ang pumatay ng tao. Buong akala ko ay isa lamang siyang simpleng pasaway na babae. Babaeng walang ginawa sa buhay kun'di ang uminom, gumala, pumunta ng bar at sa kung saang-saang events na kung minsan ay nauuwi sa kulungan. Naalala ko pa kung paano inaayos ni Jackross ang mga gusot niya.

Pero minsan sa tuwing nakakausap ko siya, kadalasan ay nakararamdam ako ng kilabot sa kaniya lalo na kapag seryoso ang mukha niya pero hindi ko iyon pinansin at hindi binigyan ng issue.

Naging kampante ako sa kaniya. Kaya wala talaga sa isip ko na isa siyang hired killer or kung anuman. Never ko siyang pinaghinalaan, bukod pa roon, labas ako sa kung anumang relasyon niya mayr'on sa boss ko.

Mayr'on akong ibang trabaho at hindi roon kasama si Gacianna. Sa loob ng paaralang JaFri University, isa lamang akong simpleng studyante at kaibigan ni Jackross. Ngunit sa labas nito, isa akong kanang kamay at secretary ni Jackross. Maging ang magkalap ng information at unahing patayin ang mga killer ni boss ay ginagawa ko.

My real name is Daniel Zart Pierzo. Ginagamit ko ang pangalang Dan or Daniel sa loob ng university habang ang Zart as secretary ni Jackross.

Subalit, maaaring kanang kamay ako ni Jackross pero wala rin akong masiyadong alam sa kaniya. Kaibigan niya ako pero limit lang ang alam ko sa kaniya.

Bagay talaga sa kaniyang tawagin siyang isang mysterious guy, dahil maging akong malapit sa kaniya ay walang nalalaman sa kaniya.

Ang tanging alam ko lang sa kaniya ay hinahanap niya ang first love niya bagay na siya lamang ang gumagalaw. Kailanman ay hindi ako nangialam dito.

Nagulat na lang ako ng pumunta kami sa isang hospital, pumasok sa isang kuwarto at sinabi niya sa aking nahanap na niya ang hinahanap niya pero nasa comatose stage siya nang matagal na panahon kaya hindi niya ito agad na natagpuan.

Pero nitong nakalipas na limang taon, malaki ang pinagbago ni Jackross na pinagtaka ko nang husto.

Hindi lang si Belinda ang nagbago maging si Jackross din. He became more distant to us. Mas naging malamig ang aura niya. Mas lalong hindi siya nagsasalita ngayon.

Dapat masaya siya ngayon dahil kasama na niya ang taong matagal na niyang hinahanap.  Kasal na sila at nagsasama pero bakit pakiramdam ko mayr'ong mali.

Natauhan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Medyo binagalan ko ang pagmamaneho ko saka inabot ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag.

"Sir, everything is ready and well check." bungad ng kabilang linya.

"Okay, thank you." tugon ko saka pinutol ang linya.

Ngayong araw ang wedding anniversary nila Yra at Jackross. Ako ang naatasang mag-ayos nito. Iniwan ko muna kanina ang pagbabantay ko roon kasi nalaman kong nasa sementeryo na naman si Belinda.

Book II: ATROCIOUS CHARM Where stories live. Discover now