Nang marinig niyang banggitin ko ang pangalan ni Lucas ay agad siyang napa-hakbang patalikod. Siguro ay kilala niya si Lucas? Hindi ko mapigilang ikunot ang aking noo sa lubhang pagtatakang inaabot ko ngayon, pero isa lang ang pumapagitna sa mga nararamdaman ko ngayon at yun ay malapit nang mag-hating gabi. Hindi na'ko dapat pang magtagal sa labas, masyado na rin akong pagod para makipag-away.

"Lucas? Pano mo nakilala ang kapatid ko?" ANO?! Tama ba ang naririnig ko?! Si Lucas at ang artistang ito ay magkapatid?! Now that I know ay unti-unti naging klaro ang lahat-lahat sa akin. Una, magka-apelyido sila, pangalawa, pareho silang pogi. Ang pinagkaiba lang nila ay mga ugali nila. Itong isang 'to parang binudburan ng kalupitan eh. Pogi sana, kaso pangit ang attitude!

"Kababata ko siya, bakit? Tsaka kung magkapatid talaga kayo, ba't ngayon lang kita nakita?" aking tanong naman para sa kaniya.

Noong mga bata pa lang kami, madalas akong tumambay sa bahay nina Lucas, nakakapagtaka dahil buong buhay ko, ang pagkaka-alam ko ay isang only child si Lucas. Ngunit ang tanong kong iyon ay tila hindi pinansin ni Luis at bagkus ay pinatungan ng panibagong tanong, "Ganun ba? Teka lang." at pansamantala siyang pumasok sa loob, dumungaw ako sa loob para makita kung ano ba'ng ginagawa niya, para bang may kinakausap siya sa telepono. Bumalik siya ka-agad at hiningi ang aking cellphone.

"Teka! Bakit ko naman ibibigay sayo?! Hindi nga kita ganun kilala?! Mahiya ka naman!" I instantly reacted.

"May titignan lang ak-.. Patingin na lang ng address na binigay ni Lucas." kaniyang ni-request. Bago ko ipakita sa kaniya ang message ay inirapan ko muna siya sa labis na inis. Doon nakita niya na may pagkakamali naman pala sa address na sinend sa akin ni Lucas. Ang building na tinitiran talaga ni Lucas ay Navila Units, habang ang nasend naman ni Lucas ay Pavila Units, na siyang tinitiran ng kaniyang kapatid na si Luis. Nang marinig ko ang pagkakamali na iyon ay labis na pagsisisi ang aking naramdaman. Ito rin ang sanhi ng pagka-awa sa'kin ni Luis.

"You can stay here if you can't really find him." mahinahon na pag-aalok ni Luis.

"No thank you. Hindi naman tayo magkakilala para abalahin kita." magalang kong pagtanggi.

Iniling nyang muli ang kaniyang ulo sabay tulak sa kaniyang pinto na nagsasalaysay na malaya niya akong iniimbita sa kaniyang condominium. Nang makita ko ang loob ay nalula ako sa kagandahan ng disenyo doon. Halatang pang-mayaman ang tinitiran niya! Pero hindi! Nakakahiyang makituloy sa isang artista!

"Hindi.. kaya ko na'to. Maghahanap na lang ako uli ng taxi para makapunta doon." Aking panghuling pamamalaam bago pa ako umandang umalis pero bigla na lamang inabot ni Luis ang aking braso tsaka ako hinatak papunta sa kaniya, ang inaakalang paghatak ay hindi sinasadyang mahulog sa kaniyang dibdib! Oh my god! Hindi ko lubos akalaing magiging ganito ako kalapit sa isang artista!!

Agad ko siyang tinulak papalayo sa'kin sa sobrang hiya. Iba't-ibang klaseng sensasyon ang aking naramdaman: hiya, kilig, at gulat! Hindi ko man lang maalis sa'king isip kung gano kasarap sa piling na mahawakan ang kaniyang katawan! So hot!

Ang malala pa dun, nakangiti pa talaga siya after kong mahulog sa kaniya ng hindi sinasadya! Ano yun? Nag-eenjoy sa'kin?

"Haha. Sorry about that." he smirked, maliciously. "As I said, pwede ka naman mag-stay dito ngayong gabi." dagdag niya. Sa huli ay wala naman na akong nagawa dahil masyado na ring late para maghanap ng taxi, kung tinuloy ko yun, kailan pa kaya ako makakatulog?! Pag-aalala ko, kaya naman ay tinanggap ko na ang alok niya. Sinimulan ko nang kunin ang aking mga maleta at ipasok sa loob, pero nasurpresa ako nang agawin ni Luis ang mga hawak kong gamit. Ako na dyan, ani niya. Yun naman pala eh, gentleman pa din naman pala. Akala ko puro angas lang eh, wala namang dating kapag puro sungit ang inaatupag.

Hinayaan ko na lang siyang buhatin ang mga bagahe ko sa loob habang ginugol ko ang aking pansin sa disenyo at mga ornamento sa loob ng kaniyang bahay. Kapansin-pansin ang kalidad ng mga furnitures niya, halatang mamahalin. Sa gitna ng kaniyang bahay ay madaling makikita ang malaking flat screen tv niya kaharap ng kulay dark-cyan niyang sofa.  Sinarado na niya ang pinto kaya naman namukod-tangi ang madilim na ambient ng kwarto. Nakakakalma naman talaga ang pakiramdam kapag nakatingin ako sa ambient lighting na ito. Madilim ngunit may dilaw na maliliit na ilaw na nagbibigay ng kalmadong sensasyon sa kwarto.

Nilapitan akong muli ni Luis at tinuro sa akin kung saan ako matutulog ngayong gabi, nakarating kami sa ibang bahagi ng kaniyang bahay kung saan tumambad sa akin ang tatlong pintuan, sa pangalawang pintuan niya ako nilapit, pumasok na ako ka agad ng buksan niya ang pintuan sa isang kwarto. Tumambad sa akin ang isang malaking kama na may pale-blue na kulay, may malaking bintana rin sa harapan nito kung kaya't napakaganda ng view na makikita sa labas. Madilim doon at medyo makalat. Talaga bang dito niya ako patutulugin? Kung tutuusin, hindi naman ganun ka-kalat at hindi rin inaasahan ang aking pagdating, kaya wala na siyang oras para mag-ayos. Sa aking pagpasok ay sumama pa rin si Luis, ang kaniyang mga labi'y patuloy na nakangiti sa akin at ang kaniyang mga mata nama'y tila pagod na naka-dilat. Dali-dali akong tumakbo para tumalon sa kama na saksakan ng lambot! Napakakumportable na nito para higaan! Napahiga ako sa kama ng walang pakundangan habang ine-enjoy ko ang lambot ng kama, si Luis naman ay nakatayo lang sa gilid pagkatapos niyang ibaba ang mga bagahe sa labas.

"Luis? Pagod ka na ba? Ang mga bagahe ko, dito mo na lang ibaba at tapos ka na, salamat." magalang kong inutos sa kaniya, pero wala pa rin siyang imik. Sa sobrang wirdo ng ganap ay iniling ko ang aking ulo sa inis, nang maihula ko ang aking ulo ay nakita ko ang isang malaking photo frame sa tabi ng cabinet sa kabilang dako ng kwarto! Ang photo frame ay naglalaman ng propesyonal na litrato ni Luis! Sa gulat ko ay nakita ko na lamang ang sarili kong tumatalon paalis sa kama!

"Actually... this is my bedroom.. oops." maikling paumanhin ni Luis.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now