"Sure ka diyan sa siopao?" tanong ni Zani pagkabalik, tumabi siya sa akin habang ako ay patuloy lang sa pagkain.

"Oo naman, bakit? Gusto mo?" Umiling siya at ngumiti nlang at kumain ng siomai na bimili ko para sa kaniya.

"Xiana." tawag muli ni Zani.

"Why?"patuloy lang ako sa pagkain habang tinitigan siyang seryoso ang mukha.

"Kailan mo pa nagustuhan ang siopao?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kinakain. Hindi ako mahilig noon sa siopao. Sa totoo ay ayaw  ko nito noon, ngunit ewan ko dahil bigla nalang akong nag grave ng siopao.

"Recently lang." Tipid na sagot ko at kumain nalaang muli.

Kalahating oras pa ang lumipas ng dumating sina Jack,Rayden at Owen.

Dinala pa nila ang mga ginrocery sa sasakyan habang ako ay bumili pa ng siopao kasama si Zani.

Pagkatapos ay sumunod narin kami at umuwi na.

Pagkadating namin ay nagsimula na si Jack sa pagluto, si Rayden at Owen naman ay nagsimula mag pa-apoy ng bonfire sa bakuran, habang kami ni Zani ay inayos ang mga grocery sa malit na kabinet, inayos narin namin ang sala kung saan kami matutulog.

Pagkatapos ay nag shower na ako habang nag-aayos pa ang lahat sa baba. Kalagitnaan ng pag-shower ko ay dalawang beses ako nag duwal at isang beses pagkatapos ko mag shower. Siguro ay may nakain lang akong masama kaya ganito. Binalewala ko nalang iyon at lumabas na ng kuwarto pagkatapos mag-ayos. Umupo ako sa tapat ni Jack na nagluluto.

"Anong niluluto mo Jack?" tanong ko sa kaniya.

"Spaghetti" ngumiti siya sa akin at kumuha ng tinidor. Kumuha siya ng spaghetti sa tinidor at akmang ibibigay palang niya sa akin ay tumakbo na ako sa cr. Nasuka ako sa amoy nito kaya bigla nalamang akong naduwal. Sumunod naman si Jack at Zani sa akin.

"Bakit? May mali ba sa spaghetti ko?" kunot noong tanong ni Jack . Umiling lang ako at sabay silang hinahagod ang likod ko. Naghilamos ako saglit at umupo sa sala. Bumalik naman si Jack sa niluluto at si Zani naman ay sumunod lang sa akin.

"What's wrong?" tanong niya.

"Nothing, hindi ko lang agustuhan ang amoy ng spaghetti." Sabi ko habang nakatingin lang sa kaniyang mukha. Ang ganda talaga ni Zani.

"There's nothing wrong with the spaghetti, notmal naaman ang amoy." Nagkibit balikat nalang ako at yumakap sa kaniya.

Nanghihima ako na parang may gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano. Pagkatapos ng kaniya-kaniyang gawain ay lumapit silang tatlo sa amin ni Zani.

"Oh, Bakit ka nakabusangot siyan Xia?" tanong ni Owenng mapansin ang expression ng mukha ko habang nakatulala.

"Guys." Nakatingin lang silang apat sa akin ng tignan ko sila at naghihintay ng kasunod na sasabihin ko. "Gusto ko ng mangga." Nag pout ako sa kanila na parang bata habang nakatingin lang sila sa akin.

"Mangga? as in Manggo?" Nagtatakang tanong ni Rayden.

Tumango ako at ngumiti. Gusto ko talaga ng mangga.

"Ayaw  mo ng maasim hindi ba?" Tanong naman ni Jack.

"Ihhh, gusto ko ng mangga na maasim." nagpapapadyak ako sa hangin habang naatingin lang silang tatlo sa akin habang si Zani naman ay umiling-iling na lang. "Hindi niyo ba ako bibilhan? Iiyak ako dito." pagbabanta ko sa kanila ngunit nagulat sila ng biglang pumatak ang luha ko sa pisngi.

"Oo na, eto na bibili na. Wag ka ng umiyak." Tumayo si Rayden at sinundan naman nina Owen at Jack. Umalis sila ng bahat at  naiwan kami ni Zani.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Kinuha niya ang dalawang kog kamay. "Xiana" seryoso ang expression ng mukha niya at wala itong halong biro.

Stay With MeWhere stories live. Discover now