"My future surgeon." Niyakap niya ako patalikod. Ramdam ko ang mainit niyang katawan dahil wala siyang damit pang itaas. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Let's go?" Pag-aaya ko. Tumango siya at kumawala na sa yakap at nag suot ng white t-shirt.

Bumili muna kami ng limang Siopao bago dumaretso sa school.

"Take care." Paalala ko kay Asher bago siya umalis.

"Hayst, pag-ibig nga naman." Narinig ko ang boses ni Owen sa likod kaya napalingon ako. Kasama niya sina Zaniah, Rayden at Jack.

Napailing nalang ako ng lumapit sila sa akin.

"I miss you." Niyakap ako ni Zani at niyakap ko naman siya pabalik.

"Tumataba ka na ahh." Pang-aasar naman ni Rayden pero feeling ko ay totoo yun. Nitong nakaraang araw ay napapansin kong tumataba na ako dahil sa mga pagkaing hinahanda ni Asher. Mahilig kase iyon magluto.

"Balita ko madalas ka ng matulog sa hospital." Balik na asar ko naman kay Rayden.

Inisnaban niya lang ako at ibinalik ko iyon sa kaniya.

"Mas lalo kang gumaganda." Tumingin ako kay Jack ng sabihin niya iyon at napangiti ako ganoon din siya. Bihira ko lang makita itong nakangiti kaya napaka cute niya.

"I miss you all guys." Malungkot kong sabi na parang naluluha na ako.

"Hoii, wag kang iiyak naiiyak na rin ako." Pagbibiro pa ni Zani.

Tumawa kaming lahat at sabay sabay ng pumunta sa loob.

Limang oras kaming nag practice at pagkatapos ay nag ayang mag mall si Owen na sinang-ayunan naman naming lahat.

Sumakay kami sa Van ni Zani papuntang mall. Nagkwentuhan kami at nag asaran dahil kay Jack. Pagdating namin sa mall ay agad kaming naghanap ng pagkakainan dahil gutom narin kaming lahat.

Nag message muna ako kay Asher na gabi na ako makakauwi at sa bahay muna ako uuwi dahil sama-sama kami nila Zaniah matutulog sa bahay. Pumayag naman siya at nag sabi ring may exam sila bukas.

Kumain kami sa fast food chain sa mall at pagkatapos ay nag grocery kami nila Zani  ng mga puwedeng kainin mamaya sa bahay. Imbes na tahimik kaming mag grocery ay kabaligtaran aang nangyari.

"Alaska?" Kinuha ni Owen ang gatas na Alaska. "Gaaling ka bang Alaska?" tawang-tawa si Owen sa sinabi niya ng biglang may kinuha  naman si Rayden.

"Oo,nakakita nga ako ng Bear e." Ipinakita niya ang hawak niyang Bear Brand na gatas. Natawa ako ng ipaharap niya ang gatas sa akin.

Isinagi ni Jack ang dalawa at kumuha ng Fresh milk. Tumahimik ang lahat at sumunod sa paglalakad ni Jack.

"Ang inay niyo kase e." pagbabawal sa amin ni Owen. Kinunutan namin siya ng noo dahil baliktad ang kaniyang pinaparatang.

"Hirap mog ipagtanggol!" Hinead lock ni rayden si Owen habang si Owen naman ay nagpupumiglas.

"Hay nako, wag na nga kayong magulo." pagbabawal ni zani sa kanila.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan, masaya na akong nakikita silang masaya at parang nakawalang bata sa mga bahay nila.

Kumuha kami ng mga chips at chocolates, si Jack naman ay kumuha ng mga puwedeng lutuin habang sina Owen at Rayden ay kumuha ng marshmallow dahil gusto daw  nilang itry sa bonfire.

Kami naman ni Zani ay bumili ng siopao sa labas ng grocery, hinayaan muna namin silang tatlo sa loob dahil nagugutom na rin ako. Habang bumibili ako ay nagpaalam si Zani na may bibilhin siya sa drug store kaya hinayaan ko nalang siya.

Stay With MeWhere stories live. Discover now