“Yah! Di ka sumama kela Baek?” tanong ko.

“Hindi.” Sagot niya nang hindi man lang humaharap sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. Malapit na sya sa may pinto.

“None of your business.” Sabi niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay naisara niya na ang pinto. Haayyy. Oo nga naman. Wala akong pake. >_<

Napabuntong hininga na lang ako habang papunta sa kusina. Pumunta ako sa may lababo at naghilamos.

Wala nga pala ako para sa kanya…

Bakit ba masyado akong affected? Iba na ba tong nararamdaman ko?

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Pagkatapos na yon ay dumilat na ako..

“AY ANAK KA NG NANAY MO!!” Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Shekla naman to. Jusko. Aatakihin ako sa sobrang gulat ha. >_<”

“I know right.” Sabi niya lang at tinalikuran ako. Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko sa sobrang gulat.

“Am I that scary?” tanong niya pa. Nakaupo na sya doon at nakatingin lang sa akin na nagtataka.

“H-Hindi n-naman. Nagulat lang ako. Akala ko ako lang nandito.” Sabi ko at humarap muli sa may lababo. Jusmiyo. Nakakahiya naman.

Nakita niya pa akong nag-eemote dito kanina. >_<

“Ah. I’m not in the mood to watch movies. That’s why I’m here.” Sabi niya pagkatapos ay nagpangalumbaba.

Shocks. Nakakapanibago naman. >_< Kinakausap ako ni Krisss!!!! Maswerte na ba ako sa lagay na to? >_<

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya humarap ako sa kanya at akmang aalis na. Ngumiti pa ako sa kanya nang bigla ulit syang magsalita.

“You’re not going to cook? I’m hungry.” Sambit niya.

Ayy. Oo nga pala. >_< Nakalimutan ko. Kaya nga pala ako pumunta dito sa kusina ay dahil sa kakain ako. Pero..

Siya ang kasabay ko? Di ba..

Nakakailang yun? >_<

Bakit naman ako maiilang, eh hindi ko naman na sya crush.

Pero duh, Naging crush ko sya!! >_< May rason pa rin ako para mailing. Asarness.

“Y-Yeah. S-sige. Magluto na ako. He-he-he” sabi ko sa kanya na may pilit na tawa. Agad akong pumunta sa may ref at naghalungkat doon ng ingredients. ><

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now