"Xibel, can I have my phone back?" tanong ni Isabella sa kaniya at tumabi sa upuan kung saan kauupo niya lang.

"Wala sa akin." Kinuha ni Jasia ang phone nito. Sinabihan din siya ng babae na huwag itong hayaang makahawak ng bagay na posibleng makapagpapaalala kay Drake.

"Pahiram na lang phone mo."

"No. Besides, Arator has it." He crossesd his arms and purposefully pushed Isabella with his elbow. She was just like Arator who loves to invade his personal space.

"Sige na. Maglalaro lang ako." Hinawakan nito ang kaniyang braso at saka niyugyog. "Promise, I won't freak out this time. Nauurat na kasi ako kakalaro sa anak mo."

Sa dalawang araw na iyon, walang tigil din ang laro at bangayan ng dalawa. Nakatakas nga siya sa walang humpay na kulit ni Imris, subalit palagi namang sabog ang kaniyang tainga sa ingay nila. Animo'y isang trumpeta ang nagsisigaw na kahit pa siguro lagyan niya ng mahika ang kaniyang tainga ay magagawa at magagawa pa rin niyang marinig ang matitinis na mga boses nila.

"Then, don't play with her." He didn't bother glancing at her and focused his eyes on the purple hologram.

[Character Restoration progress: 75%]

"Papa!" Speaking of the little one, he slowly moved his head and watched Imris run down the stairs with speed. Kagigising lang nito pero ang laki na ng ngisi sa mukha.

He already had a hunch of what this little woman is going to ask him.

"Papa, let's play!" Hinawakan nito ang kaniyang palad at hinila.

"It's still too early, Imris." Hindi siya nagpatangay. Nanatili siyang nakasandal sa upuan. Wala pa siyang enerhiya para makipaglaro ngayon. "Why don't you play with Isabella instead?"

"Ako na naman!" sigaw ni Isabella sa kaniyang tabi. "Hindi mo na ako mauuto sa style mo na 'yan, Xibel, ha. Ikaw makipaglaro diyan, anak mo 'yan!"

"Right, Papa! I don't want to play with her anymore too. She keeps nagging my hair!" sumbong nito at tinuro ang buhok. Muli siya nitong hinila pero ayaw niyang gumalaw.

Si Isabella naman sa kaniyang tabi ay muling niyugyog ang kaniyang braso. "Xibel, please! Kahit sandali lang, let me borrow a phone. Hindi ko kaya ng walang cell phone!"

"Papa, let's play!"

Mariing napapikit si Xibel sa mga ingay na nanunuot na naman sa kaniyang tainga. Idagdag pa na panay ang pagyugyog at paghila nila. Sa mga ginagawa ng dalawa, lalo lang siyang nauubusan ng enerhiya. Can he have a peace for a moment?

Nasaan na ba kasi si Jasia? Dumating na dapat ang babae sa mga oras na ito.

She might still be busy with her rehearsal.

"Can you two hush for a minute? Your draining me." Sinubukan niyang agawin ang sariling mga galamay pero hinigpitan lang ng dalawa ang pagkakahawak.

"Wala ka namang ginawa, dali na!"

"Papa, please!"

"Oh, heavens and curses." Parang nahihilo siya. Gusto niya ulit matulog dahil sa kakulitan ng dalawa. Talagang mag-ina nga.

"Shupi ka muna, Imris. Bigyan mo space ang papa mo," ani Isabella.

"No! You give him space!" Umakyat si Imris sa sofa at pilit na inaalis ang kamay ni Isabella na nakakapit sa kaniya.

"No! Ayoko!"

Bumuntonghininga na lang siya bilang pagsuko at hinayaan ang dalawang magbangayan na naman. Pipikit na sana siya nang may biglang kumatok. Napunta ang kaniyang atensyon doon.

"Ako na magbubukas," saad ni Isabella.

"Me! I want to open the door!" Sumunod din si Imris sa babae.

Siya naman ay napako sa kinauupuan nang biglang sumagi sa isipan ang sinabi ni Rasheed sa kaniya no'ng nakaraan.

"Wait—" Naputol ang kaniyang sinabi nang bigla na lang nandilim ang kaniyang paningin at isang malakas na puwersa ang biglang sumuntok sa kaniyang dibdib. Napahawak siya roon upang humigit nang malalim na hininga.

What was that?

He glanced at his hands. His pupils shook when it was disintegrating.

"S-sytem, what is happening to me?"

[Response System: You are experiencing the Glitch, a sign that you are almost ready to go back. It is not something harmful.]

Bumagsak ang kaniyang balikat. Unti-unti nang pumasok sa kaniyang isipan na malapit na nga siyang umalis dito, ngunit kaagad din itong naudlot nang makarinig ng isang hiyaw.

Napabalik ang kaniyang atensyon. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang nakabukas na ito at wala na ang dalawang babae na nakatayo roon.

Wala pang isang segundo ay nakatayo na siya at tumakbo papalapit sa pinto. Naabutan niya pa ang itim na sasakyan sa labas at karga-karga ang nagpupumiglas na si Imris at Isabella. He couldn't see the faces of those people because of the masks. In their pockets were weapons he couldn't describe, however, it surely didn't make him feel well.

"Papa!"

"Imris!"

He was ready to go to her and bomb those kidnappers with his coriar, but all of a sudden, he stopped. He couldn't get Rasheed's words out of his thought. That man was surely not trustworthy, however, he never joked around death. More than that, he couldn't see any reason for Rasheed to anger him.

The fear of losing Imris and Isabella at that moment, or losing them for life put Xibel in an utter confusion.

What must I do?

But even before he could decide, the car already left with Imris' tear-stained face still playing on his vision. 

--

Winty's note: my apologies, late na naman sa time. I also won't be able to follow the 10:30 AM updates the following days, but I will still update every day. I'm still writing the final arc kaya ganern. Heads up lang ^^ anyway, we're nearing to the end of this installment. Probably lesser than 10 chapters.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now