Prologue

14 3 0
                                    

“Alexis!” pangatlong tawag na yata ito sa akin ni Ate Lizzy mula sa baba. Nagsasalita naman ako, akala niya ba tulog pa rin ako? May nagsasalita bang tulog?

“Gising nga kasi ako!” sigaw ko pabalik.

“Ang sabi ko bumaba ka!” sigaw niya ulit. Hindi na ako magtataka kapag nabingi ako.

Hindi ko na niligpit ang hinigaan ko at dumiretso na lang sa salamin. Nang makita kong wala namang muta at laway sa mukha ko ay naglakad na ako pababa bago pa ako mabingi.

“Ang aga-aga pa! Sinabi ko na ngang mamaya pa alas dos ang klase ko! Puyat na puyat iyong tao tapos ginugulo—”

“Alexis, kakarating lang nina Ma'am Dione,” gigil na bulong niya sabay kurot sa tagiliran ko nang dumaan ako sa tabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong mahulog sa hagdan. Napatakbo ako pabalik sa kwarto ko.

Shit!

Hindi naman ako nasabihan na dadating pala sila!

“Magbihis ka, ikaw ang maghatid ng pagkain sa kwarto ng anak niya.” Sumunod pala si Ate Lizzy hanggang kwarto ko para pagbilinan ako ng gagawin ko.

Nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niyang anak.

“Huh? Umuwi si Ate Irene?”

Si Ate Irene lang naman ang kilala kong anak nina Ma'am Dione at Sir Ian. Anong nangyari kay Ate Irene? Kung nandito siya, dumideretso iyon dito sa kwarto ko. Close kami nun! Kaya bakit ko hahatiran ng pagkain kung bumababa naman siya? Hindi kaya paralyzed na siya?! Hindi puwede!

“Lalaki yun! Hindi si Irene,” sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

“Hindi niya siguro anak iyon. Nagkakalat ka ng fake information, Ate Lizzy. Alis na nga, maliligo na ako! Ihanda mo na lang ang pagkain tapos ako na maghahatid.”

Habang nag-aayos ay napaisip din ako. Hindi naman kami gaanong close ng mga boss ko. Si Ate Irene lang ang umuuwi dito at siya lang ang kilala kong anak nina Ma'am Dione. Noong magcollege na si Ate Irene ay umalis na siya dito, ang sabi lang ni Ma'am ay nasa Hongkong na raw. Nag-uusap naman kami ni Ate Irene noon pero wala siyang nabanggit sa akin na may kapatid siyang lalaki.

Baka pinsan ni Ate Irene?

“Pagkatapos mong ihatid ay kumain ka na rin. Hindi pa kita nakikitang kumain sa tamang oras, Alexis.” Tumango lang ako at agad na kinuha ang tray na may laman na pagkain.

Hindi ko pa sigurado kung nasaan ang kwarto ng tinutukoy ni Ate Lizzy.

“Oh, Alexis!” Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto na nasa gilid ko. Muntik pa akong madulas sa sahig dahil sa gulat.

Si Ma'am Dione!

Ang tagal ko siyang hindi nakita!

“M-Ma'am, nandiyan ho pala kayo.”

“Para kay Draze ba 'yan?” tanong niya. Hindi ko alam kung sino ang Draze pero siguro iyon yung tinutukoy ni Ate Lizzy.

“Ah, opo.”

“Ilagay mo na lang diyan sa mesa tapos tawagin mo na lang siya,” bilin niya, tumango naman ako.

Ginawa ko ang sinabi niya. Nilagay ko lang sa mesa sa labas ng kwarto.

“Nandito na po ang breakfast niyo, Sir Draze.”

Pero wala akong narinig na sagot. Hindi pa rin ako umalis.

“Sir Draze, ang pagkain niyo po nandito na.”

Ngunit wala pa ring sumagot. Nandito ba siya? Wala naman akong naririnig na tunog ng TV o kaya music. Hindi niya ba ako naririnig?

Dinikit ko ang mukha ko sa pinto para pakinggan ang nasa loob. “Sir Draze—ARAY!”

Sumalampak ako sa sahig nang bumukas bigla ang pinto.

“S-Sir! Sorry po!”

Bumungad sa akin ang walang reaksyon na mukha. Nakatulala lang siya at hindi nagsasalita.

Ang sakit ng pwet ko!

Hindi ba siya magso-sorry? Ako pa ang nagsorry?

“Nandito na ang pagkain—”

Napatabi ako at napahinto sa pagsasalita nang tabigin niya ako. Inabot niya ang pagkain na nasa lamesa at dire-diretsong pumasok.

Rude!

Papasok pa sana ako para sumunod sa sobrang gigil ko.

“ARAY KO!” hiyaw ko. “ANO BA!”

Nasubsob ang mukha ko sa pintuan ng kwarto nang isara niya nang malakas ang pinto.

Very rude!

Final na, hindi nga siya anak nina Ma'am Dione!

Ang bait-bait nila tapos ito? Anak niya? Saan banda?!

“Ate! Ako na nga!” Inagaw ko ang ice pack na hawak ni Ate Lizzy na dinadampi niya sa noo ko, dinidiinan niya kasi!

“Ano ba kasi nangyari diyan? Nadapa ka ba? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.”

“Hindi ko nga kasi sinasadya, very rude naman kasi niyang ampon ni Ma'am Dione!”

“ALEXIS!”

“Halata namang hindi nila kamag-anak—”

“Alexis! Sinasabi ko sayo! Pipigilan mo iyang bibig mo o lalagyan ko yan ng tape?” gigil na saway niya, umirap ako at tumalikod.

Humarap ako sa salamin at tiningnan kung gaano kalaki ang bukol.

Mas malaki pa sa limang piso!

Hinding-hindi ko na hahatiran ng pagkain yan! Kahit mamatay pa siya sa gutom! Kahit pa wala si Ate Lizzy! Hinding-hindi ako magluluto at maghahatid ng pagkain para sa kaniya!

MASK OF SECRET SHADOWSWhere stories live. Discover now