Tatlong araw din akong umabsent sa trabaho, kaya ngayon ok na ako, naghahanda na ako para pumasok.

"Girl! ok na ba talaga yang pilay mo?" bungad na tanong sa akin ni Joana.

Tumango tango lang ako. "Bakit ayaw mo ba ako dito?" pangaasar ko sa kanya.

"Ano ka! alam mo bang nung tatlong araw na absent ka eh, matindi yung init ng ulo ni Sir Kervy! Tapos tatlong araw ding walang girls na dumadalaw. Pero ayan na balik trabaho na," sabi niya sabay turo sa babaeng papunta sa elevator.

Umiling iling na lang ako, "Grace..." tawag sa akin ni Harvey, at ang mokong may dala pang Flowers.

 "Para saan to?" tanong ko sa kanya.

"Balita ko kasi nagkasakit ka, hindi naman kita napuntahan sa bahay niyo kasi may nakabantay" sabi niya.

 "Ah oo, mahigpit talaga ang mga security guard sa village namin, lalo na kung mukha kang masamang tao" pangaasar ko

"Hindi naman yung security guard" hindi na natuloy yung sasabihin ni Harvey dahil tumunog yung cellphone ko.

Kervy

Accept | Decline

"Manigas ka diyan!" bulong ko.

Kervy

Accept | Decline

"Asa ka!"

"Uhm... thank you dito. Sige bumalik ka na don, kasi as you can see marami pa akong gagawin" pagmamaldita ko.

"Uhm... sige" sabi naman ni Harvey sabay alis.

Bigla naman tumunog yung Telepono, at dali daling Sinagot ni Joana.

"Hello" pambungad niya.

"Si Grace po?" tiningnan niya ako, Sinenyasan ko naman siya na sabihing wala ako.

"Eh wala pa po. Opo papaakyatin ko na po!" biglang bawi naman niya, napasapo na lang ako sa noo.

"Sorry girl! sesesantihin niya daw ako eh, alam atang nagsisinungaling ako." pagpapaliwanag niya.

"Ok lang, ano nanaman daw ang kailangan niya?" tanong ko.

"Pinapaakyat ka" sagot naman niya.

Habang hinihintay kong bumukas yung elevator, bigla namang may tumabi sa aking lalaki, Matangkad siya, kasing tangkad lang siguro siya ni Kervy.

"Grace!?" tawag niya sa akin, sabay yakap.

"Excuse me! sino ka ba? makapangyakap lang!?" iritadong sigaw ko.

"Hindi mo ba ko naaala..." Hindi na niya natuloy dahil agad bumukad yung pinto at dali dali akong pumasok.

"I'm Luke" paglalahad niya ng kamay, tiningnan ko lang naman yun.

"Hindi ka pa rin nagbabago suplada ka pa din." natatawang sabi niya.

Aba! bwiset ngayon ko lang naman nakita toh ah! "Hoy Mister! Sino ka ba ha!?" pagmamaldita ko sa kanya.

"I'm Kervy's Friend" pagpapakilala niya.

"Sorry sila Timothy at Matteo lang ang kilala kong kaibigan ni Kervy." sabi ko naman.

"Uhm... i see, kakauwi ko lang kasi galing States. Dahil..." pagpapaliwanag niya. di ko kailangan ng explanation, agad naman akong lumabas ng elevator.

"Good morning Mr. Jimenez " pagbati naman ni Kate.

Magkasunod kaming pumasok pero siya yung nagbukas ng pinto.

"Whoo... Hanep! Kervy Vera Cruz walang pangbayad ng hotel!" pangaasar niya kay Kervy.

Pano ba naman yung babae, nagbibihis pa lang, samantalang siya inaayos pa lang yung buttones ng long sleeve niya. Bakit ba palagi na lang niya akong pinapatawag sa oras ng mga ganito! Sinasadya ba niya!?

Tiningnan niya lang ako na parang iritado sabay tingin sa kaibigan niyang nakaupo sa couch. Aba! Siya kaya ang nagpatawag sa akin dito! nananahimik ako sa baba eh.

"Grabe ka Pre! Hindi ata ang companya niyo ang mapapalago mo kundi ang lahi mo!" natatawang sabi nung Luke. Napayuko ako at natawa,

Tiningnan naman ako ni Kervy, tapos binato niya kay luke ung folder.

Aba ano? tatayo lang ako dito?.

"Gago, Ano bang ginagawa mo dito ha!?" inis na sabi ni Kervy.

"Gusto ko lang sanang bawiin yung dating akin" seryosong sabi nito, habang nakatitig sa akin.

"Tarantado, Wala ka ng babalikan! Akin na siya ngayon!" galit na sigaw naman ni Kervy na ikinagulat ko.

"Chill Bro! Yan ba ang isasalubong mo sa akin!?" sagot ni Luke sa kanya.

"Paula umalis ka na muna, bumalik ka na lang mamaya!" sabi niya sa akin. tumango naman ako.

Hindi ko pa nasasara ng mabuti yung pinto ng biglang sumigaw si Kervy. "Kasalanan mo din kung bakit nawala sa akin si Rhia!" madiing sigaw niya.

Sino yung Rhia? Yun ba yung gustong bawiin daw ni Luke? Sino siya sa buhay ni Kervy? bakit ang dami kong hindi alam?





(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now