CHAPTER 05

13 1 0
                                    

CHAPTER 05


Kallen Tevez Grench:

Short midnight drive with that someone

|
|
|
|_____  Kheziah Grench:
|                   What is this behavior?
|
|_____  Kellen Tyra Grench:
|                    Saan ka kagabi? Hanap ka         |                     ni Mom!
|
|_____   Khaizer Grench:
                       Ul*l


After unblocking Kallen on my socials, I expected that he would again bombard me with nonsense messages. I mentally noted kung ano ang gagawin ko, and that is to ignore him.

This is not the first time I encounter a guy like him, whatever his intention is . . . magsasawa rin siya kapag hindi pinansin,  the same with the countless guys I knew before.

But opposite from what I expected, Kallen  Grench didn't send a single message. . . which is a good thing!

But still, he didn't retire of reacting my old posts. Hindi ko talaga alam ano'ng nasa utak ng lalaking 'yon at nag-aaksaya siya ng oras sa social media kaka-flood react sa 'kin.

The whole hell week of prelims, wala akong Kallen Grench na nakita sa campus. Sabagay din, paano ko makikita 'yon eh, halos dumikit na 'yung libro sa mukha ko kaka-aral sa tahimik na lugar. Sana palagi na lang ganoon. 

"Finally prelims is over! This calls for a celebration!" Napairap na lang ako sa sigaw ni Ira.

"Anong celebration? Prelims pa lang 'yon!"

"Achievement pa rin 'yon kaya dapat nating e-celebrate. By the way, malapit na ang observation n'yo, may naiisip ka na bang campus?" Napatulala ako sa tanong ni Ira.

"May school reccomendation naman sila, doon na lang ako maghahanap," ani ko.

"Eh, 'di ba sa old school ka dapat mo mag-observation?" I sighed heavily.

"Hindi naman yata mandatory na sa old school talaga." At the end of the day, ang school pa rin ang pipili kung saan kami itatapon.

"Ayaw mo talaga sa alma matter natin?" malungkot na aniya. I stared at her, trying to read what her thoughts about this.

"Alam mo naman ang nangyari noon 'di ba?" Ira sighed painly and slowly nodded.

Hindi pala talaga biro ang buhay ng isang graduating student, parang kahapon lang noong halos wala kaming ginagawa pero ngayon. . . tambak kami ng mga activities at kung ano-anong assessment. Idagdag pa na abala kami sa paghahanda ng mga portfolio para sa school observation.

Mabuti na lang talaga at nagkakaintindihan  kami sa Bio Club dahil sinalo ng mga freshmen at sophomores ang trabaho namin kahit na abala rin sila.

Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang naglalakad sa hallway papuntang club room. Umulan kasi nang malakas kanina kaya basa at madulas ang hallway dahil sa talamsik. Hindi pa na mop-an kaya dilikado talaga. Pwede naman akong dumaan sa grass kaya lang ay mapuputikan ang sapatos ko.

"Ynna!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Kallen mula sa kung saan. Muntik na akong madulas, mabuti na lang at agad niyang nahawakan ang braso ko.

"Ba't ka ba kasi nanggugulat!" inis kong ani. Halos humiwalay 'yung kaluluwa ko sa nangyari. Tinawanan niya lang ako kaya galit ko siyang tiningnan.

Buhay pa pala 'to? Akala ko wala na, sana naman tinuloy-tuloy na niya ang hindi pagpapakita sa 'kin.

"Ay nagulat ba kita?" Aba't! Hinayupak na tanong na 'yan. Galit ko siyang tiningnan pero nginisihan niya lang ako na parang tuta.

"Saan ka?" tanong ni Kallen. Bahagya akong lumayo sa kanya pero sumunod lang din siya.

"Huwag kang susunod sa 'kin," banta ko dahil nahulaan ko na kaagad kung ano ang gagawin niya. Nagpatuloy ako sa maingat kong paglalakad.

"Bakit ba araw-araw kang masungit?" tanong ni Kallen habang sumusunod sa likuran ko.

"Una sa lahat, wala kang pake-- ayy Mama!" Muntik ulit akong madulas pero mabuti na lang at agad na naalalayan ni Kallen ang likuran ko.

"'Uy, ingat naman!" aniya pagkasalo sa 'kin.

His hands on the back of my shoulder feels weird, I don't like the kind of feeling it gave me. Nagmamadali akong umayos at lumayo sa kanya.

"Ikaw kasi, eh!" sisi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya.

"Oh, hala! Ba't naman naging kasalanan ko bigla?" angil niya.

"Ewan ko sa 'yo." Inirapan ko siya bago nagpatuloy sa pglalakad.

"Sandali, Ynna!" Humabol siya sa 'kin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Alam mo? Sa init ng titig mo sa 'kin tuwing nagkikita tayo, pwede na akong matusta," he blabbered.

"Buti naman wala ka pang nakaka-away dahill d'yan," aniya. Deritso lang ang tingin ko sa daan habang umaakto na walang engkanto na kung ano-ano ang pinagsasabi sa gilid ko.

"Pero mabuti rin 'yan para walang ibang lumapit sa 'yo, kasi. . . ako lang dapat." Hindi ko na napigilan ang sarili na mapalingun sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. He just beamed and shrugged his shoulders off at my look at him. "Kasi nga 'di ba? Ako lang naman ang may makapal na mukha na kaya kang lapitan?" depensa niya sa sinabi.

Muli ko siyang inirapan, paakyat na kami sa stairs nang muli siyang magsalit. "Ayan na naman po 'yang titig niya! Dapat lagi kang pagod at inaantok, eh para malumanay ang titig mo sa 'kin. . . tulad noong gabing 'yon? 'Yung sumakay ka sa--"

Nagulat ako nang biglang may dumaan na dalawang estudyante habang nagsasalita si Kallen. Nag-uusap sila pero nang makita kami ni Kallen ay natahimik at nagbulongan. They are staring at him so I assume they knew him.

Saka ko na na-realize ang pinagsasabi ni Kallen, I immediately want to stop him from talking at baka kung ano pa ang isipin ng mga 'to sa mga pinagsasabi niya.

Balak ko lang naman na hawakan ang braso niya at pandilatan siya pero napalakas yata at natulak ko siya. Hindi ko naman sinasadya na saktong nasa alanganin ang paa niya habang humahakbang sa stairs. Mabilis ang mga pangyayari, natisod si Kallen, nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig ng hagdan.

The horror on my whole system when Kallen couldn't get up, he's wincing in pain while pointing at his feet.

Tuloyan na 'kong natakot at nataranta nang mapasigaw si Kallen  dahil sa sakit ng paa niya.

"H-hey. . ." Nagmamadali ko siyang dinaluhan kahit na I don't even know what to do! Pati 'yung dalawang babae na nakasalubong namin ay napalapit din kay Kallen.

Hinawakan ko ang braso ni Kallen para alalayan siya sa pag-upo but he just keep shutting his eyes and wincing in pain. Hindi ko na alam ano ang gagawin, mabuti na lang at biglang napadaan si Kollin.

"What happened?" nag-aalalang tanong niya sa kapatid nang daluhan kami. Pero dahil hindi makasagot si Kallen ay sa 'kin bumaling si Kollin.

"Na. . . na. . ." Biglang nablangko ang utak ko nang ma-realize kong. . . kasalanan ko.    "Aksidente ko siyang natulak--"

"I think it's my injury Kollin," Kallen cut me off. Kumunot naman ang noo ng kapatid niya bago nagpalipat-lipat sa 'min ang tingin. "Just bring me to the clinic," dagdag niya.

Tumango si Kollin at agad na inalalayan ang kapatid niya sa pagtayo. I tried to help by grabbing his arm pero nagulat ako nang bawiin niya iyon para makakapit kay Kollin, I tried again but Kallen just won't relay on me. Napansin iyon ni Kollin kaya ako na lang ang inutosan niya.

"Gonzales, can you call for a wheelchair?" Tuloyan ko nang binitiwan si Kallen para gawin ang inutos ni Kollin. Paalis na 'ko nang bigla akong tawagin no'ng babaeng nakasalubong namin.

"Miss, nahulog ni Kallen." May inabot siyang kapiraso ng papel, I think it's from Kallen's pocket.

"Sana okay lang si Kallen. Athlete pa naman siya, hindi siya pwedeng ma-injury," usisa ng kasama niya.

She said that out of concern, but her words dropped on me like a bomb. Pakiramdam ko  bigla ay binuhosan ako ng malamig na tubig.

Burning Embers Where stories live. Discover now