"H'wag niyo munang ipaalam sa Headmaster at Headmistress ang napag usapan natin ngayon... We need to collect some evidences para mapatunayang tama ang hinala nating nandirito sa loob ng paaralan ang prinsesa," seryosong wika ni Sienne. Tumango lamang sa kaniya ang tatlo.


Maya maya ay namayani ang isang nakabibinging katahimikan sa apat na sulok ng Alpha's hideout— ang silid kung saan kami nananatili sa tuwing mayroon kaming importanteng pag uusapan.


"Si Iaxah... Hindi ba talaga siya ang prinsesa?" Natuon ang aming atensyon kay Lhyre nang basagin niya ang katahimikang pumalibot sa amin kani kanina lang.


"Wala siyang sign na ipinapakita," sagot agad ni Eric. Napailing iling si Lhyre.

"H— Hindi kase... Ano... M— May napansin ako sa kaniya kanina nung nasa dorm kami," kandalunok lunok na sabi ni Lhyre.


"Ano naman iyon?" kunot noo siyang nilapitan ni Sienne. Napaiwas naman si Lhyre ng tingin.

"Her hair has black strands... Y— Yung mata niya rin... N— Nag iiba ng kulay..." Lhyre uttered.

"But... Her hair is silver white? Tsaka kung yung buhok niya dati... It's chocolate brown, diba?" I questioned her.


"Yun na nga ang ipinagtataka ko, eh," iiling iling na wika ni Lhyre.

"We have to investigate."

Napalingon kami sa gawi ni Kalix nang bitiwan niya ang apat na salitang iyon.

"Then we have to look for them," tumayo na si Trisha at akmang magsasalita muli nang may biglang kumatok sa pinto ng Alpha HQ.

"Ako na!" Tatalon talon na ani Alissy at nagtungo sa pintuan saka iyon binuksan nang may nakahandang malawak na ngiti sa labi.

"Hi, kuya Kiel! Bakit?" Magiliw na bati ni Alissy. Sumilip kami sa labas. It's Kiel from Class A, an electric manipulator.

"Ipinapatawag ang mga alpha sa opisina ng headmaster," yumukod si Kiel matapos niya iyong pormal na sabihin at agad na nagpaalam nang aalis.


"Oh? Bakit kaya?" Nagtatakang tanong ni Myles at nauna nang tumayo. Kumibit balikat lang si Trisha at tinignan si Kalix.


"Let's go," malamig na wika ni Kalix at nanguna ng umalis. Nakangiwi lang akong sumunod sa kaniya na agad naman sinundan ng iba.

"Uhmm... Mauuna na siguro kami, hahanapin pa namin sila Iaxah." Dinig kong pagpapaalam ni Eric kay Alissy saka ko sila nasulyapang maglakad papalayo sa gawing aming tinatahak.


"Paano kung siya iyong misteryosong babae?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong na iyon ng kapatid ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat, kapwa napaisip.

Paano kung siya nga?

"We'll find out," tipid na sagot ni Kalix kapagkuwan at nagpatuloy na sa paglalakad. I let out a deep sigh. Everything's making my head damn hurt.








"GET in," wika ng headmaster mula sa loob ng opisina matapos kumatok ni Razer ng tatlong beses.

"Why did you summon us?" diretsong tanong ni Kalix pagkapasok ng opisina. Naupo kaming lahat maliban kay Kalix na nakatayo sa mismong harap ng mesa ng headmaster.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si headmaster Cever. "You see, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang, dumating ang nagpakilalang nawawalang prinsesa, tapos biglang may magpapakitang babaeng nakaitim na hindi natin alam kung paanong nakapasok, lalo na yung Kateny na iyon. My brain cannot digest anything. Wala pa man isang oras, nabunyag na agad lahat." kunot noong ani headmaster. "Hindi ba dapat magkakampi sila? Dahil mula sila sa kabilang panig. Pero... Maaari rin namang palabas lamang nila iyon upang linlangin tayo," dagdag na aniya.

Napaisip ako sa sinabi ng headmaster. Linlangin? Ano nga ba talagang pakay ng babaeng nakaitim?

"But there's a possibility that the lady in the black cloak is against the plan of the dark users," Myles muttered. Napatango tango naman si Alissy na nakaupo sa aking tabi.

"Oo, headmaster. Kase noong nasa gubat kami, ilang beses din kaming iniligtas nung babae. Una, sa higanteng lobo, sunod naman ay yung sa isinumpang halimaw!" nanlalaki ang mga matang wika ng aking kapatid. A crease formed in headmaster's forehead as he heard Alissy.

"Tinulungan kayo kamo?" Headmaster questioned.

"Yes," kalmado kong sagot. I saw Kalix clenched his fists as he speak.

"She managed to put the cursed wolf into sleep, and defeated the monster of Bel."

Gulat na napatingala si headmaster kay Kalix. "Ano kamo? The monster of Bel? Hindi iyon basta basta natatalo!" Hindi makapaniwalang aniya.

Napatanga ako kay headmaster. Hindi basta basta natatalo? But she defeated the monster without even sweating!

"Maybe there's something special with that woman under the cloak," headmaster muttered. "I want you to investigate, and also, keep an eye on Iaxah and Clifford. It seems like they're hiding something," dagdag niyang sabi.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ni Kalix.

"Kiel saw them talking behind the shelves in the library. It seems like they're discussing something really important dahil bigla silang tumahimik at nagpanggap na nagbabasa nang maramdaman nila ang presensiya ni Kiel na papalapit sa gawi nila," headmaster answered.


"This is making me lose my sanity," napabuga ng hangin si Sienne at sumandal sa kinauupuang sofa.

"I'll make a reservation in the asylum, then," sarkastikong anas ni Trisha. Sienne threw her a death glare and then rolled her eyes.

"Maaari na ba kaming umalis? Mag iimbestiga pa kami," nababagot na ani Razer na nakatayo na pala malapit sa pinto.

"Oh, yes, you can go now,"

"Thank you," pormal kong wika at agad na sinundan si Kalix na nanguna nang umalis.

"Pota mag iimbestiga na nga tayo, babantayan pa natin si—" di na natuloy ni Razer ang sasabihin nang biglang tumigil sa paglalakad si Kalix.

"I can sense a dark energy nearby," Kalix uttered, making us stood in frozen but immediately composed ourselves as we sharpen our senses.

Damn... This energy is so fucking strong! The aura seems unbreakable.

"Tangina, ang lakas," mariing bulong ni Razer.

"I can't locate the energy," naiinis na ani Sienne.

"Because it's everywhere," ani Trisha at inilabas ang kaniyang wand. Sumunod naman kaagad si Myles at sinabayan si Trisha na magcast ng spell.

A white smoke appeared infront of us as gold and silver light started to form an ancient greek letters.

"Walang kalaban..." Kunot noong wika ni Trisha.

"What? But there's a strong energy coming from a dark user?" Asked Sienne.

"Iisang tao lang ang pinagmumulan ng kapangyarihan," Myles said in a serious tone.

"The princess is here," Kalix whispered, just enough for us to hear.

"The princess is here?"



To be continued...

Missing Princess of XenoaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin